Chapter 6: By Chance or Destiny

1K 37 4
                                    

Dedicated to @basconesjhensyeusef

Thanks sa pagsuporta at pag.follow . At tulad ng promise ko sayo , I will put my 101% effort on every update . Enjooooy !

- - - - -

Kathryn's POV:

"Ito bang pink o itong blue?" , Julia. Habang hawak nya ang dalawa sa mga dress ko .

"What if itong yellow ? Ayyy teka teka ! May nakita pa ko dun na isa, parang mas bagay. Kunin ko wait lang !!!" At nagmamadali na humarap uli si Nadine sa cabinet ko.

Ako, ito, nakaupo lang. Litong kito sakanilang dalawa. Relax lang daw ako e. Beauty rest ba. Nakakaaliw lang sila tignan.

"Earth to Kathreeeeng! Bess! Huy!" At pumalakpak pa sa harap ko. Natauhan tuloy ako.

"Baket Bes?" Sabay kamot pa ng ulo.

"Anong baket ka dyan Bessy, nakatulala ka kaya , pangiti-ngiti ka pa. Mukha kang tanga!" Nadine sabay harap uli sa cabinet.

"Siguro iniimangine mo na si Quen no? Sabe na nga ba Bes e, mahuhulog ka agad. Yieeee." Sabi ni Julia at kinikilig kilig pa ang loka.

Nilapitan ko nga at binatukan. Muntanga e. Haha.

"Gaga! Iniimagine ka dyan? Natatawa lang kase ako sainyong dalawa no! Para kayong mga buang na aligagang aligaga dyan e, date lang naman yun." Ako.

"DATE LANG?!!!!" Sabay na naman po silang nagsalita. High tone pa ha.

"Palibhasa sayo Bessy, date lang yun, Kami, kami, ni Juls at ni Tita Janice, matagal namin hinintay to!" Nadine. Tonong nagtatampo pa ang loka.

"Onga Bes, hindi mo kase naappreciate mga efforts namin, gusto lang naman namin na sumaya ka na din ee" Julia. Sabay talikod sakin at parang naiiyak pa.

Naiiling na lang ako at nilapitan silang dalawa at inakbayan.

"Anu ba kayo, masaya ako at naaappreciate ko kayo no! Sobrang sipportive nyo nga sakin ee at napakaswerte ko sainyong dalawa, pero kase, Bes at Bessy, okay naman na ko kahet walang lovelife. Kuntento na ko na tayo lang tatlo at si Tyang Janice" Ako.

Kumalas sa pagkakaakbay ko si Nadine.

"Kahit anu pang sabihin mo Bessy, iba pa din ang may lovelife no!"

"Oo nga Bes, at kahit anu pang sabihin mo, tuloy na tuloy na ang date na to. Kaya maligo ka na at aayusan ka pa namin, alas tres na.po Miss, matagal ka pa naman kumilos", sabi ni Julia at natatawa pa.

Naiiling na lang akong pumasok sa CR at nagsimula ng maligo. Sana lang talaga maging okay ang outcome nitong paghihirap ng mga bestfriends ko.

- - - - -

Saktong alas-kwatro na ng hapon ng matapos kaming mag-ayos at magbihis. Isang white tube dress na knee level ang pinasuot nila saakin. Wedge naman ang sinuot kong sapatos at light make-up at kinulot lang nila ang dulo ng buhok ko.

Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti habang tinitignan ang kabuuan ko sa salamin. Nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod at may naramdaman na lang ako sa leeg ko.

"Tyang?", sabe ko at napalingon ako sakanya. At nakita ko siyang nakangiti sa akin.

"Suotin mo yan Kath, bigay yan ng Mama mo nung nabubuhay pa sila ng Papa mo. Alam kong isa ito sa mga mahalagang araw sa buhay mo, unang beses mong makikipag-date at alam kong matutuwa ang mga magulang mo". Nakangiting sabi ni Tyang , pero halata sa mata nya na naluluha.

Alam ko mababaw para sa iba to, pero mahalaga to sa pamilya ko kase oo, first time ko makipag-date. In my whole 23 years of existence ako yung naghohold back na huwag muna kase naniniwala ako sa perfect timing. Pero dahil alam konv matagal na nilang hinihintay to, at para na rin sa mga bestfriends ko, tutuloy ko to.

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Där berättelser lever. Upptäck nu