17th Paper

2.8K 90 16
                                    

17th Paper

On Me

Ibang iba ang naging hitsura at ayos ng bahay namin ni Drian—namin ni Drian! Ang noo'y walang  dating na living room ay nabuhay ngayon. Ang dingding ay naging kulay asul na nagpalamig sa lugar. May isang mahabang puting divan na sofa ang nakadikit sa dingding, which looked really elegant. And amazing—probably because Drian's sleeping on it. Heehee!

Lumakad ako para inspeksyunin pa ang lugar at ang mga ipinagbago nito. Nakatago ang matayog na hagdanan sa gitna ng dalawang pader. Puno rin ng mga halamang nasa paso ang paligid, na alam ko'y ideya ni Tita Lai dahil mahilig siyang mag-alaga ng mga halaman. Now I have sufficient supply of oxygen I need when Drian knocks me breathless!

"Inuunahan ko na kayo. If you're both gonna make loud noises upstairs, shut it." Sabi ni Drian bago muling pumikit para matulog.

Loud noises. Ganoon na ba talaga ako kaingay pag binabangayan si Gage? Okay, for the sake of my love's request, hindi na.

Tinignan ko si Gage na mukhang tawang tawa pero hindi niya iyon mailabas. Mabilis kong pinalo ang tiyan niya to wipe that amusement off his face. I hushed him silent.

"'Wag mo na akong sundan sa taas. Hindi ko pa naman ilalagay ang mga 'yan dito." I referred to my luggage.

Iniwan ko siya roon nang nakikipag-kuwentuhan kay Kuya Jarvy. One of the good things about being a guy is that they don't have insecurities, that's why they get along well and fast.

Pagkataas ko ay nakita ko ang dalawang pintong nakaharap sa isa't isa. Pinasukan ko ang alam kong akin. The room, as I have requested, is painted with the color scheme of yellow, orange, red, and green. Maganda ang kinalabasan, hindi masakit sa mata tulad ng naiisip ko. The colors are of different intensity. They did a pretty good job.

Madilim na berde ang naging floorings, habang ang dingding naman ay may tila mustard yellow. The sheets and pillow cases are in the shade between red and orange, and then with a few touch of heavy-weighted lines in yellow. Ang mga gamit dito ay kulay pula, kung hindi naman ay kulay dilaw.

Napansin ko iyong papel kunsaan naka-print ang 10 Ways ko sa dingding just above the headboard of my bed. Natawa ako, knowing that the girls did that.

"Jesca, you have to eat. Tara sa baba." Sabi ni Gage. Tumango lang ako at sinundan siya sa baba.

One of the good news right now is that my Hubby is already awake. Second is, there are foods prepared. Hindi ito lutong-bahay, I could tell. Hindi naman hilig ni Kuya Jarvy ang magluto, and as I have seen it, kakagising pa lang ni Drian.

"You guys should have seen Jesca's face throughout our flight. She's like a constipated goddess!" Pang-inis ni Gage na siyang tinawanan ni Kuya Jarvy.

Huminga ako ng malalim at pilit iningiti ang labi ko, never minding my dagger eyes. "Maraming salamat, Gage. At least you called me a goddess!"

"Nope, that was just a typographical error in action."

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon