Chapter 28: Kung Ako Na Lang Sana

505 38 12
                                    

Dedicated to @blacknwhitexx

Beybi eto na ang para sayo. Hwag na sad ha. Ayoko sad ka. Love ka ni Ate :) Enjoooy :)))

AUTHOR'S BREAKING NEWS AT THE END OF THIS CHAPTER SO PLEASE READ. thanks :)))

- - - - -
Dominique's POV

Wala akong ibang narinig kay Kath kundi nasasaktan siya at ang mga hikbi niyang habang tumatagal ay nagiging hagulgol. Mga luha nyang tinalo pa ang Pagsanjan Falls sa pag-agos. At eto , eto ang mga bagay na ayokong makita. Mga bagay na pinangako kong hindi ko gagawin sa kanya. Kasi ako mismo, ako mismo yung nasasaktan. Ako mismo yung nahihirapan. Nagpatalo na ko e. Kasi alam kong kahit anung laban ko, talo ako. Mahal nila ang isat-isa, or should I say, mahal ni Kathy ko si DJ. Hays. Tangna naman DJ to, baket si Kathy ko pa ang ginanito niya. Pinangarap ko tapos binabasura lang niya? Nakakapanggigil. Hwag siyang magpapakita sa akin kasi hindi ko alam kung maaalala ko pang best friends kami.

Nakarating na kami sa bahay nila Kathy at saktong pagbaba niya ng sasakyan ay bumuhos ang napakalas na ulan. Galing! Nakikiisa ang langit sa pagluluksa niya! Hindi na sana ako bababa nang makita kong hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya! Argh! What is she doing? Magkakasakit siya niyan. Mahina pa naman ang resistensya niya. College pa lang kami sakitin na to e. Alam ko malamang stalker nya ko e.

Agad akong bumaba ng sasakyan at pinayungan siya.

"Kathy! Ano ka ba naman. Pumasok ka na sa loob oh, basang basa ka na. Magkakasakit ka niyan e." medyo nilakasan ko pa ang boses ko kasi anlakas ng ulan. Pero nagulat ako nang niyakap niya ako. Basang basa siya pero wala akong pake kasi alam kong ito lang ang kailangan niya ngayon.

"Nick, baket ganun? Baket siya ganun? Hindi ko alam kung baket pero ang sakit sakit, dito oh, sa puso", sabi niya habang umiiyak na naman at nakayakap sa akin.

"Akala ko ba hindi mo siya gusto, baket ka nagkakaganyan?" sabi ko at napaangat naman ang ulo nya sabay tingin sa akin.

"Sabi ng isip ko, hindi ko siya gusto, pero tangnang puso naman to ayaw makisama!" sabi niya at hinampas pa ang dibdib niya. Agad ko naman hinawakan ang mga kamay nya para patigilin siya.

"Baket, isip ba ang nagmamahal? Isip ba ang tumitibok, baket mo papaniwalaan ang sinasabi ng isip mo kung alam mong nahihirapan ang puso mo sa twing tinatanggi mo ang nararamdaman mo?" sabi ko sa kanya na malumanay pero yun ang naghudyat sa kanya para lalong umiyak.

"Ngayon alam ko na paano masaktan. Alam ko na paano mahirapan. Hindi ko alam ngayon paano ako babangon. Ayoko na Nick. Ayoko na talaga." sabi niya bago siya tuluyang mahimatay. Mabuti na lang at nasalo ko agad siya. Nabitawan ko nga lang ang payong ko kaya nabasa na ako ng tuluyan. Dali dali ko siyang binuhat at kumatok ako sa gate nila. Sumigaw pa ko kasi hindi ata ako marining ng Tita niya. Hindi ko naman makapa yung doorbell dahil karga ko nga si Kathy. Basang basa na kami ng ulan. Pero ang tanging gusto ko lang ay makapasok na kami sa loob at maihiga na siya sa kama niya dahil alam ko, pagod na siya, pagod na pati puso niya.

Makalipas ang ilang minuto ay may nagbukas ng gate. Ang Tita Janice niya. Agad nanlaki ang mga mata nito pero imbes magtanong ay agad nitong binuksan ang gate para makapasok kami.

"Dun pa din ho ba ang kwarto niya?" tila nagulat ang Tita niya sa tanong ko. Sh*t! Oo nga pala, hindi niya ako kilala at hindi niya alam na sa loob ng dalawang taon, halos araw araw kong tinatanaw si Kathy kaya alam ko kung saan ang kwarto niya.

Imbes sumagot ay tumango lang ang may edad na babae kaya dali dali akong pumunta sa kwarto ni Kathy. Agad ko siyang nilapag sa kama niya at lumabas na ako ng kwarto. Alam kong alam na ng Tita niya kung anong gagawin. Pagkalabas ko, hindi ko mapigilan na hindi mapansin ang kabuuan ng silid na yun. Ganun pa din pala to. Dilaw pa din dahil iyon ang paborito niyang kulay. Walang pagbabago sa loob ng dalawang taon.

Kabisado ko ang buhay niya, dalawang taon yun e. Dalawang taon akong naghanda para sa muling pagkikita namin. Dalawang taon na si DJ ang takbuhan ko sa twing umiiyak na naman ako dahil kay Kathy. At sa hindi inaasahan ay sa loob ng mahabang pghihintay, ang best friend ko pala ang mamahalin niya at ang bestfriend ko ang kamumuhian ko dahil siya pala ang mananakit sa taong ayokong makitang umiiyak. Bwiset! Bwiset na tadhana naman to. Grabe kung maglaro. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang nag-iisip. Agad ko namang pinunasan ang mga iyong nang maramdaman kong sinara na ng Tita niya ang pinto dahil nakalabas na ito.

"Hindi ko alam kung ano talagang nangyare pero ngayon lang siya nagkaganyan, at mukhang sa maling lalaki pa." tagos sa puso ko ang sakit na nararamdaman niya para sa pamangkin niya. Lahat kami nahihirapan makita ng ganito si Kathy.

"Pasensya na po. Pasensya na po talaga kayo sa best friend ko." nasabi ko na lang at yumuko kasi muling tumulo ang mga luha ko. Ang hirap banggitin ng salitang best friend. How can he be the best of he is the worst person I prayed not to meet because he ruined my hope to be loved by the girl I only dreamed about. Cruel life! F*ck.

"Ganyan talaga sa pagmamahal, hindi pwedeng hindi ka masaktan. Kasi kung hindi ka masasaktan hindi mo masasabing nagmahal ka talaga." makahulugang sabi niya at tinapik ang balikat ko. Kahit alam kong wala siyang alam sakin at si Kathy ang tinutukoy niya, alam kong tama ang sinabi niya. Tumalikod na siya at bumaba na. Nang maiwan ako ay dahan dahan akong pumasok sa kwarto ni Kathy, pinagmasdan ko siya.

Habang pinagmamasdan ko siya ay napaupo ako. Kasabay ng pagbagsak ko sa kama niya ay anv muling pagbagsak ng mga luha ko.

"I dreamt of seeing you smile and in love. I dreamt of seeing you doing efforts just because you are madly in love. I dreamt of being the guy in his place. The place I have been praying for. Because if only I am in his place, I would never dream of making you cry just because of me. Kathy, Kathy ko, akala ko tama na pakawalan kita. Akala ko tama na magpatalo ako. Pero paano naman kung ganito, nasasaktan ka. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka. Tama nga siguro ang Tita mo, hindi ka masasaktan kung hindi ka magmamahal. Ngayon, sobra sobra akong nasasaktan, ibig bang sabihin sobra sobra kitang mahal? Sana hindi ganito. Sana hindi ka nasasaktan. Sana ako na lang. Kathy, Kung ako na lang sana".

- - - - -

Another heart breaking chapter beybies :( Moment naman ni Dom. Side naman niya ang alamin naten.

Galit pa din ba kayo kay DJ? His explanation naman ang malalaman naten SOON. So stay tuned and walang bibitiw :)

- - - - -

BREAKING NEWS !!!!!

CONGRATS SATEN GUYS FOR BEING NO.49 SA FAN FICTION!!! I NEVER IMAGINE NA MANGYAYARE TO PERP DAHIL SA LUBOS NA PAGSUPORTA AT PAGMAMAHAL NA IPINAKITA NIYO SA LOVE FIND ITS WAY, WE MADE IT! I DO HOPE NA MASUSTAIN NATEN ANG RANK NATEN.

KAYA MULA SA CAST, AT MULA SA PUSO NG AUTHOR NYO, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO :***

KEEP ON SUPPORTING BABIES :)))

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora