Chapter 24: Unli Love

605 31 6
                                    

Dedicated to @reljane

Salamat sa suportang ibinubuhos mo sa LFIW. I cant find the right words to thank you, because simple thank you isn't enough to let you know how grateful I am to have you as my reader.

Nainspire ako ng @mswannabe kaya eto ako, mag.uupdate kahet puyat nyahaha.

- - - - -
Kathryn's POV

Bumalik na ko dito sa kwarto namin. Kinuha ni Dom yung susi kanina kila Juls. Ayoko munang bumaba dun. Masyadong maraming nangyare para magsaya pa ko.

All this time akala ko wala akong nasasaktan. Akala ko lahat masaya. Pero may isang tao pala na binago ko at ngayon nasasaktan. Hanggang ngayon, lahat ng sinabi ni Dom tumatak sa akin. Pero sa lahat ng sinabi niya, yung huli ang pinaka hindi ko makakalimutan.

*Flashback*

Niyakap ko si Dom. Ito lang ang alam ko na makakapagpagaan ng loob nya kahit alam kong ako ang dahilan ng pagpatak ng mga luha niya.

Ganito pala kahirap makakita ng isang taong umiiyak, lalo na kung dahil sayo ang pag-iyak niya. Tama nga si Daniel. Masakit makakita ng umiiyak kaya eto, niyayakap ko siya. Sa haba ng panahon, ilang taon, ilang taon siyang naghirap para sa akin. At ngayon gusto niyang bumalik. May parte sa puso ko na sinasabing bigyan ko siya ng pagkakataon. Pero may malaking parte sa puso ko na nagsasabing hindi pwede kasi huli na. Naguguluhan ako. Nalilito ako. Hindi ko alam anong dapat ko maramdaman. Unang beses to. Unang beses na malaman kong nakasakit ako at unang beses akong masaktan.

"Pero Kath, masaya na ko." maya maya ay sabi niya. Bigla akong napahiwalay sa pagkakayakap sa kanya at hinarap ko siya. Tinignan ko siya sa mga mata at naghihintay ako sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"Masaya ako kasi nakikita ko masaya ka. Masaya ako kasi nakikita ko na napapasaya ka niya" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sab---", nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko na nagsasabi sa akin makinig lang ako. Sumunod naman ako. Tumahimik lang ako at tumango.

"Magdedeny ka din ba? Kitang kita namin na masaya ka, na masaya siya. Masaya kayo sa isa't isa. Masyado bang mabilis? Ganun naman talaga ang love Kath, walang pinipiling oras. Walang sinsabi na start na pala. At ang masakit, hindi din sinasabi kapag tapos na pala. Ni gusto mo pang ituloy pero hindi na pwede. May expiration date ang love. Magugulat ka na lang, tapos na. Magugulat ka na lang, hindi na pwede kahit anung pilit mo. Kasi hindi na pwede. Parang load. Kahit naka-unli ka pa, maeexpire din yun. Kahit anung pilit mo pang gamitin, wala na. Tapos na." mahabang paliwanag niya.

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon