Chapter 26: Pedicab

632 36 13
                                    

Dedicated to @BlazingPink12

Thanks sa pagsuporta sa story ko. And I do hope that you continue to vote and enjoy it to infinity and beyond. Hahaha.

- - - - -
Kathryn's POV

Hanggang ngayon paulit ulit pa din na nag-pplay sa utak ko yung mga sinabi niya kanina.

Ang akin ay akin!

Hindi ko magets baket niya sinabi yun pero may kung ano sa puso ko ang tuwang tuwa at may mga paru-parong nagrambulan agad sa tyan ko. Weird yung feeling pero napapangiti ako.

Natapos ang dinner namin kaya napagdesisyunan namin na pumunta na sa lugar kung saan namin gagawin ang bonfire. Sabi netong mga kasama namin e exciting daw kasi maglalaro kami. Loko tong mga to. Parang mga bata. Pero since first time naman din namin gagawin yun, naeexcite na din ako.

Naglalakad na kami papunta sa may beach kasi dun nga gagawin yung bonfire, alangan naman sa kwarto namin diba? Haha. Ang iingay at ang kukulit ng mga kasama ko. Nangunguna na siyempre si Juls at Nads. Naalala ko tuloy dati, naiirita sila sa ingay namin. Ngayon naman, sinasabayan pa nila ang kaingayan ng dalawa. Haha . Naglolokohan lang sila. Pumipick up line si Quen at Dom, si Khalil tagatawa lang. At si Johnny, puro Tss o Tsk lang naririnig ko. Nakokornihan to. Alam ko. Kilala ko to.

"Julia, sana FB status ka na lang", sabi ni Quen na kala mo nahihiya pa.

"Baket naman?" sabi naman na Juls na pinipigil ang kilig. Haha kilala ko to. Nakuuuu mga ganyan ni Bes.

"Kasi gusto sana kitang i-like" Biglang naghiyawan ang mga kasama namin. Haha makakatawa sila.

" Ako naman!" Biglang singit naman netong si Dominique.

Tumahimik naman kami at naghihintay ng sasabihin niya.

"Nads, sana naka-off na lang ang ilaw no?" sabi niya at humarap kay Bessy. Nakatalikod siyang naglalakad ngayon.

"Baket naman?" sagot naman ni Nadine. Haha. Kinikilig din to. Kunyare pa tong naiinis kay Dom. Ways ways talaga, oo.

"Para tayo na lang ang mag-ON! BOOM!" Biglang tumawa ng malakas ang buong tropa.

Natatanaw na namin. Medyo malapit na kami sa bonfire place. May binayaran kasi sila para gumawa neto. Mga anak mayaman e, hindi marunong magsibak ng kahoy at magpangingas ng apoy hehe.

"Bastos mo rin e no?" sabi ni Dom ng malakas. Kala namin may kaaway pero nakatingin kay Nads e. Anung nangyare?

"Hoy, buang ka ba, anong gina--" naputol sa pagsasalita si Nads kasi umepal si Dom.

"Bastos ka! Bigla-bigla ka na lang pumapasok sa isip ko" sabi niya na kunyare galet tapos biglang inakbayan si Nads. Napalo tuloy siya sa dibdib. Haha. Loko kasi kala namin kung ano na.

"Nice Julia! Ang galing mo!" umagaw naman ng atensyon namin ang pagsigaw ni Enrique. Audience lang kami dito sa totoo lang. Haha

"Ako? Baket? Wala naman ako ginagawa a." sabi ni Juls na nakakunot pa ang noo.

"Exactly! Wala ka pang ginagawa pero tinamaan na ko sayo", nag-yieeee naman ang mga kasama namin. Para talaga silang mga bata. PBB Teens?

Andito na kami sa place pero hindi pa din tumitigil mga lokong to. Si Khalil dakilang taga-tawa. Si Johnny, walang ginawa kundi mag-smirk. Bitter ang peg? Haha. Bahala ka dyan. Saya kaya!

Papaupo na sana sa buhanginan si Nads nang umagaw na naman ng eksena tong si Dom. Pagalingan ata sila ni Quen e.

"Ano ba naman yan Nads, ang lampa lampa mo! Nakakainis!" sabi niya at inis na inis pa.

Bago pa magsalita si Nads, may sinabi na si Dom.

"Tatawid ka na nga lang sa isip ko, Nahulog ka pa sa puso ko!" sabi ni Dom at ayun, si Nads, tuluyan nang namula. Haha. Sabi na e. Pinipigilan pa kase.

"Ang arte nyo! Halika na nga Juls! Umalis na tayo dito!" sabi ni Quen at hinatak pa si Julia.

"Huy, problema mo ba? San naman tayo pupunta?" sabi ni Juls habang hawak pa din ni Quen ang braso nya.

"Pupunta na tayo sa Home for the Aged" malumanay na sabi no Quen. Lahat naman kami nagkatinginan. Baket dun?

"Ano? Baket dun?" sabi ni Julia na naguguluhan pa din.

"Because I Wanna Grow Old With You" sabi ni Quen na kinakilig ng lahat. Si Khalil din kinikilig na. Baka bading to Hahaha. Hinampas naman ni Julia si Quen.

"Argh! Ehem. Ansakit! Minamalat na naman ang puso ko Nads! Aray!" sabi ni Dom at umakto pa talagang nasasaktan siya. Deadma naman si Nadine. Haha. Pakipot te?

"Puso minamalat? Baket? Anyare?" sabi niya sabay subo uli ng kinakaen nyang marshmallow. Nagbaon talaga yan ng marshmallow kasi nga may bonfire daw. Takaw talaga.

"Paano ba naman kasi, laging sinisigaw neto ang pangalan mo!" sabi ni Dom at kinurot sa pisngi si Nads habang yung isa, todo pula na! Haha.

"Sino ka nga uli? Anong pangalan mo? Nakalimutan ko sh*t!" sabi ni Quen. Alam na to. Haha. Babanat na naman.

"Problema mo Quen?" sabi ni Juls na naiinis na ata. Haha. Slow naman ni Bes.

"Nakalimutan ko talaga pangalan mo, Can I just call you MINE?" Ayun! Nagets din ni Juls Haha. Natawa e. Ayaw pa kaseng pakitang kinikilig siya. Hay. Nakakainggit. Tuod naman kasi netong kasama ko e.

"Tama na nga yan naku. Simulan na naten yung bonfire oh!" sabi ni Daniel at naiirita na ata. Ampalaya Alert! Haha.

"Problema mo dude? Bitter lang? Nagmahal ka na ba?" biglang tanong ni Khalil. Minsan na nga lang to magsalita, may laman pa.

Sandali siyang tumahimik. Pati ako kinakabahan sa sasabihin niya. Khalil kase e.

"Hindi. Ako nagmahal? No Way! Laro lang lahat" kalmadong sabi niya. Ewan ko pero kung kanina masaya ako. Parang unti-unting nalulukot ang puso ko. Parang anytime tutulo ang luha ko.

Tahimik lang ako. Actually lahat kami. Nang bigla siyang nagsalita uli.

"Hindi naman talaga ako nagmahal ...


Noon" nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako bigla sa kanya. Nakatingin din siya sakin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Anong ibig nyang sabihin?

"Dude?" biglang sabi ni Khalil.

Napatawa siya ng mahina bago niya tuluyang sabihin ang paliwanag nya.

"Sabi mo nagmahal ba ko? Past tense yun dude diba? Hindi naman talaga ako nagmahal e. Kasi Nagmamahal ako at magmamahal ako" sabi niya at parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Nahihirapan ako huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi normal e. Habang sinasabi nya kasi yun nakatingin lang siya sakin.

Hindi ko na kaya. Ayokong makita nila na namumula ako. Nakakahiya. Baka isipin niya nag-aassume ako. Ayoko nun. Ayoko masaktan.

Dali-dali akong tumayo at nagpaalam na aalis muna saglit. Hihinga lang ako. Babalik agad ako.

Kaso hindi pa ko nakakalayo nang bigla na naman siyang may sinabi. Sumigaw pa! Argh!

"Chandy! Pedicab ka ba?" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko at nilingon siya. Nakakunot ang noo ko at parang tinatanong sa kanya na, ano na naman to?

"PEDICABang Mahalin?" sabi niya. At muli, naghiyawan ang mga tao sa paligid namin. Pati ang mga dumadaan lang.

- - - - -

Long wait is over! Ayan na po ang Update! Haha. Sensya natagalan. Nagkasakit ako at nagkaemergency dto sa bahay e.

Worth it naman ang paghihintay diba? Haha. Pedicab daw oh!

Kaw, anong fave pick up line mo? Comment na!

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now