7th Paper

2.7K 74 2
                                    

7th Paper
Miss

Tumigil si Drian sa pagtuturo sa akin ng sayaw nang sabihan siya ni Ray na ipinapatawag siya ni ma'am Canale sa faculty room.

"Baka hihingi ng invitation para sa kasal niyo ni Jesca. Joke!" Mabilis niyang dagdag bago pa nakapag-react si Drian. Pero I'm surprised na hindi nagalit si Drian kay Ray imbes ay tumawa lang siya.

Payag... payag na kaya siya? Omg! Pero ako, hindi pa eh? Ang gulo.

Umalis si Ray at pumunta na ulit sa unahan para ipagpatuloy ang pagtuturo niya ng sayaw. Tumingin sa akin si Drian ngunit wala na ang ngiti niya sa labi. Expressionless na ulit.

"'Wag mo silang intindihin. Wala namang kasalan o live in na mangyayari."

Iyon na ang huli niyang sinabi bago ako iwan. Sus. If I know Drian, naaakit ka na sa akin kaya ka lumalayo. At talagang lalayo ka dahil may ka-MU ka na kasi. Ang weak naman neto, pwede namang dalawa kami eh. Kahit pangalawa lang ako, kahit kahati lang, kahit option lang okay na ako. Okay na okay.

Echos! Ang drama no'n ah.

Dahil wala na ang gwapo kong partner ay sumali na ako sa usapan ng magugulo kong kaibigan at ilang kaklase. Nakaupo sila sa gutter at ang iba naman ay lakas-loob na pinatos nang umupo sa sahig.

"Ito na pala si Misis-Gutierrez-to-be!" Hiyaw ni Julian nang makaupo ako sa tabi niya. Binanatan ko ang likuran niya hanggang sa kamuntikan na niyang mailuwa ang kaluluwa niya. Echos ulit. "Langya ka naman, Jesca! Akala ko ba patay na patay ka ro'n sa tao? Dapat okay lang sayo! Hindi 'yung ako yata ang papatayin mo."

"Eh paano kasi, ayaw niya kaya." Umirap ako. Kumuha ako sa fries na kinakain nina Aria at Mariella. "Taposh may ka-emyu pa sha, di ko na alam gagawin. Maganda naman ako."

"PUSH!" Malakas na sabi ni Ten kasabay ang kanyang hand gesture na parang may itinutulak.

"Magpa-sexy ka na kasi, Jesca. Nang makita niyang si Drian ang pinalalagpas niya." Sabi ni Marj.

"Magtatampo fats ko. Next time na lang." Malumanay kong sagot. Kumuha ulit ako ng fries para naman masiyahan ako. "101 tayo mamaya."

"Yon! May narinig akong good news dyan ah." Dumating si Mae kasama si Sien. Agad nag ayos si Ten at nanahimik na.

"101 daw." Pagulit ni Elaine. "Jesca, samahan mo 'kong CR."

Tumayo ako para pagpagin ang likurang parte ng palda ko. Lagot ako nito kay mama at sa manlalaba.

"Nandito pala sina Aiana. Siguro tuwang tuwa si Drian ngayon." Narinig ko ang pagsita ni Mae sa sinabi ni Ten kaya bumawi ito. "Ay echos lang. Feeling ko umiiyak na 'yon ngayon e... sa saya. Joke ulit! Ehe."

Tumingin ako sa faculty room ng adviser namin at nakita kong doon tumungo sina Aiana at ang mga dating kaklase nito. Naalala ko, hindi ba nandoon din si Drian?

"Bff, lika na! Bilis! Kailangan kong i-save ang hubby ko." Hinila ko si Elaine.

"Kanino?"

"Sa great white witch."

"Great white witch?"

Halos madapa-dapa na kami sa pagmamadali ko at sa pagmamabagal ni Elaine. Hindi kami masyadong synchronize kaya ang epic lang talaga. Medyo mabigat din si bff tapos mabigat pa ako kaya medyo hirap ako sa paglalakad nang mabilis, medyo lang naman.

"Oo nga. Bagal kasi eh!"

Awtomatikong bumagal ang paglalakad ko noong malapit na kami sa may pintuan ng faculty. Si Elaine naman ay parang hindi pa makarecover sa pagmamadali namin kanina kaya ayun, lumagpas na sa faculty room.

Dumungaw ako nang sobrang duper kaduper konti sa faculty para makita ang nasa loob. Nakaupo ang mga dating schoolmates namin at si ma'am naman ay nakatayo sa harapan nila at nakasandal sa table niya.

"Talaga naman kayo hane? Mga manlalandi, pinagpi-pyestahan niyo na naman ang mga anak ko." Tumawa si ma'am Canale.

"Pero ma'am, si Aiana naman kasi talaga ang support namin right here right now." Sagot ng bading nilang kaklase. Hindi ko siya kilala dahil hindi naman ako malapit sa ibang years noon at tsaka hindi ko masyadong iniintindi ang mga issues sa school.

"Looky her o, happiness na with her charming man."

Nilakasan ko na ang loob ko para lumakad nang mabagal habang nakatingin sa loob ng faculty. Nasa isang malapat na upuan si Drian at Aiana. Magkatabi sila at nagbubulungan, naghahagikhikan at parehas nakangiti na para bang walang ibang tao sa loob ng faculty na iyon.

Dumiretso na ako sa CR at humarap kaagad sa salamin. Maganda ang buhok ni Aiana; straight iyon na mahaba at ang akin naman ay may kaunting wave at lagpas balikat lang. Maputi siya at makinis habang ang ako naman ay katamtaman lang. May kaunting pimples pa ako. Sisihin si Drian Xih!

"Huy!"

"PimplesKongNagngangalangDrianXih!! Bff naman. 'Wag kang ganyan." Humawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim.

"Nagdadrama ka?"

"Hindi naman. Nag-iinternalize lang."

"Para saan?"

"Wala. Para gumanda. Alam mo na, nagbabakasakali."

Lumiit ang malaking mata ni bff nang tignan niya ako nang masama. Naghugas lang ng kamay si Elaine bago kami lumabas ng CR. Niyaya ko siya na sa kabilang hallway dumaan, kung saan hindi ko mahahagip ang faculty room, on the way back.

Pero nang makabalik kami ay nandoon na rin si Drian, kasayaw si Lyn. Nagkaroon na lang ng ilang batches ng pagsasayaw bago natapos ang pagre-rehearse sa araw na ito.

"101 time! Gutom na ako. Miss ko na si ate, at ang chili cheese na hotdog niya." Siglang siglang sabi ni Mae.

"Oy, ang dugyot ng pagkakasabi mo." Kumento ni Aria.

"Ang sarap kaya. Yummy." Sagot ni Mae na mukhang hindi naintindihan ang sinasabi ni Aria.

"Pwede naman kasing sabihing Chillidog na lang."

Kinuha muna namin sa room ang mga gamit namin, pagkatapos ay tumambay kami sandali sa benches na malapit sa quadrangle. Pagod pa raw kasi si Mae sa pagsasayaw kahit alam kong hindi naman siya masyadong gumalaw.

"Here comes the hubby. Eager to grab his bobby." Pakantang sabi ni Aria.

"Bobby? Gets ko 'yooon!" Nakipag-high five pa si Elaine kay Aria.

Nang lingunin ko naman kung sino iyon ay, anakanamanang! Ang hubby ko nga!

Ngingitian ko na sana siya sa pagdaan niya pero tumigil siya sa harapan ko. Mukhang badtrip. Hindi niya manlang nabati ang kasama ko ngayon. Which is odd, dahil kapag ganitong pangyayari ay kadalasang sila ang una nitong binabati at halos tango lang naman ang ibinibigay niya sa akin.

"Ihatid daw kita ngayon sa bahay niyo. Let's go." Firm niyang pagkakasabi.

Gusto kong tumanggi kasi kakain pa kaming lima pero mukhang hindi na ako makakaangal sa kanya dahil badtrip siya. At nakakatakot makipag away sa kanya kahit hindi pa naman iyon nangyayari. A good wife knows when to be quiet and just support her hubby.

Nauna siyang maglakad paalis. Iyon lang ang sinabi niya bago pumunta sa sasakyang gamit niya.

Minatahan ko isa isa ang limang babaeng curious sa harap ko.

"Uwi na raw kami. Miss na niya ako eh. Kailangan ng alone time."


MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon