45th Paper

2.3K 72 6
                                    

45th Paper
Deserve

Mainit na yakap ang isinalubong sa akin ni Mama. Maging si Tita Lai ay pinapakalma ako nang makauwi ako. Hindi ko na kailangang ikwento kay Tita ang ugat nito dahil alam kong sinabi na iyon ni Mama.

But judging by their looks they wanted explanation. Pero dahil din sa pagmamahal nila ay naramdaman kong hindi nila ako minamadali.

Dinala ako ni Mama sa kwarto at binigyan naman ako ni Tita ng mainit na gatas. Matapos kong uminom ay nahiga na ako.

Pagod na pagod ako. Walang wala ang literal kong pagod mula sa pagod kong umintindi, masaktan, at magmahal muli. I am not a Saint, I just love him purely and unconditionally.

Lahat yata ng kundisyon na mayroon para hindi ko siya mahalin ay naroon na. But I still chose to because this is love we are talking about. And love really does make people a fool. It makes us do outrageous things, even out from our will.

Despite of the pain I've slept with, mahimbing pa rin ang naging tulog ko. Mag e eleven na ng umaga at wala pa ring gumigising sa akin.

Nag ayos ako ng kaunti bago bumaba. Nanlamig ako bigla nang marinig ko ang boses niya sa ibaba.

"I won't let her go. That's our house! Doon ako at doon din siya. Please Tita, Mom!"

"Drian, you are not the one to decide in here! Calm down and go home." Rinig kong sagot ni Tita Lai.

I thought. Should I go down now or should I wait until Drian's gone?

Naupo ako sa baitang ng hagdan at nagsimulang mag isip. I know I want to see him. I do. Ngunit natatakot ako na baka pag nakita ko siya ay bumalik ang pagkasariwa ng sakit kagabi.

"No, I will ask her!" Dinig ko ang galawan mula sa baba at nagsimula akong kabahan.

Shit! Tataas siya! I gotta move fast-

"Jesca..."

I hit stop. There was a very long pause. Nakatalikod ako sa kanya at alam kong parehas kaming hindi gumagalaw.

Muli niyang tinawag ang pangalan ko. Hindi ko pa rin siya nililingon. God knows how much I wanted to look. The devil in him can melt me into the most poisonous fluid to kill myself.

"Jesca," malambing niyang bulong sa tenga ko. Hindi ko namalayan ang pag akyat niya. Pagkatungo ko ay nakita kong wala siyang suot na slippers.

I flinched at his touch when he engulfed me in his arms. "Let's go home. I'm sorry."

Marahas akong pumikit at tinanggal ang braso niya. When I opened my eyes I courageously looked at him.

"No."

Hanggang ngayon ay mapait pa rin ang kanyang tawa. Ang kinaiba lang niya mula kagabi ay kalmado na siya ngayon at halatang nasasaktan.

"What do you mean no, Jesca? That's our house. Doon na tayo. And you have to go home with me. Please." Lukot na lukot ang mukha niya sa pag mamakaawa, pero pinilit kong itapon ang nararamdaman ko sa kawalan.

"I'm sorry but this is my home. The house in La Colina? It's yours now. Keep it."

Nang isara ko ang pinto ng kwarto ko ay agad kong narinig ang pag kalabog niya rito. Paos na paos na ang kanyang boses pero wala lang sa akin. Ako rin ay paos na. Ako ang mas umiyak, ako ang mas nasaktan. It's enough.

"Tama na, Drian. Go home." Mahinhin kong sabi matapos niyang mapagod sa kakakatok.

"Jesca, I love you!" Sumunod doon ay ang pag hagulgol niya.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon