Chapter 29: Stay or Stay Away

462 38 15
                                    

Dedicated to @FrustratedGirlWriter

Thanks sa patuloy na pagsuporta beybi :) Sa votes and comments na walang humpay at sa patuloy na paniniwala mo sa akin at sa aking storya. Salamat talaga. :)

- - - - -
Daniel's POV

Bigla kong itinulak si Liza. Naalala ko, hindi pala siya si Kath. Agad naman niya akong niyakap pero itinulak ko ulit siya.

"F*ck! What's your problem ba DJ?" sabi niya na mataas ang boses.

"You! You are my problem, Liza, can you just leave me alone?" sabi ko na ang bawat salita ay idinidii ko.

"Wait! Hindi ako si Liza, remember I am Kathryn, your Chandy?" Oo, tama ang nalaman nyo, sinubukan niya kasi ako kung talagang gusto ko na si Chandy. In denial stage daw kasi ang peg ko. Kaya kanina sabi niya isipin ko daw na siya si Chandy. Paano daw kung si Chandy ang unang umamin. At ayun nadala ako, hiniling nya na halikan ko siya. Ewan ko pero nadala ako sa feelings ko at naisip kong siya nga si Chandy. Kaya walang anu-anu ay tumugon ako sa mga halik niya. Inakala kong siya si Chandy. Nadala ako. Nadala ako nang mali. Sh*t! Feeling ko nagkasala ako kay Chandy.

Why am I thinking this e hindi niya ako gusto? May Dom na siya. Best friend ko si Dom pero ewan ko din baket ganito ang pakiramdam ko. May kirot sa puso ko kahit na alam kong wala akong gusto sa kanya. Hays. Ang gulo!

Napasuklay na lang ako sa ulo ko at napahawak sa batok ko kasi hindi ko na alam ang dapat isipin. Hindi ko alam ang tama sa mali. Argh! I hate this feeling! Ngayon lang to e. Ngayon ko lanv naramdaman to. And I don't like this.

Agad akong lumabas ng garahe. Kailangan ko magpahangin. Baka sakaling tumino ang pag-iisip ko. Narinig ko pa si Liza na sinisigaw ang pangalan ko. Galit siya. Pero wala akong pake. Mas maapektuhan ako kung ang magagalit si Chandy. Bwiset kasing Liza yan e. Pinakealaman ang cellphone ko. She even texted Chandy na busy ako kahit na kanina pa talaga ako dapat pupunta sa kanila. Ang alam ko kasi ay magluluto si Tyang Janice ngayon ng paborito kong kaldereta.

Speaking of Kaldereta, bago ako makalabas sa shop ay nadatnan kong tuwang tuwang ninamnam ang kanyang Kaldereta. Hindi ko mapigilan na hindi mag-usisa.

"Manong Bert, mukhang sarap na sarap po kayo dyan ha, pinabaunan uli kayo ng asawa nyo?" bati ko sa matandang lalaki. Agad naman siyang napatigil sa pagkaen at tinignan ako ng makahulugan.

"Si Sir talaga, palabiro. Paano ko ho magiging asawa si Ma'am Kathryn e sainyo na ho yun. Haha" sabi pa ni Manong Bert. Oo nga naman, paano nga naman niya magiging asawa si ---

"Kathryn? Manong Bert sinong ----?" sabi ko na naguguluhan pa.

"Si Ma'am Kathryn nyo po. Haha. Si Sir talaga oo," sabi nya at umiiling iling pa.

Hindi ako nakapagsalita kaya muli siyang nagsalita.

"Baket hijo, hindi ba kayo nagkita? Nagpunta siya dito kanina dala-dala to. Tapos wala pa atang 30mins lumabas siya at binigay to. Sino ba naman ako para tumanggi sa ----" hindi pa tapos magsalita si Mang Bert ay tumakbo na ako papunta sa kotse ko. Sh*t! Hindi to pwedeng mangyare.

Narinig ko pa si Mang Bert na sumigaw ng pangalan ko at nakita ko pa si Liza na lumabas din ng shop na ang ganda ganda ng ngiti. F*ck this life! Alam nya? Hindi kaya? Argh! I hate this! I hate all of this! Dali dali kong pinatakbo ang sasakyan papunta sa bahay nila Chandy, mabuti na lang humina na ang ulan. Kailangan magkausap kami. Kailangan!!!

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now