Day 12

24.9K 377 23
                                    

"Ash in! Ash out!"



"Ash in! Ash out!"



"Ash in! Ash out!"



Pang-aasar sa akin nina Kim at Lia habang nagpupunas ako ng lamesa. Kanina ko pa pinandidilatan ng mata ang dalawang 'yan pero mukhang hindi yata sila nasisindak sa ginagawa ko-ako ang naiirita sa ginagawa nila. I-ash in, ash out ba naman ang bawat galaw ng kamay ko? Mga bwisit na 'to! Bakit nga ba kasi narito ang dalawang 'yan? Eh, hindi naman nakakatulong sa lipunan.



Nakaupo lang sila habang pinapanuod akong magpunas ng mga mesa dito sa canteen. Sa halip na tulungan ako, eh, nagawa pa nila akong pagtawanan. Kesyo, consequence raw ito sa pagtanggi ko doon sa unang offer ni Mrs. Ward. At punishment na rin daw dahil hindi ko sinasabi sa kanila ang rason kung bakit ko tinanggihan 'yon.



Ito ang pangalawang offer ni Mrs. Ward na ayon sa kanya ay hindi kagandahan kumpara sa unang in-offer niya kahapon. Well, for me, this is better than the first one. Dahil alam kong mas mapapanatag at magiging kumportable ako dito kaysa sa makasama ang isang 'yon sa araw-araw. Wala naman masama sa pagiging serbedora, eh. Legal 'to, kaya hindi dapat ikahiya. Sadyang bwisit lang ang dalawang 'to, porke sa matinong tao sila napadpad.



Habang nagmo-mop ako ay naririnig ko ang todo hula na si Lia kung bakit ko tinanggihan ang unang offer na iyon. Sa lahat ng hula niya, ngayon lang naagaw ang atensyon ko. Dahilan ng pagtigil ko sa aking ginagawa at saka matalim na tumingin sa kanilang dalawa, lalo na kay Lia na 'hula with motion pa'.



"Ito na talaga hints ko kung bakit niya tinanggihan 'yun, eh!" aniya na para bang kinukuha talaga ang atensyon ng makikinig sa kanya.



"Ano 'yun? Ano 'yun? Dali!" excited na tugon naman ni Kim.



"Kutob ko, galing 'yun sa taong iniiwasan niya. Tulad nu'ng sa'yo, nakalagay do'n galing kay Mr. Park, 'di ba? Then, 'yung sa akin ay galing naman kay Mrs. Yu. At sa kanya..." umigting ang panga ko dahil sabay silang tumingin sa akin nang may nakakalokong ngiti. Tumayo si Lia at sinundan lamang siya ng tingin ni Kim. "Ang tanong lang kasi do'n, bakit niya iniiwasan?" tanong niya.



"Siguro..." pumalakpak si Kim ng isa, sabay titig kay Lia. "Nakakarinig na siya ng, DUG-DUG! DUG-DUG! DUG-DUG!"



"At siguro, maraming gumagalaw sa tiyan niya?" sabay hawak ni Lia sa kanyang tiyan.



"Eh, 'yung para kang tumakbo dahil sa bilis nang tibok ng puso mo?" iminuwestra naman ni Kim ang korteng puso sa kanyang dibdib.



"At sa sobrang bilis, hindi ka na makahinga?" umupo muli si Lia.



"Kaya ang gagawin mo, iiwasan mo na kasi..." nakatitig lamang sila sa isa't isa na para bang iisa ang nasa kanilang isip.



"Kasi feeling mo, may sakit ka na!" sabay nilang sambit bago nag-high five at saka tumawa.



Halos maging isa na lang ang dalawa kong kilay dahil sa pagsalubong nito habang pinapanuod sila. Ghad! Kapatid ko ba talaga ang dalawang 'to? Nagawang magpalitan ng kumento sa harapan ko? Hello! Ashnette Rouie Costello is here. Can't you see? Can't you feel? Tss! Parang makaka-imbento yata ako ngayon ng flying mop, ah. Sila ang una kong target!



Lumapit ako sa kanila bitbit ang mop at basahan sa magkabila kong kamay. Inilapit ko ito sa kanilang mukha kaya agad silang umiwas. Tumatawa akong inilihis ang mop patungo sa gilid ng mesa na nasa likuran nila habang ang basahan naman ay ibinaba ko sa aking gilid ngunit nanatili sa aking kamay. Gulat silang tumingin sa akin. Akala yata nila ay talagang isasalampak ko sa mukha nila ang mga hawak ko. Mabait pa rin naman ako. Hindi ko iyon gagawin sa kanila, unless magsasalita ulit sila ngayong nasa harapan na nila mismo ako. Hawak ko pa ang basahan, 'di ba? So, may ipapasok pa ako sa bibig nila. Evil smile!

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon