32nd Paper

2.7K 79 9
                                    

32nd Paper
Stay Close

I knew something was up when Gage scarcely talk and rarely left the guest room yesterday. I knew he's someone in trouble but I am clueless about what that might be. Hindi ko siya kinulit dahil sa tingin ko ay makakasama lang iyon sa nararamdaman niya. At nirerespeto ko ang kagustuhan niyang manahimik sa ngayon.

"Do you think he'd go out and come?" Tanong ni Drian nang tumabi siya sa akin sa upuan. Nailabas na niya ang huling dalahin para sa swimming ng pamilya ngayong araw.

Nagkibit ako ng balikat, "Sana. Puntahan ko lang sa itaas." Tinanguan niya ako.

Marahan akong kumatok. It's nine in the morning and I know he's already awake. He's always a morning person. Ngunit nang makita ko ang bagong gising niyang mukha ay nagulat pa ako.

"What's up?" Medyo nakapikit pa ang mga mata niya. Gulo pa ang kanyang buhok na nagsasabing kakabangon pa lang niya ng kama.

"We're gonna swim. Sama ka." Simple kong sabi. Ayokong magtanong tungkol sa mga bagay, lalo na ngayong kakagising lang niya.

"May headache ako. I'll go try and get up later." He gave me a brief smile and closed his door.

Bumaba akong sawi. Nawala nang kaunti ang gana ko, knowing Gage is a mess. He's been there for me when I was one myself, at ngayong siya naman ang may problema ay wala ako sa tabi niya. Heto nga't magsasaya pa.

"Hahabol 'yon mamaya. Don't stress yourself. MedTech's doing that for you already." Seryosong sabi ni Drian pero natawa ako.

"Ikaw, hindi ka ba stress sa engineering? That's one heck of a stress-enhancer, too." Biro ko.

"Yeah. But I am relaxed now." Inilapit niya ang mukha niya sa akin, ang labi niya'y may magandang ngiti, bago hinigit ang braso ko palabas ng bahay.

Saktong nagse-set up na sina Mama at Tita Lai ng mga pagkain nang makarating kami sa Bosay Resort. This is a family outing but I see they've brought few close friends. Panay ang bati nila sa amin ni Drian at kami naman ay ngiti lang nang ngiti.

"Ito ang bunso mo, Lai?" Hinatak ng isang babae, around our moms' age, si Drian at inamoy amoy ang kanyang pisnge. The look on his face is priceless! I could've broke into laughter already if it wasn't such a crime right now.

"Si Jesca ba ito?" Another woman broke me into the same hug Drian had received. Napangiwi ako dahil sa bilis ng pangyayari. Drian might have caught my expression because I heard him laugh. Ni hindi niya manlang itinago ang amusement niya. "Bakit ang sexy ata?"

Umiwas na ng tingin si Drian sa akin. Siguro ay nasasakal siya sa ginagawa sa kanya.

"Nagkatuluyan na ba itong dalawang ito? I always knew everybody ship them both." Sabi ng babaeng naka-akbay sa akin. Nangiti ako, pero itinatago ko iyon. I like her now!

"Hindi po. Hindi pa." Sagot ko, making sure the last two words were whispered.

"Aba edi mailakad itong si Drian sa anak ko." Halakhak ng babaeng nakakapit kay Drian. Napanganga ako roon. My answer was a wrong move! Maybe even Drian thought so, too.

Kumunot ang noo niya sa akin. He mouthed, "What was that?!"

Umiling ako, feeling mortified and jelly. Pinakawalan na ako ng babae at nakitawa sa kanilang mga kasamahan. Tinignan ko si Mama at Tita Lai. Tumatawa lang din sila at hindi nagsasalita. It's because I know they're on my side. I just know that! And that's a win already.

"Single ka ba, Drian?" Muling tanong ng babae sa kanya. Sana manlang ay nagpakilala muna sila sa amin. Kung hindi lang may edad ang babae ay kanina pa ako nainggit sa lapit niya kay Drian.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon