Day 25

17K 272 12
                                    

Dumaan ang mga araw at naging abala ang lahat para sa darating na ranking exam. Pagkatapos ng masaya at nakaka-wala ng stress na intramurals ay napalitan agad ito ng maka-ubos buhok na pagre-review. Hindi ko nga alam kung bakit ako narito sa library at nagsu-sunog ng kilay, eh. Sa pagkakatanda ko, hinila lang ako ni Lia at dinala niya ako rito upang mag-aral daw ng mga lessons na hindi ko naiintindihan. At talagang seryoso siya sa pagtuturo sa akin, huh? As if naman na mahina ako sa academics? Slight lang kaya!

"Hindi ganiyan! Mali ang equation mo," untag sa akin ni Lia sabay agaw niya sa notes na sinasagutan ko.

"Ano'ng mali? Tama naman, ah?" sinilip ko ang ginawa niyang equation. "Sus! Kulang lang ng x, mali na agad?"

"Oo! Dahil magkulang ka lang sa umpisa nito ay magkakamali ka na sa mga susunod." Seryoso niyang sinabi.

Napanguso ako at saka kinagat ang dulong bahagi ng ballpen. "Wala na bang ibang problem? Kahit anong problema, 'wag lang 'yan."

Mabilis naman na suminghap si Lia at saka humarap sa akin. "Simple problem palang 'to, Ash. Wala pa tayo sa major," sagot ni Lia.

Mas lalo tuloy humaba ang nguso ko. "Ayaw ko na niyan, ibang subject naman... recess kaya? Wala ka bang ipapagawa sa subject na recess?" nabuhayan kong tinig.

Bigla niya naman akong sinamaan ng tingin. "Pwede ba, Ash? This time ay magseryoso ka naman?"

"Eh, bakit ba pinipilit mo ako ngayon diyan? Hindi ka naman ganiyan sa'kin dati, ah?"

Huminga ito ng malalim bago niya ako sinagot. "This is for your own sake, Sisteret. Seryosohin natin ito at kapag naipasa mo ang exam, magpasalamat ka sa akin." Seryoso niyang sabi.

Lumabi ako at saka inihilig ang aking ulo. "Ano bang meron sa exam na 'yan at bakit parang sini-seryoso mong masyado? No. What I mean is, dati ka nang seryoso sa exams pero bakit pati ako ay dinadamay mo?"

Humugot muli siya ng isang malalim na hininga na para bang hirap na hirap nitong sagutin ang tanong ko. Ano'ng probema ng isang 'to?

"Dito nakasalalay ang pagiging tahimik ng buong school year mo, okay? Trust me! Just... please? Sundin mo naman ako this time," may pakiusap na tinig niya.

Ilang saglit muna kaming nagkatitigan bago ko ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa niya. She's so freaking serious. Alam ko iyon dahil sa tono ng pananalita niya. And besides, I trust her words. Siguro ay mayroon siyang pinanghuhugutan kaya gusto niya akong mag-seryoso ngayon sa exam. Kung ano man iyon ay hihintayin ko nalang na siya mismo ang unang magsabi sa akin.

Pagkatapos nang ilang oras na pagre-review ay wala na yatang natirang utak sa ulo ko. Naubos na sa pagsagot ko sa mahihirap na tanong ni Lia. Saan niya kaya kinuha ang mga problem na iyon? Wala akong natatandaan na pinag-aralan namin 'yon, ah? May sarili na naman sigurong lesson plan ang kapatid ko. Pwede na siya maging teacher, huh? Terror teacher. Tss!

"Twenty out of fifty," matabang na sambit ni Lia kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumango-tango ako. "Not bad,"

"Anong not bad ka diyan? This is not good, Ash." Aniya. "Alam mo ba kung ilang items ang ranking exam?" tanong niya.

"Ilan?" tamad kong sagot habang inaayos ang mga gamit ko.

"Three hundred," sagot niya. "At alam mo bang ten percent lang do'n ang identification? Ten percent ang essay and the rest ay problem solving na?" dire-diretso nitong sabi.

Ini-hinto ko ang aking ginagawa upang sagutin ang mahaba niyang litanya. "Li, ngayon palang tayo nag-umpisang mag-review. Sa tingin mo ba'y sisik-sik agad 'yan sa malambot kong utak? Dahan-dahan naman... may bukas pa kaya," aniko saka tumayo at nauna nang maglakad.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon