DAY 14

16K 333 12
                                    

"Panalo, Ash!"



Sumulyap ako saglit sa gawi ng mga kaibigan ko kung saan sila kumakain. Kanina pa kasi nila binabanggit ang katagang iyan at talaga namang kay sarap pakinggan. Pero mas nakakataba ng puso ang professor na kausap ko ngayon habang bitbit nito ang baunan na naglalaman ng mga niluto ko. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng food tasting event ay agad niya akong kinausap at sinabing kung maaari daw ba na makapagdala pa ito ng nilasing na manok at camaron rebosado sa kanyang dorm. Sino ba nman ako para tumanggi? It's my pleasure after all.



"Thank you so much for this, Ms. Costello." anang Mr. Clark. Pang limang beses na siguro niya iyan binigkas.



Ngumiti ulit ako. "Naku! Wala po iyon, Sir. Sana nga ay mabusog po kayo niyan."



"Baka nga malasing rin ako nito, eh." Pagbibiro niya.



Tumawa naman ako. "Hayaan niyo po, gagawan ko kayo ng curry soup kung sakaling malasing kayo niyan," biro ko rin sa kanya at bigla naman nalukot ang mukha nito. "Joke lang po. Enjoy your meal!" masigla kong sambit na ikinabalik muli ng kanyang magiliw na reaksyon at nagtawanan na lang kami.



Nagpaalam na siya at lumabas ng silid na ito kasama ang iba pang professor na nakilahok sa event. Matapos kong sundan ang paglabas nila ay agad na akong nagtungo sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan ko. Bitbit ko ang sweet and sour sauce ng camaron rebosado na kanina pa nila nilalantakan kahit wala ito.



"Hinay-hinay naman diyan," inilapag ko ang sauce sa gitna ng mesa. Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa pagitan nina Belle at Karina.



"Ano yan?" nginuso ni Lia ang sweet and sour na inilapag ko sa mesa. Kinuha niya naman iyon bago inamoy at tinikman. "Para sa camaron ba 'to?" aniya at tumango ako. "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Nagtiyaga kami sa dry," kumuha siya ng hipon saka isinawsaw sa sauce. "Tamo, mas sumarap!"



Ngumiwi ako sa sinabi niya. "Hiyang-hiya naman po ako sa katakawan mo, ano? Malay ko ba na lalantakan niyo 'yan nang hindi man lang naghahanap ng sawsawan?" sarkastiko kong sabi.



"Gutom, eh. Talu-talo na 'to!" si Kim ang sumagot.



Napailing na lang ako sa dalawang ito bago bumaling ng tingin sa nananahimik na si Aikee. Seryoso itong kumakain at tanging sa pagkain lamang siya nakatingin. Kaya't nang magkaroon ng pagkakataon na magtama ang aming mga mata ay agad ko siyang nginitian.



"Kumusta?" tanong ko sa kanya.



Nilunok niya muna ang kinakain niya bago ito nakangiting nag-thumbs up sa akin. "Sarap!" iyon lang ang tangi niyang nasabi.



"Sa sobrang sarap, nakaka-speechless ba? Kanina ka pa walang imik diyan, ah!" sabi naman sa kanya ni Karina.



"Ni-nanam-nam ko, eh. Bakit ba?" sagot niya rito bago sumubo ng kanin.



"Ay! Ang taray ni ate mo Aikee, ah? Epekto ng nilasing na manok? O, ng camaron rebosado?" pagbibiro ni Kim.



"Pwede both?" sagot niya sabay ngisi nito.



"Akala ko ba, on diet ka?" biglang tanong sa kanya ni Belle.



Biglang lumikot naman ang kanyang mga mata bago nito sinagot si Belle. "Ha? Sino ka? Sino kayo? Nasaan ako? Wala akong maalala."



Natawa na lang kaming lima sa biglaang pagpapanggap ni Aikee na wala siyang maalala. Iba rin pala ang tama ng isang 'to kapag sinumpong ng kabaliwan. Mas malala!



Ipinagpatuloy namin ang pangangantiyaw kay Aikee habang pumapapak naman ako ng hipon. Hanggang sa nauwi ang usapan sa kung saan kami didiretso pagkatapos naming kumain dito.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon