Chapter 35: She's the BOSS

595 29 10
                                    

Dedicated to @itsmelucilleee

Beyb, ayan na, naisingit ko na sa list ko ang name mo hihi . Salamat sa pagsuporta at sana hanggang huli magustuhan mo ang LFIW :))

- - - - -
Kathryn's POV

Saturday ngayon. Ilang araw na din mula nung sinimulan ni Johnny ang panliligaw nya. Ang sarap pala sa feeling kapag pinaparamdam sayo na special ka. Tapos walang awat pa ang pagpapakilig niya. Take note, hindi pa daw siya marunong manligaw nun. Haha nakakatuwa nga e, effort kung effort talaga siya. He used to surprise me and he never fails to amaze me for what he can do.

Nagbibihis nga pala ako ngayon. Papasama kase ako kay Johnny sa mall e. Bibili ako ng mga gagamitin ko sa photo shoot. Oo, you read it right, magmomodel na ko. Bwiset nga e. Kase last year pa ako kinukulit nung officers ng magazine na yun. Freelance photographer ang writer kase ako. Mass Communication nga kase ang kinuha ko nung college. Tapos every month, yung company na pinapasukan ko ang laging naghahandle sa photo shoot ng mag na yun. Fashion mag naman siya kaya okay lang. Kaso, ayoko talaga magmodel. Napasubo lang ako kase may pumasok na intern sa amin, at siya ang nakaassign magphotographer, ang kondisyon ng officers ng magazine, kung ako ang magmomodel, papayag sila. E ayoko naman na bumagsak yung intern namin, mahirap kaya mag.OJT, susi yun para maging fourth year ka na! Kaya napapayag ako.

Eto nga ako ngayon, bibili ng damit. Although, may provided na damit naman sa shoot kaso minsa kase, daring mga pinapasuot dun, hindi naman ako naggaganun. Kaya mabuti na yung may extra ako.

Maaga ang usapan namin ni Johnny dahil mamayang hapon na yung shoot. Bilis ba? First day pa lang naman yun. Kadalasan kase umaabot ng 3 day, minsan pa nga 5 days, depende sa location. E malamang, Christmas ang theme ngayon, kaya nga din pumayag ako kase alam ko na wholesome ang magiging theme.

Simpleng shirt at shorts lang ang sinuot ko tapos dala ko yung mga gagamitin ko mamaya kase diretso na ako sa shoot after ng shopping galore namin ni Johnny.

Pagbaba ko, nakita ko na agad siya sa hood ng sasakyan nya. Nakapolo shirt na roya blue, maong pants, Vans na sapatos at may shades pa. Whoooo! Ang init naman! O sadyang hot lang talaga siya? Hahaha

"Hi sexy" sabi niya sabay hubad ng shades nya at kinindatan ako. Halos tumayo lahat ng balahibo ko. Ang hoooooot!

"Sexy ka jan, taba nga ng pisngi ko e" sabi ko sabay papasok na sana sa kotse nya.

"Mataba ka man sa paningin nila, ikaw pa din ang pinakasexy para sa akin" sabi niya sabay bukas ng pinto para sa akin. Sabe sainyo, hindi niya ko binibigo na hindi pakiligin e. Araw araw ganyan yan. Na ako lang ang pinakamaganda, pinakasexy, lahat na ng pinaka para sa kanya! Ako na talaga! Hahaha.

Madali naman kami nakarating sa mall kasi walang traffic. Sabado e. Tahimik lang kami sa kotse kanina, nagpatugtog lang siya ng mga music na nakakakilig. Haha.

Agad akong pumasok sa boutique na nakita ko. Mukhang okay naman ang mga damit dito. Umupo lang si Johnny sa may couch dun at nagkalikot ng cell phone niya. Habang ako namili lang ng namili.

Nagsukat ako at pinapakita ko sa kanya kung ano ang bagay. May mga nagugustuhan siya at may inaayawan niya kase maikli, o kaya medyo daring para sakanya kahit hindi naman. Medyo nagiging masungit nga siya pag ayaw niya yung damit e.

Nakakainis nga kase kanina pa nagpapacute sa kanya itong nag-aassist sa akin.

Papasok na sana ako uli sa fitting room nang magsalita yung nagpapacute sa kanyang saleslady dito.

"Ahm Miss, ang swerte nyo po sa boss nyo" sabi niya kaya napalingon ako at tinaasan ko siya ng kilay.

"Excuse me?" sabi ko at hinarap siya.

"Sabi ko po, ang swerte nyo kay sir. Madalang sa mga boss ang binibihisan ang empleyado nila." Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Mukha akong empleyado ni Johnny? Oo nakaporma siya ngayon at ako hindi, pero mukha akong empleyado niya? F*ck lang diba?

Imbes magsusukat pa ako ay pumunta na ako kay Johnny at niyaya siyang umalis na. Babayaran ko na ang mga napili ko tutal madami dami na din naman yun.

Nagtataka pa siya kung baket ako nakasimangot at ang minalas malas ay andun na naman sa may counter yung babaeng nag-assist sa akin. Nakakakulo ng dugo talaga! Argh!

Nag-insist si Johnny na siya na magbabayad kaya mas lalong inisip ng saleslady na empleyado nga ako ni Johnny. At nangati na ata ang dila at kinausap pa si Johnny.

"Ang swerte naman po ng empleyada nyo Sir, kayo pa ang nagbabayad ng mga damit nya." sabi nito at pagkatamis tamis ng ngiti. Nakuuu! Hatakit ko yang labi mo te para mapunit e.

"Empleyada? Sino?" sabi ni Johnny at lumingon lingon pa sa paligid.

"Siya po" at nginuso pa ko ng panget na to, este ng saleslady pala.

"Hahahah, siya?" sabi ni Johnny sabay akbay sakin. Tumango naman ang saleslady.

"E eto nga ang boss ko e." sabi ni Johnny na nakangiti pa.

"Boss?" sabi ng saleslady at nanlalaki pa ang mata.

"Oo, Boss. Boss ng puso ko." sabi ni Johnny at namula na naman ho ako.

With that, tumalikod na kami ni Johnny at lumabas ng shop. Narinig ko pa na nagsorry sa akin yung babae pero hindi ko na pinansin. Okay na sakin na napahiya siya. Kaso hindi ko naman ineexpect yung gagawin ni Johnny.

- - - - -

Thanks sa votes beybis ;)))

I was asking for 800 votes and again, you have given me more than that. Such a blessing! Mahal nyo talaga ko.

Ansabe ng saleslady scene na ito? Hahaha. Short yet Kilig update naman.

Comments and Votes and much appreciated.

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now