Day 20

20.2K 393 57
                                    

"What is..." anang questioner habang kaming lahat ay masugid na nag-aabang sa susunod nitong sasambitin. "What is the scientific name of Grizzly Bear?"

Matapos niya iyong sabihin ay agad kong pinindot ang red button na nasa harapan namin ni Janella. Tumunog ito at binanggit ng questioner ang pangalan ko hudyat na kami ang sasagot sa tanong niyang iyon.

Tumingin ako kay Janella, tingin na nagtatanong kung alam ba niya ang sagot doon. Nanlaki naman ang mga mata ko nang marahan itong umiling.

Hala! Lagot na!

"Ten..."

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at ang lahat ay nag-aabang sa maisasagot ko. Naningkit naman bigla ang mga mata ko nang mapansin ko sa hindi kalayuan ang presensya ni Ash. Kahit nahaharangan ito ng mas matatangkad pa sa kanya ay alam kong siya iyon. Kanina pa kaya siya dito? Kanina pa niya ako pinapanuod?

"Five..."

Pumikit ako at hinanap sa kasuluk-sulukan ng utak ko ang scientific name ng grizzly bear. Alam ko ito, eh! Sadyang kinalawang na nga lang siguro sa utak ko ang tungkol doon. Tss!

"Two..."

"Ursus Arctos Horriblis!" mabilis at nakangiti kong sabi nang sa wakas ay nahanap ko rin ang tamang sagot.

"Ursus Arctos Horriblis," pag-uulit ng questioner saka iginala ang paningin sa karamihan. "Ursus Arctos Horriblis is correct!"

Napa-'YES' ako sa tuwa habang nakangiting ikinuyom ang dalawang kamao. Dinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid kaya naman inilibot ko sa kanila ang aking paningin habang binibigkas ang salitang 'Thank you' sa hangin bilang pasasalamat. Humarap ako kay Janella at wala sa sariling yumakap ako sa kanya. Hindi ko naman naramdaman ang pagganti nito ng yakap sa akin kaya kahit dismayado ay nakangiti pa rin akong bumitaw sa kanya.

"We won!" masigla kong sabi.

Hindi na naman ako nakarinig ng sagot mula rito kaya unti-unting nawala ang ngiti ko sa aking labi. Ano na naman ba ang problema ng isang 'to? Lakas makasira ng mood. Tss!

Iginala ko na lang muli ang aking paningin sa karamihan at napako ito sa kung saan naka-pwesto kanina ang kapatid ko. Kumunot ang noo ko nang hindi ko na makita ang presensya niya rito. Marahil ay umalis na ito nang marinig niya mula sa questioner na tama ang sagot ko. Well, at least, she's here. Despite of her own busy schedule ay nagkaroon pa rin siya ng oras para panuorin ako sa kumpetisyon na sinalihan ko. Despite of what I've done to her, nandito siya at sinamahan niya ako. Kahit malayo siya. Kahit hindi siya lumalapit sa akin. Kahit hanggang tanaw na lang.

Damn!

Ganoon na ba talaga ako kasama para matiis siya ng ganito katagal?

"Congratulations, Lia!" bungad agad sa amin ng mga ka-miyembro namin sa science club nang makalabas kami ng venue.

Pinalibutan nila ako habang sunud-sunod ang kanilang mga tanong kaya hindi ko ito magawang sagutin dahil hindi ko alam kung sino sa kanila ang aking uunahin.

"Tsamba lang 'yun," sagot ko sa tanong ni Lovely.

"Anong tsamba? Halata kayang alam na alam mo 'yun, noh! 'Wag nga kame!"

Natawa ako sa tinuran niya. "Stock knowledge," mahina kong bulong sa kanya at natawa rin ito sa sinabi ko. "Dahil na rin sa tulong niyo at ni Ms. Dimakatarungan," dagdag ko pa. "And of course, with the help of my partner... Janella," sabay tingin ko sa babaeng nasa labas ng circle.

Ako lang pala ang pinalibutan ng mga ito. Nakalimutan yata nila na dalawa kaming sumali sa laban na 'to. Tsk! Bad!

"Oo nga pala! Congrats sa inyo, Janella!" nakangiting bati nila. "Oh, pa'no? Una na kami sa inyo, ah? See us again!" anila bago nagpaalam.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon