Day 7

23.5K 397 39
                                    

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakadapa ko sa matigas na katawan ni Burn. Pakiramdam ko ay mas lalo pa yatang nayupi ang pango kong ilong nang tumama ito sa dibdib niya. Geez! Paano ba kasi kami humantong sa gano'ng posisyon? Nakakainis!



Inayos ko ang uniporme ko bago inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Kung saan-saang sulok ako tumingin, huwag lamang magtama ang aming mga mata. Naramdaman ko naman na tumayo na rin siya. Gamit ang peripheral vision ay nakita kong inaayos niya ang laylayan ng kanyang damit saka naglakad patungo sa malaking itim na sofa. Naupo siya doon at ipinatong ang dalawang braso sa headrest nito.



Matapos kong sundan ang galaw niyang iyon ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kinatatayuan ko ngayon. Masasabi kong para akong nasa isang malaking living room. Crap that, living room na nga itong matatawag. Pero ang ipinagtataka ko ay kung paano nagkaroon ng ganito sa loob ng university? Nagpagawa ba siya ng mala-mansyon na kwarto dito? Hindi ba unfair 'yun para sa mga ibang estudyante na nagtitiis sa mini living room ng dorm? Limitado lamang ang maaaring umu-kupado do'n, samantalang siya rito ay kulang na lang umalog sa sobrang laki nito para sa kanya. Ano siya, may-ari? Para magkaroon ng ganitong ka-espesyal na kwarto? Unfair ha? Unfair!



"Anong lugar 'to? Bakit ka narito?" tanong ko sa kanya habang inililibot pa rin ang paningin sa silid na ito. Pambasag na rin sa katahimikan na kanina pa nabuo sa pagitan namin. Nahagip naman ng mga mata ko ang ngisi niya sa labi kaya tinaasan ko siya ng kilay. "What?" iritable kong sambit.



"Hindi ba't ako dapat ang magtanong sa'yo niyan? Anong ginagawa mo sa teritoryo ko?" Tanong niya sa akin pabalik. Inihilig niya ang kanyang ulo nang may pagtataka.



Tumawa ako ng sarkastiko. "Hindi mo alam? Oh come on, 'wag mo nga akong linlangin."



Kumunot ang kanyang noo. "Linlangin? In what way, Miss?" aniya. Kita ko talaga sa mukha niya ang pagtataka. Oh? Don't tell me, hindi niya alam? Imposible 'yan!



"Pwede ba? 'Wag ka na magmaang-maangan diyan. Ipahabol mo ba naman ako sa mga tau-tauhan mo, eh, malamang makakarating talaga ako sa kung saan. Hindi ko nga lang akalain na dadalhin ako ng mga paa ko sa kuta ng mga katulad mo." Sabi ko sabay irap sa kanya.



"Ipahabol? Tau-tauhan?" naguguluhan niyang tugon. Oh, geez! Nakakapikon na ang isang 'to. Isa na lang talaga, bubulagta na ito dito, eh!



Mahirap ba intindihin at alalahanin na ipinahabol niya ako sa mga tauhan niya para makarating ako sa lugar na 'to? Bakit kailangan pa niyang magpanggap na hindi niya alam? Hindi bagay sa kanya ang umarte. Hindi siya magaling. Hindi pwedeng bigyan ng award.



Inis kong tinuro ang pinto. "Nandiyan sa labas ang mga humahabol sa akin. Mga tau-tauhan mo na tangang sumusunod sa'yo."



Tinitigan niya naman muna ako bago siya tumayo at prenteng naglakad patungo sa pinto. Binuksan niya iyon bago sinilip ang labas at saka isinara itong muli. Nakakunot ang noo niyang inihilig ang kanyang ulo na tila may kung anong iniisip. Siguro ay iniisip niya kung sino ang mga naroon. Hindi niya kilala? Anong klaseng leader siya?



"A-Ah... Sila ba? Gusto mo bang papasukin ko rin sila dito?"



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngumisi siya at para bang kuminang ang kanyang mga mata dahil sa suhestiyon niyang iyon. Hindi pala niya iniisip kanina kung sino ang naroon sa labas, kundi iniisip niya na papasukin sila rito. Nagkamali ako. Bakit ba sumagi sa isip ko na hindi niya kilala ang mga ito? Malamang kilala niya. Tauhan niya, eh!



Mabilis akong umiling. Subalit, sa halip na sang-ayunan niya ang pag-iling ko ay hindi niya iyon pinansin. Dahan-dahan niyang binubuksan ang pinto kaya naman bago pa niya mabuksan iyon ay awtomatiko akong napatakbo patungo sa kanya. Marahas kong hinila ang kanyang braso na nakahawak sa door knob dahilan para mapasandal siya sa kabilang bahagi ng pader. Isinara ko agad ang pinto bago humarap sa kanya at itinulak ang kanyang dibdib.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon