Chapter 40: Won't Give Up On Us

473 28 10
                                    

Dedicated to @SeriousKathniel_

As promised, here it is! Salamat sa buong pusong suporta na ibinibigay mo sa akin at sa aking story. Sana wag ka magsawa, at goodluck sa story mo ;)

- - - - -
Kathryn's POV

Kanina pa nakaalis si Dom. Kanina pa nya ako naihatid dito sa bahay. Nagtagal pa nga ng kaunti dahil pinilit siya ni Tyang na dito maghapunan. Konting kwentuhan din at umalis na siya.

Masasabi kong malinaw na saakin ang lahat. Pero, hindi ako mapakali. Hindi ako sanay na ganito kami ni Johnny. Alam ko ako ang may mali. Ako ang may kasalanan, kaya dapat na ako talaga ang gumawa ng first move.

First move. Yun ang problema ko ngayon. Hindi ko alam to. Aba malay ko ba dyan e hindi pa naman ako napapasok sa isang relasyon. Nasanay ako na ako ang sinusuyo ng lalaki. Nasanay ako na ako ang ginagawan ng first move.

Pero hindi pala dapat laging ganun. Hindi pala por que ako yung babae, ako na yung susuyuin lage, na kahit ako yung mali, ako yung mapride. Mali pala. Kase sa love, pantay dapat. Give and take ika nga nila. Kung talagang mahal mo, at alam mong ikaw ang mali, ibaba mo ang pride mo. Kase kung hindi, yung mahal mo mismo ang mawawala sayo.

Yun! Yun ang ayaw kong mangyari. Kaya hindi na ko magpapatumpik tumpik pa. Kikilos na ko ngayon. Oo, ngayon na, as in, now na now na! Wala akong pakialam kung gabi na. Sabagay, maaga aga pa naman e. 9:30 pa lang ng gabi. Malamang may bukas na pa convenient store na pwede kong dalhin papunta sakanila. Oo, pupuntahan ko siya at makikipag-ayos na ko.

Simpleng short at plain black shirt lang ang sinuot ko. Mabuti na lamang at pinayagan ako ni Tyang. Ang sabi ko kasi ay may bibilhin lang naman ako. Malamang lamang kasi ay hindi yun papayag na pumunta ako kay Johnny ng ganitong oras.

Dumaan muna ako sa malapit na convenient store para bumili ng Ice cream. Epic. Wala akong maisip na peace offering e. Sabi kasi nila, kapag daw malungkot, kumain ng ice cream at makakagaan daw yun ng pakiramdam. Malay ko ba sa ganito. Basta ako, kain ng kain. Bahala na nga! Sana effective sa amin to ni Johnny.

Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa address na ibinigay ni Dom sa akin. Bago kasi siya umalis ay kinulit kong ibigay ang address ni Johnny para mapuntahan ko kinabukasan. Pero dahil nga hindi ako mapakali ay hindi ko na ipinagpabukas pa.

Saglit lang naman ang byahe at madali kong tinungo ang elevator at pinindot ang 7th floor kasi ayun ang sabi ni Dom e. Dun daw ang condo ni Johnny. Kinakabahan ako pero excited ako. Hindi ko naman alam anung dapat kong sabihin the moment na buksan nya ang pinto.

Mukha akong tanga dito sa elevator na nag-iisip ng sasabihin ko sa kanya. Pinagtitinginan na nga ako ng mga kasakay ko dito sa elevator e. Isang babae na mukhang galing sa trabaho at isang lalaki na text ng text ang mga kasakay ko. Ang babae ay bumaba sa 5th floor, samantalang etong lalaking, mukhang teenager na kanina pa hindi mapakali sa cellphone nya ay mukhang hindi pa baba. Naunahan ko pa siyang bumaba e.

Agad kong hinanap ang room 726. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng nasabing condo. Saktong paglapag ng mga paa ko sa pinto ay nagbukas ang pinto at mukha ni Quen ang tumambad sa akin. Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"Kath/Quen" sabay namin sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" sabay ulit naming sabi. Pero pagkasabi nun ay halatang lumungkot ang itsura nya. Halaaaa! Anong nangyare?

"Teka, mali ba ang napuntahan ko? Sabi ni Dom dito ang ----" pinutol ni Quen ang sasabihin ko.

"Hindi, tama ka. Dito nga ang condo ni DJ. Umalis lang siya kasama si Dom saglit dahil may bibilhin sa convenient store. Si Khalil naman on the way daw. Tara, pasok ka!" aya niya sakin sa loob. Pumasok naman ako, at nagtuloy tuloy si Quen sa may dining table. Dun ko nakita ang bote ng alak. Sabe na nga ba. Kaya pala naamoy ko na siya kanina pa. Ano kayang problema?

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now