Chapter 31: Sigaw ng Puso

473 36 24
                                    

Dedicated to @hush_trap24

Eto na yung chapter na nirequest mo . Alam na! Haha. Thanks sa pagsuporta at paggabay sakin sa pagsulat neto. I did not ask for your help but you willingly give me a hand of help. Thanks a million. You're one of my inspiration :))

- - - - -
Kathryn's POV

Its been 2 days. Oo, 14th day na sana namin ngayon. Simula nung nangyare sa sementeryo, lalong gumulo ang buhay ko. Lalong nalito ang puso ko.

Flashback

Nakita kong lumuha siya. Kumirot ang puso ko lalo pa nung narinig ko ang mga katagang lumabas sa labi niya. Galing pa sa kanya, galit pa dapat ako e pero hindi ko makuhang magalit na hindi ko alam kung bakit. Lumalambot ang puso ko. Ayoko siyang nakikitang ganito. Mukhang wasted. Gulong gulo ang buhok, lukot ang damit at ito pa yung suot nya kahapon nung pumunta ako sa shop nya. Pero mukha pa siyang nabasa ng ulan. Mukha siyang lasing. Mugto pa ang mata niya. Johnny, anong nangyayare sayo, saten?

Gusto ko siyang lapitan pero agad akong tumalikod. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya. Na baka ako pa ang humingi ng sorry maging okay lang kami. Pero hindi, kailangan ko maging matapang. Alam kong maling umasa, pero siya na din ang nagtatanong kung huli na ba ang lahat.

Bago ako tuluyang lumakad paalis, may iniwan akong salita sa kanya.

"Mang Kaloy, hindi ko man ko kayo kilala pero gusto ko pong malaman nyo na ayoko pa pong maging huli na ang lahat. Pero nasayo po ang desisyon kung gagawin mong huli na ito at tapusin na ang lahat". kasabay nun ang muling pagtulo ng luha ko. Yes, I have been hurt, pero ngayon ko lang kasi naramdaman to, baka naman may pag-asa pang maging okay diba? Sana nga. Sana.

End of Flashblack

At ayun nga, after nung incident na yun , mas naging persistent siya sa lahat ng bagay. Hindi ko pinapansin. Papakipot ba, haha. Pero gusto ko lang maramdaman na nagsisisi na siya. Gusto kong malaman kung sincere ba siya. Kung worth it ba na magkaroon pa kami ng chance.

Lage na lang, oras oras nagtetext sakin kung ano ginagawa niya. Inuupdate ako. Tapos pumupunta dito sa bahay, kahit hindi ko siya minsan hinaharap, iniiwan na lang niya kay Tyang o sa labas ng pinto ng kwarto ko ang yellow rose. O kaya naman, nagpaturo siya magluto ng kare-kare kay Tyang at iniwan sa akin. Pag alis niya, saka ko tinikman. Medyo maalat. Haha pero oks na kasi nag-effort siya. Actually dalawang araw palang naman niya ginagawa yun e. Tinitignan ko lang kung hanggang saan ang kaya niya. At aaminin ko, para akong teenager na kinikilig sa tuwing nakikita ko siyang nag-eeffort.

Tulad ngayon, andito na naman siya sa bahay pero ang kaibahan lang hindi ako makakapagtago kasi ang buong barkada andito. Kaya malamang hindi ako pwedeng magkulong sa kwarto. Hay naku, Wednesday ngayon, hindi ko alam baket kami kumpleto e may kanya kanyang pasok ang mga to. Hay naku, mabuti na lang at andito din sila para atleast may katulong kami ni Tyang sa pagdecorate ng bahay para sa Pasko.

Kanya kanya kami ng gawa. Sila Dom at Quen, katulong ni Julia sa pagkabit ng mga decorations sa sala. Inaayos nila ang belen. Si Khalil, katulong ni Tyang sa kusina. Nagbebake sila. Ayun kasi ang negosyong bago ni Khalil e. Bakeshop. Kaya papatikim daw niya kami ng mga pastries nya. Taray diba?

Kami ni Nadine inaayos ang Christmas Tree, kamalas malasan pa, kasama namin si Johnny. Buti na lang nasa gitna namin si Nads.

"Nads pasabi naman sa katabi mo, pahiram ng gunting" sabi ni Daniek at pinasabi pa kay Nads. Oo, ganito talaga kami. Hindi nag-uusap. Lageng pakisabi.

Bago pa makapagsalita si Nads, inabot ko na ang gunting. Kaso siya ang umabot. Nagkadikit pa ang daliri namin. Tulad ng dati, parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya agad kong binawi ang kamay ko.

"Nads, pakisabi naman, bilisan nya sa paggamit ng gunting kasi kailangan ko". sabi ko at nakayuko kasi alam kong namumula pa ang pisngi ko.

"Nads, pakisabi maghintay siya, ginagamit ko" sagot niya at hindi na nagsalita si Bessy.

"Nadine, pakisabe hindi lang siya ang gumagamit, iiwan ko kayo dito pag hindi niya pa binigay", sabi ko at naiirita na.

"Nadine, pakisabi, subukan niya e di sinumbong ko siya kay Tita Janice. Hwag siyang maarte kasi siya na nga ang tinutulungan", sabi niya at he started to get into my nerves just like the old times.

"Bessy, pakisabi, hindi naten kailangan ng tulong niya, pwede na siyang umalis. Hindi ako maarte, mayabang lang siya" sabi ko pero nakayuko pa din. Tumalikod na nga ako e.

"Nads, anong koneksyon ng kayabangan ko dito? Pakisabi sa kanya, hindi niya kailangan sumigaw. Nakakairita!" sabi niya at napuno na ko! Humarap tuloy ako.

"BESSY, PAKISABI WALANG SIYANG PAKE KUNG SUMIGAW AKO KASE BAHAY NAMEN TO KUNG AYAW NIYA NG MAINGAY MAKAKAALIS NA SIYA!!!" tuloy tuloy kong sabi.

Ngulat ako na humarap din siya.

"HINDI MO NAMAN KAILANGAN SUMIGAW CHANDY!" sigaw din niya.

"WALA KANG PAKE, GAGAWIN KO ANUMAN ANG GUSTO KO! ANO BANG PROBLEMA MO?!" sai ko at patuloy na ang sigawan namin. Lahat na nga ata sila nakatingin sa amin. Si Nadine nga nakila Dom na din at kaming dalawa na lang dito.

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! IKAW CHANDY!" sabi niya at tinuro pa ko.

"AYOS KA! BAKET AKO? ANONG GINAWA KO? AT WAG MO KONG TINUTURO TURO DYAN!" naiirita kong sabi at tinulak siya ng marahan.

"KASI NGA MAHAL NA ATA KITA. HINDI, MALI, MAHAL NA KITA. TANGNA NAMAN OH!" sabi niya uli. Pero hindi ako nagpatinag.

"E GAGO KA PALA E, ANONG PROBLEMA MO DUN E MAHAL DIN KITA. MAHAL NA MAHAL NA NGA ATA." tuloy tuloy kong sabi.

Bago ko pa malaman, nagkatinginan kami. Parang parehas kaming nabigla sa mga binitawan namin.

"Ano?" Sabay naming sabi , mas mahina na yung boses namin kesa kanina.

"Mahal mo ako?" sabay uli naming sabi. At bago pa may magsalita ulit saming dalawa. Naghiyawan na ang mga tao sa paligid namin, kasama si Tyang at Khalil na mukhang narinig ang bangayan namin kaya napalabas ng kusina.

- - - - -

Finally!!! Hahaha umamin din :)

Break muna sa maladurog pusong eksena. Lol. Kilig Vibes muna uli haha . Sana nagustuhan nyo :))

Votes and Comment ? Push!

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now