Day 5

28.7K 437 19
                                    

"Bakit dito mo naisipan makipagkita?" Tanong ko habang papalapit kay Janella.



Nakatayo siya malapit sa pasamano ng palapag na ito. Bigla naman akong nangilabot sa sobrang lamig ng hangin dito na dumarampi sa aking balat. Hinaplos ko ang magkabila kong braso upang makaramdam man lang ng kahit kaonting init. Tumabi ako sa kanya at pinagmasdan siya. Sumasabay sa hangin ang kanyang tuwid na buhok at mahabang bangs na halos matakpan ang kanyang dalawang mata. Ang kanyang makapal na salamin ay halos sakupin naman ang kalahati ng kanyang mukha. Nakakakita pa kaya siya?



Pinasadahan ko rin ng tingin ang kanyang pinagmamasdan. Namangha ako sa nakikita ko. Nasa tuktok nga pala kami ng building kaya tanaw na tanaw ko mula rito ang kabuuan ng unibersidad na ito. Napakalawak. Ngayon ko masasabi na hindi pa pala namin nalilibot ang buong lugar. Wala pa kami sa kalahati o baka nga wala pa kami sa one-fourth nito. At mukhang hindi iyon ganoon kadaling malibot. Parang katumbas na nito ang isang bayan, eh? Hindi ko alam. Basta mamamangha ka sa lawak. Idagdag mo pa ang mga ilaw na animo'y bituin na nasa ibaba at ang nag-iiba-ibang kulay ng tubig na umaagos sa fountain. Napakaganda. Napaka-peaceful. Hindi mo iisipin na may nangyayari sa'yo na masama sa loob ng magandang paaralan na ito.



"Ano'ng gusto mong malaman?" napatingin ako sa katabi kong biglang nagsalita. Nakatingin pa rin siya sa kabuuan.



"Lahat." maiksi kong sagot.



"Masyado kang demanding."



"Nagtanong ka, eh." Sagot ko. Hindi na siya umimik kaya naalarma ako sa inasal niya. "Fine! Kung ano lang 'yung gusto mong sabihin na dapat kong malaman."



Huminga siya ng malalim. "You know what is bullying, right?" aniya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.



"Of course?" Wala sa sarili kong sagot. Ba't kasi gano'n ang tanong niya? Of course, alam ko. Kahit sino ay alam 'yan.



"Well, bullying is allowed and legal inside this prestigious school."



WHAT?!



Napaawang ang aking bibig habang nanlalaki ang mga mata. Seryoso ba siya? Tama ba ang narinig ko? Allowed at legal ang bullying sa eskwelahang ito?



"T-Teka! Sigurado ka ba d'yan? Paano nangyari 'yon? Lahat ng eskwelahan sa pilipinas ay ipinatutupad ang anti-bullying law, tapos dito allowed at legal?"



"Believe it or not, that's the fact."



"How come?"



Iyon lang ang tanging lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung wala akong maintindihan o sadyang ayaw ko lang intindihin? Maaari nga ba na magkaroon ng ganitong klaseng eskwelahan? Siguro. Pwede. Hindi. Oo. Depende. Ewan ko. Hindi ko maintindihan. Masyadong magulo.



"Rules ng eskwelahang 'to na bigyan ng pagsubok ang mga 'newbie' sa loob ng unang limang araw nila dito. We call it newbie instead of transferee," paliwanag niya. Humarap siya sa akin. Wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa kanyang mga mata dahil nahaharangan iyon. "Newbie dahil hindi pa kayo ganap na transferee. Kapag nalampasan niyo ang pagsubok, doon pa lamang kayo matatawag na transferee..."



Napa-'ah' na lang ako sa hangin. Kaya pala ganoon ang madalas kong naririnig sa kanila. Well, maliban siguro sa mga professor dito, transferee na ang tawag nila sa amin, eh. Subalit, nagtataka pa rin ako kung paanong nagkaroon ng ganitong rules ang eskwelahang 'to? Masyadong maganda at prestihiyoso ang paaralan na 'to para sa ganoong klaseng rules. Hindi ko lubos maisip. Don't judge the book by it's cover na nga ba ito? Tsk!



"Dahil hindi lahat ay nalalampasan iyon. 'Yung iba ay una hanggang tatlong araw lang ang itinatagal nila dito... sumusuko na." dagdag pa niya.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon