37th Paper

2.4K 72 4
                                    

37th Paper
Akala

Ngiting ngiti ako nang ngayong inihahatid ako ni Drian sa room ko. Ni hindi ko na natanong kung may klase siya kasi alam kong matanda na siya. Alam na niya ang dapat gawin sa hindi, ang tama sa mali. Charing! Gusto ko lang talaga na ihatid niya ako.

Sinalubong ako ni Mae sa hallway nang makita niya kami. Binati niya si Drian at nakipagkamustahan ng sandali bago ako binalingan.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Mamaya raw may study group tayo para sa Quiz Bee." Sabi niya.

"Saan? Next week pa naman iyon ah? After prelims."

"Yep. Exactly after prelims. Gusto lang naming maging handa para hindi na sumabay ang review sa exams at para sa Quiz Bee." Paliwanag niya.

Tinignan ko si Drian, hinintay na sabihing aalis na siya pero tinignan niya lang din ako at tsaka ngumiti matapos ang ilang segundo. Makulit!

"Kailangan na ba mamaya? Nakakaantok ang panahon. Baka matulog lang ako." Sabi ko kay Mae.

"Ay kaya nga sa inyo tayo mag aaral. Tutal nandito na rin si Drian, pinapaalam ko na. Oy Drian, ayos lang ba?" Matigas niyang tanong sa kalapit ko.

"Ilan kayo? Girls only, alright." Striktong sagot ni Drian.

"Grabe. Mas matindi ka pa kay Tita Ciela! Dapat nga lagi kayong nagpapa party at may sarili kayong bahay." Mae shoved her strayed hair exasperatedly. "Nakaka-stress ka, Drian Xih."

Tumawa si Drian. How I love that laugh. "Magbabawi ng tulog si Jesca ngayon. Hindi ba pwedeng sa ibang araw na lang?"

Sasagot na si Mae at mukhang handa na ang maldita niyang sagot, pero natigilan siya nang lumabas si Jasean na dala ang mga papel.

"Ayan na ang senior natin. Wait, itatanong ko kung pwede sa bahay nila." Agad kaming inalisan ni Mae para puntahan si Jasean.

Humarap ako kay Drian para papuntahin na siya sa klase niya kung meron man. His jaw seemed tense and his eyes were a bit squinted.

"Pumunta ka na sa klase mo, Drian. Mukhang may Quiz Bee problem pa akong aayusin. Surely hindi ko ito na review kagabi. " Biro ko pero hindi siya tumawa. Umiwas pa siya ng tingin at may sinabi na hindi ko naintindihan.

"Fine. Do it in our place." Sabi niya sa akin bago siya sumigaw para tawagin si Mae. She's grinning when she look back. May sinabi siya sandali kay Jasean, na siyang tumango, bago kami binalikan.

"Ano ulit 'yon, Drian? Ipagluluto mo kami ng Dinner mamaya?" Her lips pressed together to hold back a crazy smile.

"I am not cooking tonight. I'll grab take-outs. I'm sure you're going to be fine with that now, Mae?" Drian challenged.

Masayang tumango si Mae. "Deal. And oh, we don't really need your presence later. Kailangang mag focus ni Jasean."

"Mag focus saan?" Nakakunot na ang noo ni Drian ngayon.

"Sa pagtuturo sa amin, duh! You're not going to be uptight about this now, are you? Kasi kung ganon, I might have to really ask Jasean for his place right now." Nagkibit ng balikat si Mae.

I don't really know where this is going. Gusto kong sumabat sa usapan dahil ako ang involve, but it seemed like Drian's doing it for me already.

"That's a shitty idea. Hindi ko papayagan si Jesca na umalis mamayang gabi sa ganitong panahon. So yes, you'll have our house tonight. And yes again, I will guard your actions in our house." He said with finality. Hindi ko inasahan ang pag ngiti ni Mae sa sinabi ni Drian dahil inasahan kong makikipagtalo pa siya pero nanahimik na siya na para bang siya pa ang nanalo.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon