Chapter 22: Oo Nga Pala

723 33 6
                                    

Dedicated to @imMe26

Thanks sa compliment Beb. Tignan mo mabuti, baka namamalikmata ka lang. Hindi ako maganda hahaha . Anyways, Thanks uli. Do enjoy reading :))

- - - - -
Kathryn's POV

Kakatapos lang namin magbreakfast. Sabay sabay kami. Pero wala halos kibuan sa pagitan namin ni Johnny.

Alam ko OA na ang tingin ng iba, pero I just don't know how to approach him. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagtawanan nya ko sa ginawa ko. Na baka isipin nya na kunyare pa akong galit sa kanya tapos in just a week, ako pa pupulupot sa kanya. Argh! I hate that thought! Hindi ako ganung babae. Naiinis ako. Sa sarili ko ofcourse. Hindi pwedeng malaman ni Tyang to. Sila Mama at Papa, alam kong nakikita nila ko from afar, at ayoko na madisappoint sila. Aish! Naiiyak ako sa naiisip ko na yun.

"Bessy, let's go na! Swimming time na!" sabi ni Nadine pero malumanay lang. Nangangapa pa din sila sa akin dahil akala nila galit ako. Hind naman talaga e. Pero mas naguguluhan ako sa signs nila.

"Okay lang Bes kung ayaw mo sumama, mauunawa--", sabi ni Julia at tumabi sakin dito sa couch. Pinutol ko siya.

"Sasama ako Bes at Bessy. I don't want to spoil this happening." sabi ko sakanila at may maliit na ngiti na sumilay sa labi ko. Pero kilala nila ako. Thy know hindi ako okay.

"Bessy, sorr--", I cut Nadine off. Sabi na nga ba ayun iniisip nila. Hays. Mahal talaga nila ako.

"Girls, it is not what you think. It's not about you or what you have told me. It's about me. Natatakot ako sa pwedeng isipin ng---" , ako naman pinutol ni Julia. Lage na lang kami nagkakaputulan ha. Haha.

"Ng iba na naman? Bes, lage na lang ba? Lage na lang ba na sila ang iisipin mo? Why don't you give it a try? Ano bang pumipigil sayo?" tanong ni Julia sa akin at inakbayan pa ko.

"Hindi ko alam. Hindi siya ang lalaking hinahanap ko, at I know na hindi ako yung babaeng magugustuhan nya." sabi ko pero naramdaman kong may kumirot sa puso ko. Baket ganun? Masakit. Masakit sa pakiramdam.

"And what made you think na hindi siya ang guy? At hindi ka nya magugustuhan? Hwag mong madaliin Bessy. Walang nagmamadali sayo. Love takes time. Kinikilala nyo pa ang isa't isa. Don't be in a hurry. Kaya you're not in the right position to jump into a conclusion", sabi ni Nadine. Naiintindihan ko siya. Alam kong masyado pang maaga pero natatakot talaga ako sa mga pwedeng mangyari kaya tinatatak ko na sa isip ko na hindi pwede.

"Set aside your standards. Try to open your heart and not your eyes. Sa totoo lang, nakikita namin na you are doing that na. Pero andun pa din yung takot. Yung takot na hindi dapat nandyan. Bes, hindi mata ang nagmamahal, puso. Hindi ibang tao ang magmamahal sa kanya, ikaw. Walang nagmamadali. Take babh steps to get there. Para maramdaman mong worth it ang pagkakakilala nyo. One month is way to long pa. Nakakaone week pa lang kayo. Maraming pwedeng mangyari, so hwag mong tapusin lahat sa isang linggo pa lang." mahabang paliwanag ni Julia. Tumayo na siya at nagsimula nang magbihis.

"Magbihis ka na din" sabi ni Nadine sa akin sabay abot ng damit ko. Nakangiti kong inabot yung mga damit. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Naguguluhan pa din ako pero nasasabi kong mas okay na ko. Do not rush things up. Specially when it is worth waiting for.

Tumayo na ko. Magbibihis na din ako. Mahaba pa ang araw and I want to make things right. Bahala na kung paano kami maging okay ni Johnny. Pero hangga't kaya ko, iiwas muna ako. Baka mayakap ko na naman siya, este baka mailang na naman ako pag andyan siya. Anu ba mga naiisip ko? Aish!

- - - - -

Daniel's POV

Nandito na kami ngayon sa beach. Maganda dito. Malawak. Presko. Masarap sa pakiramdam. Kasama ko na sila Khalil, Quen at si ----. Asan na yun?

Ayun! Oo, si Dom. Nakaupo siya sa may buhangin. Mag-isa. Mukhang malalim ang iniisip. Kilala ko to. Bespren ko to e. Malapitan nga.

"Bespren!" sabi ko kay Dom at agad na umupo sa tabi niya.

Para naman siyang nagulat na andun ako. Hindi nya ba inaasahan o sadyang nakakagulat lang ang kagwapuhan ko? Wooooh! Parang biglang lumakas ang hangin dito sa beach? Haha.

"May problema ba tayo bespren? Alam mo naman nandito lang ak--" pinutol nya ako. Bastos! Haha

"Wala bespren. May naisip lang ako." sabi niya pero nakatingin sa malayo.

Tinanggal ko ang shades ko at muli akong bumaling sa kanya.

"Siya na naman ba? Tagal na nun aa", sabi ko kay Dom na nakakunot ang noo.

"Naalala ko lang siya. Pero oks lang ako anu ka ba. Feeling ko naman masaya na siya e. Naiinggit nga ako sayo." binulong nya lang ang huli nyang sinabi kay hindi ko masyado narinig. Napailing na lang ako.

"Bespren. Hayaan mo na siya. Madami pa dyan. Marami ka pang makikilala. Madaming chix dito sa Laiya oh, hanap tayo mamaya? Hahaha", sabi ko to lighten up the mood. Simpleng suntom lang sa braso ang natanggap ko sa kanya. At least ngayon, alam kong okay na siya.

Nagtatawanan kami ni Dom dito nang may tumawag sa amin.

"DJ! Dom! Ano, Bromance? Hindi pa ba tayo magswimming?" Sabi ni Julia. Kahit kelan talaga, napakaibgay neto. Napalingon kami sa kinaroroonan nila at nanlaki ang mga mata ko.

Sh*t !!!!! Baket ganyan ang suot nya? Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla akong lumapit Quen na katabi ni Chandy.

Dali dali kong hinila ang mga braso niya. Kailangan makalayo kami dito.

"Johnny, ano ba, nasasaktan ako sa hawak mo", pagsigaw nya at pilit na binabawi ang kamay niya sakin. Hindi ako nakinig. Naiinis ako sa dami ng lalaki na tumitingin sa kanya. Ano, may fiesta? Tangna naman!

Nang makarating kami sa medyo wala nang tao, binitiwan ko siya at hinarap sa akin.

"Ano bang problema mo?!!!" sabi niya at nakikita kong nangigilid na naman ang mga luha sa mata nya. No! DJ, hwag kang padala sa kanya ngayon.

"Anong anong problema? Nakikita mo ba yang suot mo? 2piece!", nanggigil na sabi ko sa kanya. Hindi ko mapigilan.

"Ano bang masama dito? Beach to Johnny. Anong ineexpect mo na suot ko? Gown? Two-pieced to, pero nakamaong na shorts naman ako at cover up!" pageexplain nya pa sa suot nya!

"Alam ko! Nakikita ko. Pero hindi sapat yang shorts at cover up mo para takpan yang katawan mo! Ano ba yan, bargain? Na lahat pwedeng tumigin? Tapos kung sino magkakagusto, bibilin?" tuloy-tuloy na sabi ko. Pero ...

*PAK*

Isang malakas na sampal ang inabot ko. At sh*t! Tuluyan nang bumuhos ang mga luha nya! Ang sakit! Mas masakit pa na makita siyang umiiyak kesa sa sampal nya. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko at yakapin siya pero nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Ganyan? Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Ganyan mo ba ko nakikilala? Mababaw na babae at kaladkarin? Malandi? Ganun ba? Well then, Congrats! Nakilala mo na pala ako!" tatalikos na sana siya pero bigla siyang lumingon at may mas masakit na sinabi.

"Nga pala, sino ka nga uli? Ano ba kita? Wala naman diba? So anong karapatan mong diktahan ako?" with that, she immediately left me.

Kasalanan ko na naman. Nasaktan ko siya. I just can't control myself not to protect her. Pero nasaktan ko na naman siya.

Before I left, naalala ko na naman ang sinabi niya.

Sino nga ba ako? Oo nga pala! Wala naman ako! Wala akong kwenta!!!

- - - - -

Awww. Parehas silang nasaktan :( Sakit sa puso. Sino ang may kasalanan talaga? Tingin nyo? Hays.

Happy reading everyone! Enjoy it and keep on supporting by leaving a comment or by voting :)) Iloveyouall <3

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now