4th Paper

3.7K 94 4
                                    

4th Paper

Banats

Malapit na ang Finals at ang mga thesis defense naming Senior students kaya naisipan naming lima  kasama si Mariella na mag-chill sa bahay. Just before the hell week starts, we need this. Chill time, relax time.

Kanya kanya kami ng trip ngayon. Gumagamit si Mae ng desktop ko, looking for chords to play on my guitar habang si Aria ay nasa likuran niya at tumutulong pagse-search. Si Ten ay pakanta kanta naman minsan kapag alam niya ang tinutugtog ni Mae. Ganoon lang siya habang naglalagay ng colorless na nail polish sa kamay ni Mariella.

Magkalapit naman kami ni bff sa kama ko at sinisita lang kung may kalokohang ginagawa ang mga maiingay na babaeng narito. Panay ang kwentuhan nila sa mga bagay kahit hindi naman related sa isa. Music ang pinaguusapan ni Mae at Aria tapos biglang sisingitan ni Ten ng disturbing na tanong like;

"Guys anong gagawin niyo kapag nagka-ebola si Mae?" Tanong niya nang may malakas na tawa, in which we shared right away. Napatigil sa pagtugtog ng gitara si Mae at tinitigan ng masama si Ten. That girl!

"Kick her arse, as if that will ever help!" Sagot ni bff, na siyang sinundan ng kung ano anong schemes ang gusto nilang gawin kay Mae. Kawawang Mae.

"Ako, I would only fry her up. Nang sa gayon ay may maipakain naman ako sa mga pagala-galang aso sa kalye." Sagot ko.

"Shunga. Edi pati mga aso ay nai-infect din." Singit naman ni Mariella. At napaisip ako ro'n.

"Oo nga ano. O, basta. Ipriprito ko si Mae."

Maya maya ay tumayo si Mae nang may kakaibang ekpresyon sa mukha at napasigaw. "Bakit ba kasi ako? Inano ko ba kayo!"

Natigil kami sa tawanan na dala ni Mae noong sumigaw si Aria. Nakuha niya ang atensyon namin but she is specifically fishing for mine. Lumapit ako at tinignan kung ano ang nai-search niya sa google.

"Anong trip mo, Aria?" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Drian is already in love with me, ano. At least in my dreams. Pwede na 'yon!"

Isa isa na silang naglapitan tila dahil sa naging reaksyon ko sa nakita. This is really cool... but no.

"Ayoko ngang ma-in love siya sa akin artificially." Humalukipkip ako at lumayo sa kanila. Sila na ang nag-usap usap tungkol sa pwede kong maging plano.

Narinig ko ang malakas na pagbasa ni Mariella sa nakita ko kanina. "How to Make a Guy fall In Love with You?"

"Bagay na bagay kay Jesca, who's dead over heels kay Drian." Kumento ni Ten. Malakas na tawa na naman ang natanggap ni Ten mula kay Aria.

"Dead over heels, nice!"

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa kabaliwang nagaganap ngayong umaga, mga kababayan. Hindi ko alam kung gaano katagal ako mapaparusahan ng ganito. Pumasok ako sa ilalim ng kumot ang ibinalot ang sarili ko. Ngayon ay mukha ko na lang ang kita.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon