21st Paper

2.5K 79 5
                                    

21st Paper

Frigid

"Jes, darating sina Tita Ciela at Tita Lai maya maya. Prep yourself up."

Binato ko ang isang throw pillow sa kanya habang nakasalampak pa rin ang mukha ko sa kama.

"I don't care, Gage. Nakakatiis silang dalawa nang hindi ako paligo, so whatever. Matutulog pa ako." Agad agad akong nagtalukbong ng kumot over my head.

Natanggal naman iyon kaagad dahil sa paghila ni Gage. Maayos na sana kung kumot lang ang hinigit niya eh, pero pati ako ay mismong hinila niya pababa ng kama. Ngayon ay sa sahig na ako nakadapa. Hindi pa rin ako nagpatinag.

"I'm going to pour on some cold water on you, Jes, if you don't wake up right now!"

I sneered. Napilitan akong tumayo para harapin siya. "Alright, daddy Gage! Kainis." Bulong ko bago pumasok ng bathroom.

Habang nagsa-shampoo ay naalala ko ang kapirasong pangyayari sa panaginip ko. Nasa kama ako noon at natutulog na. Hindi pa raw malalim ang tulog ko kaya't damang dama ko ang labi ni Drian nang lumapat iyon sa labi ko. Iyon lang. Iyon lang talaga. SO KILIG! Kaya lang hanggang sa panaginip lang talaga iyon mangyayari. Sad.

Sasandali akong naligo because that's just how I go. Hindi na ako nakapagisip ng bagay bagay at life-changing decisions sa bathroom dahil alam kong may naghihintay na Gage sa akin sa labas ng kwarto ko. Mabuti't hindi ko nakalimutang kumuha ng malinis na damit mula sa labas bago pumasok.

"Change of plans, Jes. Hindi na pala pupunta sina Tita rito. We're going out." Ngumisi siya at ilang sandali pa ay tumawa na nang malakas. Nakaupo siya sa kama ko at ang kanyang ulo ay nakasandal pa sa headboard.

Dahil sa inis na naman ay ibinato ko sa kanya ang basa kong towel at saka nagpapadyak.

"Matutulog pa sana ako, eh! I freaking hate you, Gage! Nakakasira ng araw, promise!" Panay ang irap ko sa kanya hanggang sa magkanda-hilo na ako.

Tumayo siya para lapitan ko. Kinuha niya ang kamay kong sumusubok na sumuntok sa kanyang dibdib. Iniangat niya ang mukha ko sa pamamagitan ng baba ko.

"I'm sorry, okay? I just want to bond."

"Pwede naman kasing mamaya ng hapon, diba? Puyat ako, alam mo naman iyon." Puyat sa kaiisip kay Drian kung bakit hindi na naman niya ako pinapansin.

"I want us to have all day. I'm leaving for Florida tomorrow." Mahina niyang sabi.

Itinulak ko siya at minatahan. "At hindi mo manlang sinabi sa akin?"

"Woah. I just didn't think you'd react this way? Dati ay excited kang makaalis ako, diba? Why change your mood now, Jes?" Nakuha pa niyang tumawa at matuwa sa naging reaksyon ko. Kung may hawak lang ako ngayon ay malamang naibato ko na ulit iyon sa kanya.

"Oh, you know I didn't mean all that. And because you were my friend and confidante, Gage!" Lalo na kapag nalulungkot ako dahil kay Drian. "Tapos bigla ka na lang aalis."

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon