Day 16

21.7K 338 13
                                    

Burn's point of view.




"Kumusta siya?" bungad ni Charlton pagkapasok ng silid na ito. Dumiretso siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Ash habang ako naman ay nasa kabilang bahagi.



"She's fine. Kailangan niya lang magpahinga." Sagot ko.



Mataman niya itong tinignan at saka umiling na animo'y hindi makapaniwala. "Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa kanya," saglit siyang tumingin sa akin. "Kumikilos na ang mga tauhan natin ngayon. Pinapa-imbestigahan ko kung sino ang nasa likod ng pangyayaring ito."



Umigting ang aking bagang at madilim siyang tinignan. "Where's Belle?" mariin kong tanong.



"Ipinatawag ko na rin siya. Mayamaya lang ay papunta na rin 'yun dito," sagot niya kahit na alam niyang hindi iyon ang gusto kong marinig. "'Wag mong isisi sa kanya ang nangyari, Burn. Wala siyang kasalanan dito." Pagtatanggol niya kay Belle na tila nahulaan ang nasa isip ko.



"Pero napabayaan niya-"



"Kahit na." he cutted. "Ang kailangan natin ngayon ay mahanap ang tunay na may kagagawan nito kay Ash. Hindi biro ang tinamo niyang bugbog sa katawan."



Hindi na ako sumagot kay Charlton. Ibinalik ko na lang muli ang tingin ko sa anghel na nakahiga ngayon sa kama ko bago ako naupo sa tabi nito. Inilagay ko sa likod ng tainga niya ang kanyang takas na buhok at bumungad sa akin ang pasa sa taas ng kanyang cheekbone, maging sa ibaba ng kanyang tainga.



Naikuyom ko ang aking kamao.



Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Ash dahil na rin sa kapabayaan ko. Kung bakit ba naman kasi hindi pa ako gumawa ng hakbang noong paulit-ulit niya akong pinagbibintangan tungkol sa death card na 'yun? Sana ay noon pa lang kumilos na ako upang alamin kung sino ang nagbibigay nito sa kanya. Subalit, hindi ko ginawa. I'm so fucking stupid dahil sa kakampantehan ko. Kampante na hinding-hindi ito mangyayari sa kanya.



But, fuck! She's here now. Nakahiga sa kama ko nang may mga pasa at nanghihina ang katawan. Ang makita siyang nasa ganitong kalagayan ay hindi ko lubusang matanggap. Kaya naman hindi ako makapapayag na malaya silang naglalakad sa loob ng eskwelahang ito habang si Ash ay nagdurusa dahil sa natamo niyang mga sugat at bugbog. Ipapatikim ko sa kanila ang sakit na ipinaramdam nila sa babaeng iniingatan ko.



"Master..."



Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang matamlay na si Belle. Naglakad ito patungo sa tabi ni Charlton bago yumuko at saka pinagsalikop ang kamay sa kanyang likuran.



"I'm sorry for my negligence, Master. Hindi ko nabantayang mabuti si Ash," panimula niya. "Nasa martial arts training ako nang mga oras na 'yun. Hindi ko akalain na papasok siya ng maaga-"



"I don't need your damn explanation, Alcantara. You need to face the consequences." Hindi ko napigilan ang sarili ko.



"Burn!" pag-singit bigla ni Charlton. "I told you, hindi kasalanan ni Belle 'yun."



"But, It's all about our rules, Charlton. Oras na napabayaan mo ang misyon mo, you'll face the punishment... like it or not." Paliwanag ko. "You're on the second rank of our gang, kaya 'wag mong kakalimutan ang idineklarang rules ng kumpanya."



Hindi ito nakasagot. Huminga lang siya ng malalim bago muling nagsalita. "Give her a second chance."



Nagulat ako sa sinabi niya. Maging si Belle ay napatingin rin sa kanya dahil sa pagtataka.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon