51st Paper

2.5K 84 3
                                    

51st Paper
Paano Pa Kaya Ngayon

Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakutuban ko na kung saan kami patungo. I remained to be cool, though.

Nasilayan ko na naman ang mga bahay at establisimyento na nakikita ko sa byahe pag uwi noon. And this felt very nostalgic, warming even.

I'm going back to the place where I was given the first happiness because of Drian, and with him, too. And I'll not forget that pain coexist with happiness. Because that place was the witness of all my breakdowns.

Dumating na sa sistema ko ang pamilyar na sensasyon. Halo halo ang pakiramdam, pagkakamali at realisasyon. Pagmamahal, pagka sabik, pagka tanga, pag intindi, pagmamalasakit, at pagasa.

Pumasok ang sasakyan sa gate, at nang tumigil na ito sa harap ng pintuan ay naramdaman ko ang mabigat na pag titig sa akin ni Drian.

I'm going back to this. We're going back.

Bumaba na ako at hindi ko na siya hinintay. The door was unlocked. I'm not sure if Drian didn't mind his things getting robbed, or if our arrival was actually planned.

Ineksamin ko ang bahay at napagtantong walang nagbago. Ang mga gamit ay nanatili sa kanilang pwesto, ang mga punda ng unan sa sofa ay ganoon pa rin. Nakalatag naman ang mga gadgets ni Drian sa coffee table. Umupo ako at nalanghap ko ang pabango ni Drian sa mga ito. I am presuming that Drian's sleeping on the couch. But you know, just a guess.

Marahang umupo si Drian sa tabi ko. He made sure that a distance was present in between us. I suddenly felt uneasy.

"Jesca, I'll ask you. Is it okay for you to be here? To have dinner with me?"

Hindi man niya ipinahahalata ay naramdaman ko kanyang pagiging kabado. Tinignan ko siya at ngumiti. One dinner here wouldn't hurt, right? Kakain lang naman, and well, simple talks, maybe.

"Oo naman. What will we have for dinner, then?"

Lumiwanag ang kanyang mukha nang siya ay ngumiti. "What do you want? I'll cook."

"Seryoso, you'll cook now?" Tumawa ako.

"What's wrong with that? Hindi mo ba nami miss ang luto ko?" Pabiro niyang tanong.

Kunwari akong nag isip. "Nami miss naman."

"Then why don't you live back here again, Jesca?" Naging seryoso ang kanyang tanong gamit ang seryosong tono.

Doon ako napaiwas. I didn't want to meet his gaze so I settled my eyes on the lonely furnitures standing. They were mostly covered with little amount of dust but they still looked the same to me. It must have been a while since Drian cleaned.

"Kailan ka ba huling nag linis dito? Look at the ceiling! May kaunting agiw na." Tumawa ako. Really driving the conversation to another route.

"Noong huli tayong nag linis. Is pasta okay with you? Iyon na lang ang lulutuin ko." Tanong niya nang hindi makatingin sa akin. Tumayo na rin siya kaagad.

"Sure."

Pinagmasdan ko ang likod niya habang patungo siya sa kusina. I know I have taken some of his good mood for a while, but what could I do? I couldn't give him the answer I'm not sure I could stand for.

Binuksan ko ang TV para manood na lang dahil ayaw naman ako ni Drian sa kusina. Aniya ay malaman ko pa raw ang kanyang secret recipe, na hindi ko na rin naman gustong malaman. Tinawanan ko na lang siya. And I was happy he regained his mood. It'll be easier for us.

Pabalik balik siya sa akin para ipatikim ang timpla ng sauce na ginagawa niya. Hindi ko siya pinapalagpas nang walang biro tungkol sa luto niya. Napapailing na lang ako nang sineseryoso niya ang mga iyon kaya natatagalan siya sa pag luluto.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon