35th Paper

2.8K 72 2
                                    

35th Paper
Kiliti

"Mabait pala siya, ano? Like his serene look. Ang iba kasi looks can be deceiving talaga e." Sabi ni Anj at tsaka humalakhak.

Kinuha ko ang kulay blue kong ballpen habang nakikinig lang sa kanila. Hinihintay namin ang susunod naming professor.

"Oy, ikaw Mae, ayaw mo doon kay Jasean? Tutal naman gwapo. Feel ko magaling din sumayaw." Sabi naman ni June.

Napatigil ako at doon kami nagkatinginan ni Mae. Tumawa siya nang malakas at tsaka tinuro ako. I dismissed her pointing. Kaasar.

"Kay Jesca 'yon may gusto. You guys don't know their history." Tumatawang sabi Mae. Gusto ko na siyang pasakan ng tissue sa bibig para magtigil na.

"Wala kaming history. Search engine lang ang meron." Simple kong sagot. Pero wala naman akong nagawa dahil pinaulanan na naman nila ako ng mga tanong.

"Share naman dyan. It's bad enough that you didn't tell us your Drian is here, to tell that we're friends already!" Kunwaring nasasaktan na sabi naman ni Jecka.

"Ay nako. Feel ko nagdadamot lang iyan." Sandali namang napaisip si Khean. "Kung sabagay, kung ganoong ka-gwapo naman ang boyfie eh talagang ipagdadamot ko. I understand you, girl." May paghawak pa siya sa balikat kong nalalaman.

Tinabig ko iyon. Tanging ang presensya ng dumating na professor ang nagpatigil sa kanila. Adviser yata siya ng isang Science organization kaya siguro todo announce siya ng mga activities ng org. He's also encouraging us to join the quiz bee; magka halong third at fourth year ang bubuo ng team. He's gonna give incentives to those who'll join. Typical professor.

Matapos ang klase ay iyon na ang usapan. Paniguradong maraming sasali sa amin dahil sa rumor na maraming bumabagsak sa subject niyang Biostatistics. Isa na si June sa nagf-freak out ngayon.

"Kapag binagsak ko ito hindi ko na alam ang gagawin ko! Shet. Anica, sali tayo sa quiz bee. Jesca, join us!" She practically begged.

June isn't really grade conscious, but of course like any of us she doesn't want to fail. Hindi namin malaman kung seryoso ba si June kaya't hindi namin siya sinagot. We continued to our lunch.

"Sa amin ka ba sasabay o sa hubby mo?" Tanong ni Mae.

"Depends if he'll ask." I shrugged the thought off. Wala akong schedule niya, hindi rin naman niya ibinibigay. Bawiin ko kaya ang akin sa kanya? Hmp.

"Oh, I think he will."

Once again ay itinuro sa akin ni Mae ang direksyon patungo kay Drian. Seriously? Why do I always have trouble sensing his presence? Papalapit siya kasama iyong Paolo. We've never been officially introduced, though.

Ang mga babae sa likod ko ay panay na ang hagikhikan, maliban kay Mae. Kung hindi lang nakakahiya ay sumabay na ako sa mahina nilang pagtitili. Because I definitely know what they're drooling about. His firm body wrapped in white v-neck shirt, and dark blue jeans were simple fantasies. They've never seen him on his pj's yet! Cute na hot. Posible iyon!

"Lunch?" Nakangiting tanong ni Drian nang makalapit sila.

"Yep. Kayo ba?"

"Yeah. I was gonna ask if I can borrow you right now." His lips tugged a little smile.

Paniguradong kay Khean na tili ang narinig ko. Gusto kong sabihin na bakit borrow? Eh sa kanya nga ako. Kanya kanya. All of me, like that!

"Hindi mo na kailangang magsabi, Drian. Tutal naman ay sawa na kami dyan eh pwede mo ng angkinin habang buhay." Sabi ni Mae. Itinulak niya ako kay Drian, who immediately took my hand from me.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon