Chapter 43: Welcome to the Fam

531 26 4
                                    

Dedicated to @MeredithGray927

Can't find the right words to say how grateful I am for all the support you have given me. Sana hanggang sa huli ng story at hanggang sa mga susunod pang story ko, hindi ka magsawa. Enjooooy this chapter for you :)))

- - - - -

[ This is the flashback on how Kath came up to have Mr. Padilla as her gift to DJ. A day before the birthday ]

Kathryn's POV

"Kaya ko ba to Bes, Bessy?" tanong ko kila Julia at Nadine habang nakatayo ako sa harap ng salamin at sinisipat ang imahe ko rito.

"Jusko, pang ilang tanong na niya yun Nadeng?" baling ni Juls kay Nads na nagtetext yata kasi kanina pa hawak ang cellphone e.

Pero si Nads, tawa lang ang sinagot kay Julia halatang hindi nakikinig.

"Huy!" gulat ni Julia kay Nadine.

"Ay Unggoy!" sabi ni Nads at muntik ng maibato ang cellphonr niya.

Napalingon ako sa kanya at agad na binigyan siya ng makahulugan na ngiti. Unggoy? Hmmm.

"Unggoy? Diba si Dom yun. Uuuuuy, lage na niyang nasa isip si Dom." sabi ko at natawa na din si Julia.

"H-hoy h-hindi aa. Nagulat lang talaga ako" depensa naman ni Nadine sa sarili.

"Kailangan nauutal? Sabi kasi nila, kapag daw nagulat ang isang tao, ang unang lalabas sa bibig niya ay ang bagay na iniisip niya ng mga oras na yun." mahabang paliwanag ni Julia na sinang-ayunan ko naman.

"Sino na namang nila yan? Yan kayo e, naniniwala kayo sa sabi sabi nila tapos hindi ko pa kilala yang mga nila nila na yan. May kinakausap kayo na hindi ko alam o nakikita? Yay, creepy!" sabi ni Nads at lumayo pa ng bahagya kay Julia.

*POK*

"Aray! Baket ka nambabatok ha. Kathreng oh." sabi ni Nads at tumayo sa sofa at parang bata na nagsusumbong sakin. Baliw talaga to.

"Ewan ko sainyong dalawa naku. Para kayong mga sira." sabi ko at nagtawanan kaming tatlo.

Natigil lang ang kulitan namin ng tumunog ang cellphone ko. Siya na kaya yan?

Agad kinuha ni Julia ang cellphone at binasa ang message.

Tinignan lang ako ni Julia sabay abot sa akin ng cellphone. Agad ko namang tinignan ang mensahe at lalo akong kinabahan.

From: 0915*******
No problem hija. I will be glad to meet you. We'll be waiting for you tonight and let's have dinner.

Shocks! Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko. Totoo ba to? Inaaya nya ko ng dinner? My God! Hindi ko alam ang gagawin ko.

Imbes sumagot sa text ay hindi ako mapakali at nagpalakad lakad sa kwarto ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alas kwatro pa lang at dinner daw ang gusto niya. Sinalo ko ata lahat ng kaba sa mundo dahil dito.

"Bessy, ok lang ba huminahon ka muna? Dinner lang yon?" sabi ni Nadine at hinawakan ang balikat ko para pigilan ako sa pagpabalik balik sa paglalakad.

"Dinner? Bessy naman e. Buti sana kung hindi buong pamilya niya ang kaharap ko. Buti sana kung text na lang. Baket kasi hindi na nga lang text lahat?" sabi ko at yumuko dahil nanghihina na ko. Hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin.

"Baket ka naman kakabahan, isipin mo ginagawa mo to para kay Daniel." sabi ni Julia. Medyo nabawasan ang pag aagam agam ko. Alam ko para nga to kay Johnny.

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now