Chapter 25: What Mine is Mine

648 44 12
                                    

Dedicated to @reljane

As promised beyb, here's the dedication. Hope you continue enjoying the story until the end. But do not expect too much coz you might be disappointed. So wag kayong tumulad kay Kath at DJ na mataas ang expectations at standards. Mahirap po mameet e. Haha. Iloveyou all <3

- - - - -
Dominique's POV

Papunta na ko ngayon sa restaurant na sinasabi nila Nadine. Ayoko naman magpaka-KJ at hindi sumabay sa pagkain. Matapos kasi ang aminan scene namin ni Kath, dumiretso ako dito sa may tabing dagat.

Nagpahangin. Nag-isip. At ngayon, masasabi kong okay na ko. Na tama ang desisyon ko. Na ipaubaya siya sa best friend ko. I want her. All my life, siya lang ang ginusto ko ng ganito. Pero never ko pipiliin ang sarili kong kaligayahan tapos alam kong hindi siya magiging masaya sa akin. Her happiness is my happiness too.

Kaya alam kong si DJ ang makakapagpasaya sa kanya. Kahit ideny pa nila. Halatang halata na! Ewan ko ba sa dalawang yun baket antataas ng pride at ayaw pa mag-aminan. Kesyo maaga pa daw. Mag-aalas-syete na nga ng gabi e. Hays.

Kailangan maging masaya ako sa harap nila. Kahit masakit pa. Kahit hindi ganun kadali, kailangan talaga. Sabi nga ng iba, ginusto mo yan e. Push mo! Tama naman e. Walang pumilit sa akin. Kusang puso ako ang nag let go. Hindi ako napagod, hindi sa hindi ko kayang lumaban. Sadyang ayoko lang kalabanin yung best friend ko na mahalaga sa akin. At ayoko lang lumaban lalo pa't alam ko na una pa lang talo na ko.

Malapit na ko sa cafeteria nang makasalubong ko si DJ. Nagulat pa kami parehas pero nginitian ko siya. Aba! Sinimangutan ba naman ako at inirapan pa! Lakas makabading! Tinalo pa ang babaeng menopause. Haha. Bago pa ako makapasok sa loob, nakita kong kasunod pala niya si Kath. Pilit nya akong nginitian. Hmmm. Ano na naman kayang nangyare?

Napailing na lang ako at napakamot sa noo ko. Sumasakit ulo ko sa dalawang to. Tatanda na pumi-PBB Teens pa! Jusko naman. Ewan ko ba naman kasi dito kay DJ kung kelan aamin, e halatang halata na. Sabagay, hindi kasi to sanay mainlove e. Hindi kasi naniniwala sa forever. Kaya ngayon mukhang tinamaan siya, pati sarili kinokontra. Hay naku.

Nang mahanap ko kung nasaan sila Julia, napansin kong tatlo na lang yung upuan na bakante. Sakto saaming tatlo. Uupon sana ako sa tabi ni Khalil nang makaisip ako ng magandang ideya. Haha. Kelangan to para mas maintindihan nung dalawa yung nararamdaman nila.

Uupo na sana si Kath sa tabi ni Nadine pero bigla ko siyang inunahan. Kilala ko to. Turned off to sa hindi gentleman. Nasa standards niya yun e. Agad namang tumaas ang kilay ni Kath at nakapamewang pa. Sabi na e. Maiinis to. Sorry Kath, para sayo din to.

"Sorry Kath, may pag-uusapan kasi kami ni Nads e." sabi ko kay Kath. Nakita ko pang nanlaki din mata netong katabi ko. Cute! Para silang kambal netong si Kathryn.

"Nads? Baket ayun tawag mo sa kanya, close na kayo?" tanong ni Kath na nakakunot pa noo.

"Oo naman, sabay inakbayan ko si Nadine. Close na close na kami. May pag-uusapan nga kami e, diba Nads?" sabi ko kay Nads at kinindatan siya. Kailangan sumakay to. Please Lord!

"Ahh a--ano o--", siniko ko nga. Nauutal e. Mayari pa ko neto.

"Oo, Bessy may pag-uusapan kami ni Dom". sabi niya . Kita mo, nakiki-Dom din kala mo close kami nyahaha.

"Bes, dito ka na sa tabi ni Khalil oh. At ikaw Daniel, dun ka sa tabi ni Kath, upo na at parating na order naten", sabi ni Julia.

Kahit ayaw nila, umupo na sila na magkatabi. Medyo nilayo nga lang ni DJ upuan nya. Bading talaga to!

"Kamay mo po sir. Abuso ha." biglang baling netong katabi ko. Mabilis kong tinanggal yung kamay ko na nakaakbay sa kanya. Sorry naman. Nadala lang. Haha.

- - - - -
Daniel's POV

Hay naku baket kami magkatabi neto ni Chandy e diba may Dom na siya? Baka anu pa sabihin ni Dom e babae lang yan, ayoko masira friendship namin.

Speaking of Dom, baket ang katabi niya si Nadine at inakbayan pa? Yung totoo, sa harap mismo ni Chandy siya lumalandi? G*go to ha. Sasaktan din pala niya si Chandy sana pinaubaya na nya sakin. Aalagaan ko pa to.

Aalagaan ko pa to.

Aalagaan ko pa to.

Aalagaan ko pa to.

Wait?! As in WAIT?! ANO BANG SINASABI KO? Ipaubaya? Aalagaan? E diba hindi ko to gusto? Baka aalagaan ko as a friend? Oo nga, baka ayun lang. Yun nga yun. WALANG IBA.

Eto namang katabi ko, ang sama ng tingin kay Dom. Psh. Sa harap ko talaga kayo magganyanan ha. Sapakin ko na to si Dom e.

Simple kong tinititigan si Chandy nang may nagtanong sa kanya.

"Baket parang anlaki ata ng damit mo Kath?" sabi ni Quen habang kumakain. Dumating na nga pala order namin. Dami nga e. Parang fiesta talaga pag etong mga to kasama namin. Lalakas kasi kumaen ee.

"Oo nga Bes, para namang panlalaki yan oh" sabi ni Julia na tinignan pa maigi ang suot ni Chandy.

"Okay lang naman kay Kath a, maganda pa din naman siya kahit anung suot", sabi ni Dom. Sabay subo ng steak. Bwiset to. Tusukin kita ng tinidor dyan e. Ganda ganda pang nalalaman?! Argh! Nakakawalang gana.

"Tumigil ka nga dyan Dom! Anu kase, guys, kanina pag-akyat ko wala akong susi diba? E pinagtitinginan na ako ng mga tao kaya pinahiram sa akin ni Dom to" tuloy tuloy na sabi ni Chandy. Napansin namin na hindi siya kumakaen. Wala atang gana. Imposible naman.

"Bessy, may problema ba? Ayaw mo ba ng pagkaen? Oorde---" pinutol no Chandy ang sinasabi ni Nadine.

"Okay lang ako. Hwag nyo nga ako isipin, okay? Medyo masama pakiramdam ko pero thanks sa damit na to kasi komportable ako. Feeling ko may nakayakap sa akin" malumanay na sabi niya napangiti naman ako dun. Pero kahit naman walang tshirt ko, pwede naman na ako yumakap sa kanya e.

"Pwede naman si DJ yakapin mo kesa yung tshirt lang nya diba?" parang nabasa naman ni Khalil yung nasa isip ko. Pero, wait, sinabi niyang tshirt ko to?! Lagot!

"TSHIRT TO NI JOHNNY? ESTE NI DANIEL?" pasigaw na sabi niya. Aww, baket Daniel na lang :( Dahil anjan na yung Nick nya ganun? Pagbuhulin ko sila e.

"Ano kasi Kath, kay DJ yan. Hindi ko pala nasabi sayo. Sorry" sabi ni Dom pero nakangiti. Problema neto? Baket ngumingiti?

Nagulat kami nang tumayo si Kath at hinubad ang damit ko.

Gulp!!! Ang sexy nya! Argh! Erase that. Baket nya hinubad e naka.spaghetti strapped na damit lang siya? Pagtitinginan na naman siya e. Hindi pwede to.

Bigla akong napatayo at nagulat sila.

"Ano bang ginagawa mo?! Isuot mo nga yan!" sabi ko na medyo malakas ang boses. Pinagtitinginan na kami ng ibang kumakaen sa restau. Yung iba, nakikichika lang, yung mga lalaki, kay Chandy nakatingin. Sinasabi ko na nga ba.

"Isusuot mo ba yan, o ako pa magsusuot sayo?" sabi ko sa kanya at halatang nagulat siya. Sinuot din naman niya ang damit ko kaya napabuntong-hininga ako.

"Anu bang problema mo? Hindi ka naman dapat sumisigaw e." sabi niya at umupo na. Tahimik na siya. Malumanay na ang pagkakasabi niya. Hay. Mabuti naman.

Umupo na din ako at pinakalma ang sarili ko. Bago ako tuluyang kumaen, may sinabi ako na kinaingay ng mga kasama ko.

"Ayokong pinagpipyestahan ka ng iba. ANG AKIN AY AKIN LANG".

- - - - -

Finally! Umamin din ang mokong na to! Haha . Dami satsat e. Possesive pala ang lolo nyo. Kanya lang daw kasi si Chandy nya. Haha. Kayo naman kasi.

Sorry late update. Nagkasakit ako ee :( Hope you understand.

Keep on voting and leave some comments. Iloveyoureaders :***

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon