12th Paper

2.6K 70 1
                                    

12th Paper

So Dead

Ilang beses ko nang nilunok ang bukol sa lalamunan ko ngayong gabi. Although I have everything I need right here tonight, I am still not convinced that this is my kind of day. Masaya pa rin ako, walang magbabago ro'n.

Nasa isang lamesa kaming apat, excluding Ten, at kasalukuyang kumakain ng dinner. Everyone's glad, I can see that. Lahat ay nagtatawanan at masaya. Sa kabilang dako ay ang mga kaibigan ni Drian. Nandoon din ang iba sa mga kaklase naming lalaki. They're drinking, hindi ko lang alam kung may consent ba iyon o wala.

"Huy! Lingon lingon naman sa ibang way. Kawawa na ang love birds na tinutunaw mo." Siniko ako ni Mae. At doon lang ako nag-lihis ng tingin mula kay Drian at kay Aiana.

Ngumuso ako at bahagyang napalo ang lamesa. "Nakakainis naman kasi! Bakit ba kasi ang ganda ni Aiana? Tapos mabait at mahinhin pa? Sexy rin, mahaba ang buhok at shiny pa. Anong panama ko? Guys, I wanna die. Pero joke lang!"

Hindi ko alam kung ipinakilala na ni Drian si Aiana sa mom at dad niya. And that's just about why I am worried right now. Alam kong magugustuhan ni Tita Lai si Aiana kasi, wala I just think she will. Isa pa ay gustong gusto siya ni Drian and that's enough of a foundation of them both.

"Para kang tanga, Jesca!" Kumento ni Elaine. "'Wag ka ngang pa-apekto. Mas lamang ka, you've been together since you were kids. May pag-asa ka pa."

"Pag-asang ano? Ma-heart broken na naman? Again and again? All over again?"

Kinuha ko ang kutsara ko at nag-scoop ng ice cream. Goodness, wala talagang makakatalo sa comforting faculty ng food.

"Alam mo kasi, kung nagpapapayat ka na edi okay na sana." Nakataas ang dalawang kilay ni Aria bago kumain ng strawberry. I think I want that, too. Kaya lang nasa loob ang Nutella. At ayokong umalis dito baka may kung anong gawin si Drian nang hindi ko alam. Mahirap nang ma-isahan ng hubby ko.

"Ayoko nga kasi. Mahirap 'yon. Tsaka isa pa rin ako sa naniniwala sa kung mahal ng tao ang isang tao eh tanggap na niya ang bawat flaws at imperfections no'ng tao. O diba, ang hopeless romantic ko." Napairap ako sa sarili kong sinabi.

Ginantihan ni Elaine ang irap ko. "Ano ka ba, Jesca. Real talk nga! Sa looks naman talaga natin nababase sa una kung magugustuhan natin ang tao. I don't know if that fully makes sense to you but think about it. Pero gaya ng sinabi ko kanina, kilala ka na noon pa ni Drian. There's a great possibility na tanggap ka na niya noon pa. 'Cause, yeah, you are childhood friends."

Umiling iling pa rin ako. "Ah, basta! Ayaw kong magpapayat. Tsaka na lang. Kapag hindi na ako gutom."

"Uy tara, sali tayo!" Tumayo si Aria at pumunta sa kabilang table. Tinignan ko ang ginawa ng kabila. Nagsho-shot sila ng kung ano sa paikot na motion.

"Nako, 'wag na 'wag nyong lalasingin itong si Jesca. Lagot ang magaalaga rito." Sabi ni Aria. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala naman akong ginagawa ah?"

"Kung alam mo lang!" Tumawa si Mae. Tumayo na rin siya at pumunta sa kabilang table. Halos lahat sila ay nagsisiksikan sa maliit na lamesang iyon. Maya maya ay gumaya na si Elaine at sumali sa malaking bilog nila. Ako na lang ang naiwan.

Halos hindi na sila magkaintindihan sa ingay at tawanan. Mukhang masaya pero mas ayos na ako ritong pinapanood sila. Si Aria na ang nag-shot ng hindi ko talaga alam kung ano dahil hindi ako manginginom, konti lang. Patikim-tikim lang. Heehee.

"Si Aiana naman!" Sigaw ni Bart mula sa kabila. Tinignan ko si Drian kung tututol ba siya sa pag-inom ni Aiana. Lahat ay maingay, kasama na roon si Drian. Mukhang wala na siyang magagawa dahil nai-straight na ni Aiana ang drink na ibinigay sa kanya.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon