Chapter 21: She is the One

722 33 3
                                    

Dedicated to @phoemelafaith09

Eto na yung pangako kong dedic beb :) Salamat sa pagbagyo ng suporta. I can't thank you enough. Keep enjoying and supporting :)

- - - - -

Daniel's POV

Tumakbo siya bigla. Ni hindi man lang sinagot yung tanong ko. Hays. Susundan ko sana siya pero may humawak sa balikat ko. Napalingon ako . Si Khalil.

"DJ wag muna, nakita mong naiilang pa siya e. Maya lang okay na yan, yaan mo muna magpahangin", sabi niya sakin.

"Oo nga dude. Naiilang yan kasi nga nayakap ka hahaha", sabat naman ni Quen. Sinapak ko nga ng mahina sa braso. Napa-aww ang loko. Bading! Haha.

"Loko ka, huwag ka maingay dyan, baka mamaya malaman niya na knuwento ko sainyo no", sabi ko sakanya at nakakunot ang noo ko.

"Bro, kahet hindi mo naman ikwento, alam namin. May picture pa nga kami oh", sabi ni Khalil sabay pakita ng cellphone nya. Argh! Paanong?

"Nagtataka ka? Malamang si Khalil driver diba? Haha gising yan buong byahe", sabi ni Quen na tumatawa na naman ng nakakaloko.

Pilit ko namang inaagaw yung cellphone ni Khalil pero mabilis na nakapasok sa loob ng kwarto. Loko talaga to. Kailangan mabura yun agad.

"Dude, burahin nyo naman yun. Baka magalit si Chandy, o baka umiyak yun e. Dude naman!" pilit kong sabi kay Quen. Pero tinignan lang nya ko ng nakakaloko.

"Yung totoo bro, inlove ka na ba?" sabi niya kaya napatingin ako sakanya ng nakakunot ang noo. Mga ilang segundo akong napaisip.

"See, you're thinking! It's pretty obvious dude. Tama lang talaga ang naging plano ko." lalong kumunot ang noo ko. Anong plano?

"Oo dude, plano. Unang kita ko pa lang kay Kath, I know that she is the one. The one for you. Corny ba?", pagpapatuloy nya. Umiling ako signalling him to continue.

Umupo siya sa tapat ng pinto bago ngpatuloy.

"Nakita ko kasi na hindi siya mabilis maattract sa lalaki. Hard to get ba. Kahit saakin na gwapong gwapo na, wa epek pa din", sabi nya at nagsmirk. Binatukan ko nga.

"Oo na, oo na, alam ko mas gwapo ka. Kaya nga naisip ko na parehas nyong kailangan ang isa't isa. Nalaman ko kila Juls na sila ang humahanap ng magiging bf ni Kath kasi nga wala magustuhan. Kaya nainis ako nung nalaman ko na nag-away kayo sa first date nyo", sabi niya at napayuko ako sa sinabi nya.

"Kaya nga pinagsisihan ko ang mga sinabi ko nun, nadala lang ako dude", sabi ko at nilaro laro ang daliri ko.

"Kaya nga nagulat kami ni Dom na magsosorry ka e. Kaya tumulong kami. At as time passed by, mas napapatunayan kong tama ang plano ko. Kita ko na naiinlove ka na", sabi niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

"Ano? Loko ka ba? Hindi ako maiinlove dun! Jusko. Parang hindi babae." Natatawang sabi ko

"Exactly the point is dude. Kilala ka namin. Pag ayaw mo sa babae , 3days expired na! As in burado na sa sistema mo. But look at yourself now, you are enjoying her company. Its been a week and you tend to be more interested to know her and be close to her each day", sabi niya at tumahimik ako. Hindi ko alam pero napapaisip ako sa mga sinasabi ni Quen.

Tumayo na si Quen kaya tumayo na din ako. Akmak papasok na siya ng kwarto ng may sabihin na naman siya.

"Don't deny what is obvious dude. Walang pumipigil sayong magmahal. At walang may karapatan na hadlangan ka sa nararamdaman mo. It would be better to make move. Hindi na kayo bata para maniwala kayo sa mahabang ligawan. Tandaan mo, relasyon ang pinatatagal hindi ligawan", sabi niya ng nakangiti at pumasok na sa kwarto.

Napangiti ako sa sinabi nya. Ligaw? Wala yun sa bokabolaryo ko. Pero pagdating kay Chandy, worth it naman siguro.

Aish! Ano ba tong naiisip ko?! Wala. Akong. Gusto. Sa kanya. OO. WALA! Hindi pwede. Hindi siya katulad ni Mama. Hindi siya perfect. Ayoko. Hindi pwede. Hwag naman. Sana. Hwag naman.

Nababaliw na ko kakaisip. Part of me is saying na Hindi pwedeng siya. Pero part of me is saying na tama si Quen, maybe, She is the One.

- - - - -

So denial din si Daniel?

Pero napapaisip siya haha. Loko. Magulo ba ? Magulo ang pag-ibig e. Alam nyo naman. Haha.

Comment and Votes po. Salamat.

Happy 2,023 reads! My ghaaaad! Hindi ko kayo kayang pasalamatan isa isa pero sana alam nyo gano nyo ko napapasaya. Mahal ko kayo :**

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now