2nd Paper

5.3K 101 8
                                    

2nd Paper
Kainis

"Kung ikakasal ako, ano kaya ang magandang kulay ng gown?" Napaisip kasi ako nang makita ko ang gown sa magazine ni Mama kagabi.

I'm young but it's safe enough to say that thinking about your dream wedding is for all ages. With all of these fancy gowns, majestic venues, beautiful cakes... who wouldn't be in love with weddings?

Napaungol sa inis si Ten at inirapan ako ng paulit ulit. Hindi kaya mahilo 'to? Anyway, ngumiti pa rin ako sa kanya kasi in love ako, e. Ilang beses ko pa ba 'to uulitin?

"Black kaya? Try mo lang," walang emosyon niyang sabi. Tapos ako naman ay nakangiti pa rin. Okay lang naman ang black, ano? Breaking the tradition, kumbaga. Kinilig ako. Paano kaya iyong make-up ko? Ano kayang magiging kulay ng lipstick ko? Bloody red kaya o light pink na lang?

"Tingin mo, bff, anong type ni Drian? Demure o flying fierce?"

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lumipad na ballpen sa ulo ko. Tumawa si Elaine nang malakas, ang kanyang kamay ay nasa tyan pa niya para yata suporta. Nabaliw na.

Dumating si Mae at Aria sa kinauupuan namin. May kinakain na naman si Mae kaya nagutom ako. Si Aria naman ay busy sa kanyang phone.

"Flying fierce ang hanep!" Tawa pa rin nang tawa si Elaine. Dahil hindi nasira ng lumipad na ballpen sa ulo ko ang mood ko ay nakitawa rin ako kay bff. Tapos siya naman ang biglang natigil sa pagtawa. Ay ganon? Ayaw ng sabay?

"Bakit?"

"Wala. Sige, try mong maging demure at flying fierce at the same time. Kahit ano, magugustuhan ni Drian, basta ikaw." Ngumiti siya sa akin, pero maya maya ay nakita ko siyang kumindat kina Ten.

"What! Seryoso kasi ako. Malay ko ba kung next year ay ipakasal na kami ni Drian ng aming families. Diba..." I sighed dreamily. "Ano kaya ang feeling ng maging asawa ng isang Drian Xih?"

Nakarinig kami bigla ng malakas na tunog mula kay Aria. Pinalo niya ang arm chair at napatayo. Sabay sabay kaming tumingin sa kanya.

"Sht. Ang gwapo ng 1D!"

Sa hindi namin malaman-lamang dahilan ay ginaya siya ni Ten. Pinalo niya rin ang arm chair niya pero hindi kasing lakas ng ginawa ni Aria.

"What? That's going to hurt, e," inosente niyang pagkakasabi bago tumayo. "Ang gwapo ni Lautner!"

Hinarap ko ulit si bff at Mae pagkaalis no'ng dalawa. Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang mag-doodle habang nakikipagusap. Natigil ako sa pagdo-drawing ng mga puso nang hawakan ni Elaine ang kamay ko.

"Alam mo kasi, bff, bata ka pa. Okay lang mag-imagine, susuportahan ka na lang namin kung iyan ang ikasasaya mo." Nakangiti siyang matamlay sa akin. Tumingin ako kay Mae at nakita kung paano niya ginagawa ang best niya para hindi pa matawa.

Binawi ko ang maganda kong kamay at tinampal ang kanya.

"'Pag ako talaga niluhuran ni Drian sa tanang buhay ko, ililibre niyo ako sa bar!"

"Bakit naman sa bar? Humithit ka ba bago pumasok, Jesca Nicole?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Mae. Nawala na ang urge niyang tumawa. Mabuti naman. Kung hindi ay talagang patatabain ko ulit ang isang 'to.

"Wala, para maiba lang. Try ko lang mag-bar, baka makahanap ako ng gwapo ro'n."

"O, akala ko ba si Drian lang ang gusto mo? Bakit maghahanap ka pa ng gwapo?"

Pinagpatuloy ko ulit ang doodle ko. Ngayon ay sinusulatan ko naman ng pangalan namin ni Drian ang dalawang puso na nai-guhit ko. Cutie.

"Echos lang kasi 'yon! Kasi naisip ko, diba kapag bago ikasal may party ang bride at groom. Iyon!" Kinikilig akong tumawa. "Pero gusto ko sana si Drian ang sasayaw sa harap ko."

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon