Video Clip 0215.avi

1.9K 65 3
                                    

Video Clip 0215.avi

Nakaupo ang tatlong bata sa bench sa isang parke. Nakahanay sina Drian, Jesca, at Jarvy habang kinukunan sila ng video.

"Drian, smile!" Tawag ng boses ng isang babae. Halatang nasa likuran ito ng camera dahil sa lakas ng tunog.

Abala kasi si Drian sa paghawak ng pinipitas ng bulaklak ni Jesca sa gilid ng parke. Kanina pa pinipigilan ng Mama ni Jesca ang bata pero patuloy pa rin iyon.

"Jesca, stop. Magagalit ang pulis sa iyo." Huling suway ng Mama niya sa kanya. Tila mukhang papaiyak na si Jesca, but little Drian came into rescue. Binigay na niya kay Jesca ang mga napitas niyang bulaklak kaya agad naman itong napangiti.

Si Jarvy naman ay kanina pa nakangiti. Wala siyang pakialam sa ginagawa ng dalawang batang kasama niya, basta siya ay nakangiti para sa camera.

Nang makuha na ang atensyon ng tatlo ay nahagip ng camera ang pagpi-picture sa kanila ng parents nila.

"Jesca, kiss sa cheeks si Kuya Jarvy." Utos ng babaeng kaedaran ng Mama niya. "Palagi na lang si Drian e." May paghina ang boses nito nang sabihin iyon. Ngunit ang mga tawa nila ay lumakas na.

"Jesca, kiss mo na si Kuya Jarvy." Muling sabi noong babae mula sa likuran ng camera.

Halata ang pagaalinlangan sa mukha ni Jesca ngunit ini-ngiti na lang niya iyon at inabot ang pisnge ni Jarvy para bigyan ng halik. Halos mangasim-ngasim naman ang mukha ni Drian simula noon.

Nakangiti nang muli si Jesca at Jarvy para sa huling picture ngunit si Drian naman ang problema. Nakasandal na siya sa bench at hindi na mapangiti miske ng Mom niya.

"Jesca, make Drian smile dali."

Right then and there, it looked like Jesca knew exactly how to make Drian smile. Nakangiti si Jesca kay Drian, hinawakan niya ang magkabilang cheeks nito at tsaka ngumiti sa harap niya.

Una ay ayaw pa ni Drian, pero noong pinisil ni Jesca ang kanyang pisnge at ipinaglapat ang kanilang noo ay doon na siya sumuko. He's grinning now.

Maayos na ulit ang tatlo kaya't kinuhanan na agad sila ng litrato bago pa magbago ang mood ng dalawa. Si Jarvy ay wala pa ring kupas sa pag ngiti. Hindi nangangalay.

Matatapos na ang video, but another scene happened before it ended. Kinuha ni Drian ang kamay ni Jesca, dahilan para tumingin ito sa kanya. Drian's smile was something mischevous, as if plotting to steal a cookie from the hidden jar.

Nang makaharap si Jesca ay kumuha ng halik si Drian sa pisnge niya. Nawala ang tawa ni Jesca dahil sa pamumula, ngunit hindi rin naman siya nagalit. Hindi rin niya inalis ang kamay ni Drian sa kanya. Panay ang tawa ng mga matatanda sa background.

"Drian Xih!" Sigaw ng Mama niya bago matapos ang video.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon