Day 34

12.2K 221 18
                                    

"Isang babae ang madalas kasama ng grupong tinutukoy niyo, Sir. Hindi lang ito basta madalas kasama, kundi napag-alaman ko rin na girlfriend ito ni Burn na lider ng grupo."

"Burn? Ang sinasabi mo ba'y si Raeburn Gray Blevins?"

"Yes, Sir. Tama po ang sinabi mo."

Saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya. "Okay, good. Nakuhaan mo ba ng litrato ang babaeng 'yon?"

"Opo, Sir. Hindi nga lang gano'n karami dahil naglay low ako sa pagmamanman. Sa tingin ko kasi'y may nagbabantay sa bawat galaw ko simula noong isang araw."

"Alright. Just send it to me right after this call. Gumawa ka ng paraan para masundan ulit ang babaeng tinutukoy mo. May pakiramdam ako na nasa kaniya ang hinahanap natin."

"Masusunod po, Sir. Makakaasa kayo na pag-iigihan ko ang trabahong ito. Ah, eh, basta po ba 'yong napag-usapan natin—"

"You don't need to remind me 'bout that. In fact, naipadala ko na sa pamilya mo ang mga kailangan niyo. Just do your job and make sure na malinis."

"Talaga po? Maraming salamat, Sir. Naku, makakaasa talaga kayo sa 'kin. Maraming salamat po ulit!"

"Alright. Send me the photos, then. Matutuwa nito si Boss."

Isang lalaki na kulay mahogany ang buhok ang kasalukuyan ngayong excited na magpadala ng litrato gamit ang cellphone habang nagtatago sa maliit na espasyo sa loob ng annex building; malinaw na litrato ni Ash na nakasunod kay Charlton sa labas ng cooking building ang ipinadala nito sa kausap kanina. Nang makita ang salitang 'seen' sa konbersasyon ay muli itong nagpadala ng litrato na kung saan nakaupo sa sahig at tila natutulog ang dalaga sa loob ng music room habang titig na titig naman dito si Maverick. Sumagot ng 'like' emoticon ang kamensahe kaya agad na isinilid ng lalaki ang cellphone nito sa bulsa ng pang-ibabang uniporme at saka tumungo sa labas ng gusali.

Lingid naman sa kaalaman ng lalaki na palihim itong sinusundan ng isang estudyanteng nasa second year level—isa ito sa miyembro ng Black Soul Incorporation na binigyan ng utos ng lider upang manmanan ang lalaking kumuha ng litrato kay Ash noong isang araw. Kaya naman simula ng araw na ring iyon ay hindi nito nilubayan ang lalaking target ng grupo.

"Master, naabutan ko kanina ang target sa loob ng annex building. May kausap ito sa telepono at narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Master Burn."

"How 'bout Ash? May narinig ka rin bang plano nila kay Ash?"

"Wala, Master. Pero may nasabi siyang babae na madalas kasama ng grupo natin. Sa tingin ko po'y si Ash ang tinutukoy niya ro'n."

"Alright. Just keep your eyes on him. Balitaan mo agad kami kapag may napansin kang kakaiba. We need a strong evidence bago natin gawin ang susunod na hakbang sa newbie na 'yan."

"Okay, Master. Masusunod po. Sa ngayon, susundan ko muna ang ulupong na 'to. Papunta siya ngayon sa dome."

"Sige."

Pagkatapos ipaalam ng binatilyong miyembro ng B.S.I. kay Charlton ang tungkol sa narinig nito kanina ay palihim ulit nitong sinusundan ang target na lalaki. Patungo ito sa loob ng dome kung kaya naman doon din tumungo ang binatilyo.

Samantala, habang abala si Burn sa pagpirma ng mga papeles sa kaniyang opisina ay bigla namang pumasok si Charlton nang may seryosong aura. Nag-angat siya ng tingin dito at sinundan ang kaibigan hanggang sa makaupo ito sa silyang nasa harapan ng kaniyang mesa.

"What is it?" bungad niya sa kaibigang tila papaumpisa nang magsalita.

"Nasundan ni Dos ang target sa loob ng annex building na may kausap. Narinig niya raw doon ang pangalan mo at ang babaeng madalas nating kasama—"

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon