27th Paper

2.6K 71 4
                                    

27th Paper

Close Proximity Torture

Nasa kalagitnaan na ng pangalawang semestre nang maisipan naming magkakaibigan na magkita ulit. Minsan lang namin mahuli ang schedule ng mga Manila Girls kaya't kinagat na namin.

Pinili kong mag-jeans at puting t-shirt na v-neck ngayong araw. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nag-Havs na lang ako para presko pa rin. Nagwisik ako ng pabango bago bumaba. Malapit na rin siguro si Aria rito.

"You're going out?"

Nginitian ko lang siya at tumango. Umupo muna ako sa sofa habang naghihintay sa text nila. Nang mapatingin ako sa TV ay kulang na lang ay humagalpak ako sa tawa.

"Really, Finn and Jake?" Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti. Napa-iwas na lang siya ng tingin at inilipat ang channel. There's nothing wrong with that. In fact, I found it cute. Hindi ko lang inasahan na nanonood pa siya ng ganoon, like, maybe other guys. Wala lang talaga sa hitsura niya ang manood ng ganoon.

"Sinong mga kasama mo? Saan kayo pupunta? Will you be home before dinner?" Sunod sunod niyang tanong habang naglilipat ng channel.

"Woah, daddy Drian." Tawa ko. Napailing siya. "Sina Mae, Ten, Aria at Elaine lang po. Hindi ko pa sigurado kung dito ako magdi-dinner. It depends po. Bakit po?"

Ini-off niya ang TV at tsaka tumayo. "It'd be cool if you'll have your dinner here. Baka magdala si mommy ng dinner mamaya. But it's up to you though. I just thought you should know."

Lumakad siya papuntang hagdan. Napansin ko ang tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat. Siguro ay maliligo na siya ngayon. Tumayo na ako at lumabas bago pa man ako makapagisip ng kung ano dahil sa nakita ko.

"Wow, isda?" Nakaawang ang bibig ni Ten sa grabeng paraan kunsaan nakuha ko naman na binibiro niya lang iyon. They came, in Aria's ride, of course. She's driving and Ten's riding shotgun. Nilapitan ko si bff at Mae sa likuran.

Minatahan ko ang mukhang baliw na si Ten. "Isda?"

"Isda't you?" Tumawa siya. "Whatever happen to our chubby little biggie Jescy?"

"MedTech's fault." Simple kong sagot.

"Or maybe Drian has something to do with that, bff? Anything interesting scoop for you to spill?" Makahulugang tanong ni Elaine. Sabay sabay nagtawanan ang tatlo. Napairap na lang ako dahil hindi ko makuha kung ano ang gusto nilang i-spill ko ganitong wala naman. Aba'y kung mayroon man ay nabalitaan na nila iyon sa Facebook!

"This is fckery." Mahinhing mura ni Aria sa unahan. Tinawanan lang siya ni Ten. Mean kid. Napahilamos si Aria sa kanyang mukha at umiiling iling nang tumingin sa amin. "Great bad news, people. I've ran out of gas!"

Agad na nangiwi si Ten sa narinig. Si Mae ay napatalon na lang sa kanyang pagkakaupo habang kami ni bff ay natawa lang sa inasal ng tatlo. They're frustrated! And hilarious.

"Guys, relax. Gas lang 'yan. We can walk." Muli kong tawa nang malakas. Tinignan nila ako nang sabay sabay at lahat ay binigyan ko ng kundi irap ay mapait na Tss. Isa isa na silang bumaba, wala akong nagawa kundi ang gumaya. Busy na si Aria sa pagtawag sa kung kanino, with Ten by her side.

As much as I want to chill right now, hindi ko magawa dahil sa nakikita kong frustration sa mukha nila ngayon. This is like a good time for a picture taking; to have that photograph we'll laugh about later, pero hindi na rin ako makatawa dahil sa init.

Sa itaas ng bahay, sa bintana ni Drian ay nakita ko siya. Iniharang ko ang kamay ko sa araw para makita ko nang maigi ang itaas. Nadagdagan ng init ang pisnge ko nang mapagtanto kong wala siyang suot na pangitaas. Nakatagilid siya at mukhang may inaayos na hindi ko makita. Hindi pa suklay ang kanyang buhok, nakababa iyon pero hindi iyon naging hadlang para maapektuhan ako ngayon.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon