Day 11

14.7K 316 10
                                    

Marahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto bago mabilis na naglakad palabas ng dorm. Sinadya kong umalis ng maaga dahil hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga kaibigan ko matapos nang nangyari noong biyernes. Hindi ko pa alam kung ano ang isasagot ko sa mga non-sense nilang tanong o kung dapat ko nga bang sagutin? I think, hindi naman dapat. Dahil ang usapan ay lunch lang naman, 'di ba? Kumain kami at naubos ko ang halos three-fourth ng in-order niya. So, that was it! Well done, right?



At isa pa, kailangan kong balikan ang mga lugar na napuntahan ko noong araw ding iyon dahil nawawala ang cellphone ko. Ginugol ko ang sabado at linggo sa paghahanap nu'n sa kwarto ko, ngunit wala akong nakita kahit back case man lamang na may sticker ni Taz Mania. Nakakapanlumo. Kailangan ko iyong mahanap bago nila malaman na nawawala nga ito. Paniguradong sangdamakmak na sermon na naman ang matatamasa ko sa dalawang iyon lalo na kay Lia. Tsk!



"U-Uh, Ash?"



Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan at nakita ko ang kunot-noong si Belle habang nakatingin sa akin. Mukhang kagagaling niya lamang sa pag-jogging dahil naka-leggings pa ito, v-neck white shirt and black rubber shoes na may puting tsek. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam na nagjo-jogging ang isang 'to kahit na weekdays. Nahuli tuloy ako nang wala sa oras. Eh, kaya nga ako gumising at papasok ng maaga dahil hindi ko pa sila kayang harapin tapos ngayon nandito siya sa harapan ko? Oh, darn! Hindi talaga lahat ay matatakasan. Kailangan ko na yata talagang mag-isip ng isasagot. Bahala na nga!



"Hi!" hilaw na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya. "Nagjo-jog ka pala kahit weekdays?" tanong ko.



Nag-iwas siya ng tingin at tila parang nataranta. "U-Uh, yes! Actually, daily." Sagot niya. "Ikaw ba't ang aga mo? Papasok ka na?" tumulo ang pawis sa kanyang noo kaya agad niya itong pinunasan gamit ang bimpo na nakasabit sa kanyang balikat. Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglaan niyang paglapit sabay hawak sa aking kamay. "Hintayin mo 'ko, magbibihis lang ako. Ten minutes, Ash." aniya sabay tingin sa paligid. "Doon mo na lang ako hintayin." Tinuro niya ang bench bago tumakbo patungo sa dorm. "Ten minutes lang!" sigaw niya nang medyo nakalayo na siya.



Naiwan akong wala sa ulirat. Pino-proseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya. Hintayin ko raw siya, right? So, meaning magsasabay kaming pumasok? And at the same time, kasama din siya sa paghahanap ng phone ko? Ibig sabihin, malalaman niya na nawawala ito? Oh, great! Good timing, huh? Para saan ang paggising ko nang maaga kung hindi lang rin sarili ko ang makakahanap nu'n? Pero sabagay, mas mapapadali ang paghahanap kung hindi lang ako ang maghahanap. Sasabihan ko na lang si Belle na 'wag muna ipaalam kina Lia at Kim ang tungkol doon. Tama! Ganoon na nga lang. What a brilliant idea, Ash. You're so smart, dishwashing liquid. Isang patak kaya ang sangkatutak. Tss!



"Hindi ka umupo?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Belle. Uh, sampung minuto na iyon? Sampung minuto akong nakatayo dito at hindi man lang talaga ako naupo? Geez! "Let's go?" nakangiti niyang sambit. Tumango na lamang ako at nag-umpisa na kaming maglakad. "Saan ba tayo pupunta? Maaga pa, ah?" aniya.



"A-Ano kasi... nawawala ang cellphone ko. Hahanapin ko sana doon sa may gilid ng main building," sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya bago ako hinarap. Huminto kami sa paglalakad.



"Nawawala? Kelan pa?" tanong niya.



"Uh... I think, noong friday." Sagot ko. And this time, ako naman ang humawak sa kanan niyang kamay. Napatingin siya rito bago niya ako tinignan sa aking mga mata. "Don't tell this to Lia and Kim, Belle. Gusto ko sana ay ako muna ang maghahanap at kung sakaling hindi ko talaga makita ay saka ko lamang sasabihin sa kanila." Paki-usap ko.



Mataman niya muna akong tinitigan bago tumango at napangiti ako. Naglakad kami patungo sa gilid ng main building at nag-umpisa ng maghanap. Inisip ko muli ang bawat galaw ko noong araw na iyon. Mula sa pader na sinandalan ko, binato ko ng mansanas ang matabang chinito, lumapit ako sa kanya at sinipa siya sa mukha kaya natumba siya sa parteng ito. Naghanap ako muli, ngunit mukhang negative yata kami sa lugar na 'to.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon