Chapter 39: Give and Take Dapat

494 25 6
                                    

Dedicated to @Amicaela2829

Salamat sa pagbagyo ng boto! Sana patuloy mong magustuhan ang story. Enjoy this chapter :D

- - - - -
Kathryn's POV

Umalis na siya. Umalis na ang lalaking mahal ko. Inaamin ko naman, mahal ko talaga siya pero sa nakita ko kanina, natakot talaga ako na maagaw siya ng iba.

Maganda si Lia, mayaman, mabait. Hindi ako naiinggit sa kanya pero natatakot ako sa kakayahan niya na makuha si Johnny kase lahat na sakanya na. Baka pati ang sa akin ay makuha na din niya. She's almost perfect, kaya hindi imposible na magustuhan sya ni Johnny.

Natakot ako oo, pero tama si Johnny. Wala ako tiwala. Takot akong magtiwala. Pero nakalimutan ko na tao din siya. Nasasaktan. Nahihirapan. Napapagod. Natatakot akong maagaw siya ng iba pero sa pinaramdam ko sa kanya kanina, parang sinabi ko na din na ayoko sa kanya, pero ang totoo pala, takot akong masaktan. Nging makasarili na naman ako. Hindi na ako natuto.

Ganitong ganito din yung pinaramdam ko kay Dominique dati. Hindi ko alam na nakakasakit na ako. Pero iba yung ngayon e, kung si Dom, nabago ko siya, yung Johnny, ngayong umalis siya, mas natakot ako. Natakot ako na baka hindi na siya bumalik. Na baka napagod na talaga siya. Na baka, baka tuluyan na siyang mawala. Kase pag nangyare yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kaya ko. Dahil kahit ako, ayoko mang aminin pero sana hwag siyang bumitiw, wag siyang magsawa. Kase hindi ko kaya, baka ikamatay ng tuluyan ng puso ko.

"Hwag kang mag-alala, hindi yun galit. Nasaktan lang." Nagulat ako nang mula sa likod ko ay may nagsalita.

Pag lingon ko, isang nakangiti pero halatang malungkot na Dom ang bumungad sa akin. Agad kong pinahid ang mga luha ko. Parang kanina lang, siya ang naisip ko nung nakasakit ako, pero nandito pala siya. At sa sinabi niya, parang alam niya ang nangyare.

"Hindi ko alam ano ang dahilan ng pinag-awayan niyo pero pinapunta nya ko dito para may maghatid sayo pag-uwi." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kahit nasaktan ko siya ako pa din ang iniisip niya. Kung tutuusin, malapit na ang bahay namin dito, pero safety ko pa din ang naisip nya.

"Sabi niya, pahinga lang daw siya dahil kapag napapagod ang tao kelangan talaga magpahinga Kath." sabi ni Dom at muli akong napalingon ako sa kanya.

"Pagod na siya? Sawa na ba siya Dom?" sabi ko at hindi ko napigilan ang muling pagtulo ng aking mga luha.

"Kath, kapag pagod tayo nagpapahinga tayo para may lakas uli tayo para harapin ang anumang mangyayare kinabukasan. Pero hindi ibig sabihin ng pagod ay sawa na. Kaya ka nga magpapahinga para hindi ka magsawa e." mahabang paliwanag ni Dom. Nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa sinabi niya. Ibig sabihin, pahinga lang ang kailangan nya at alam kong babalik siya.

"Ang taong nagmamahal, marunong mapagod pero hindi marunong magsawa. Ngayon ko lang nakitang nagkaganun si bespren" sabi niya at sumandal sa bench at tumingala sa langit.

"Alam ko, masaya si Tita Karla na nakikita niya si DJ na nagmamahal. Alam ko naiintindihan nya kung baket nasasaktan ang anak nya, pero alam kong naiintindihan ka din niya." sabi niya at nakikinig lang ako sa bawat sinasabi niya.

"Kung anuman ang pinag-awayan nyo, ayusin nyo agad. Grabe kayo ha, hindi pa kayo pero LQ agad." sabi niya at sabay kaming tumawa.

"Nagselos kase ako Dom. Nagselos ako na nakita ko na masaya siyang kasama ang ibang babae." sabi niya at napangiti siya.

"Mahal mo nga." sabi niya kaya napakunot ang noo ko na parang nagtatanong ng Ha? Sinasabi mo dyan?

"Kasi takot kang maagaw ng iba e. Mahalaga kasi siya sayo, kaya gusto mo sayo lang siya. Selfish mo a." sabi niya ng pabiro at tumawa ng mahina.

"Oo nga e, naging selfish ako. Hindi ko alam na nakakasakit na pala ako. Sarili ko lang ang inisip ko, nakalimutan ko na, tao din pala siya, nasasaktan." sabi ko at humugot ng malalim na buntong hininga.

"Walang masamang magselos Kath, tandaan mo yan, indikasyon yun na talagang mahal mo ang isang tao. Pero minsan dapat ibinibigay din naten ang tiwala naten. Si bespren, hindi maiiwasan na walang lumapit na babae diyan, dapat alam mo yun. Pero dapat alam mo din na, kahit sinoman ang lumapit sa kanya, ikaw lang ang mahal niya. Ikaw ang mundo niya. Ikaw ang lahat sa kanya." sabi niya kaya napangiti ako.

"Ikaw man, alam mo sa sarili mo na may mga lalaki ka ding makakasalamuha sa araw araw, pero alam mo din sa puso mo na siya lang ang mahal mo. Mahal nyo ang isat-isa at sapat ng dahilan yun para magtiwala ka." sabi niya muli at napangiti ako lalo. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Naiintindihan ko na lahat.

"Siguro naman, marami na siyang nagawa para patunayan sayo na mahal ka niya at sapat na siguro yun para ikaw naman ang magbigay ng tiwala. Kath, hindi sapat na sabihin mo sa kanya na mahal mo siya, kailangan din niya ng tiwala mo." si Dom pa din. Natatameme ako sa mga sinasabi nya. Nagbago nga siya. Nabago nga siya ng pag-ibig. Nakakabilib.

"Salamat Dom, salamat talaga. Hindi ko kasi alam kung ano gagawin ko pag nawala pa siya. Ngayon naliwanagan na ko." sabi ko sa kanya at hindi ko maiwasan na hindi siya yakapin.

"Oh, baka may CCTV dito at magselos si DJ ha." sabi niya kaya natawa ako at napalo ko siya ng mahina sa braso.

"Halika na, sabi ni DJ kanina, Dom, pakihatid si Chandy sa bahay nila. Ingatan mo ha pero wag mong agawin, akin lang yun. Akin lang." sabi nya at ginaya pa ang pagsasalita ni Johnny kaya natawa ako. Natawa ako sa kilig. Si Johnny talaga, wala na nga dito, nagpapakilig pa.

"Uwi na tayo, pahinga ka na Kath" sabi niya at sabay kaming tumayo at lumakad na paalis.

Bago ako tuluyang umalis, tumingin ako sa kabuuan ng park na to. Ito ang saksi sa pagbibigay liwanag sa isipan at puso ko. Na ang taong nagmamahal, napapagod, pero hindi nagsasawa. Na hindi sapat ang pagmamahal lang, dapat may tiwala. Give and take dapat.

- - - - -

Yun naman pala Kath e. Kaya nyo yan! Chos!

Lalim ba ng hugot ni Dom? Haha.

Sana muli nyong magustuhan ang chapter na to.

Comment and Vote po sana kayo :D

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Where stories live. Discover now