Chapter 09 ✍ - #Date101

64.3K 919 140
                                    

Kassandra ✍


KINABUKASAN.  
Sana'y madaling matapos ang araw na 'to. Pagkarating ko dito sa park, wala pa si Lucas. 

Aba't ako pa talaga ang pinapahintay ah. 

Kaya naman para hindi ako mangalay, umupo muna ako sa isang bench na malapit sa isang puno para naman hindi ako mainitan.

Ilang minuto rin akong naghintay. 

Hanggang sa may pumiring sa mga mata ko gamit ang mga kamay nito.

Tssk, ang baduy talaga ng lalaking 'to. O.A na masyado.

"Hoy Lucas, nagmamadali ako. Pwede bang alisin mo na ang kamay mo." sabi ko ng mahinahon.

Ngunit hindi pa rin nito inaalis ang mga kamay nito.

"Hoy ! Anong bang problema mo? Sabi ko na ali- .." at ng makawala ako, nagulat ako kung sino ang tumakip sa mga mata ko.

I was shocked. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Stop. We have to talk." he said.

Tumalikod ako at hinarap ulit siya.

"Talk?" then I laughed."Are you kidding me Stefan?" I said.

"Of course not. May malapit na cafe rito. Mag-usap tayo Kassandra."

"Wow. Akala ko ba 200 ang I.Q mo? I already told you before right? Don't you ever talk to me!" 

I left him speechless. 

At nakita ko si Lucas na paparating na nasa likuran niya.

Tatalikod na sana ako para hindi niya ako makita pero sa napagandang pagkakataon, tinawag pa niya pangalan ko.

Ganda ng buhay ko noh? Tssk.

"Kassandra!" Lucas shouted.

All I ever did was to stop walking. 

"Hey." walang gana kong sabi sa kanya.

"Kanina ka pa? At sino naman 'tong lalaking 'to?" na tinutukoy niya si Stefan.

"Stranger." I coldly said.

"She's my ex." lumaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Let's go, Lucas." I hurridly said.

"Wait a minute." at pinigilan niya ako. "He's your ex?" tanong niya sa akin.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim tska ko iminulat ito.

"Pwede ba, umalis ka na." sabi ko kay Stefan.

"I told you, I wanna- .." hindi nakatapos sa pagsasalita si Stefan ng magsalita si Lucas.

"She said go away." at nakita kong tiningnan niya ito nang matalas.

"Eh sino ka ba?" sabi niya rito.

"LUCAS!" at hinatak ko siya papalayo.

Nakita ko kasing kinuyom na niya ang mga kamay niya.

Bad trip na nga ako ngayong araw na 'to, nadagdagan pa.

 ° ° ° ° ° ° ° 

"Bilisan natin at nagmamadali ako." sabi ko sa kanya.

Ngunit ng tinanaw ko siya, galit ang rumehistro sa mukha niya.

At sa aming paglalakad, dinala niya ako sa isang restaurant hindi kalayuan sa park.

Pumasok lang siya na parang siya lang mag-isa.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

At nakita ko sa table namin na may nakalagay na reserved sticker.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon