Day 22

16.3K 300 45
                                    

Ash point of view.





"Hindi nga? Totoo? Oh my God!"

Tinakluban ko ng kumot ang buong katawan at mukha ko saka nagpa-padyak-padyak sa kama ko. Hindi pa ako nakuntento doon kaya nagpagulung-gulong pa ako.

"Tell me you're lying," paimpit kong sabi. Hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Lia, but obviously, narinig niya nga yata dahil tumawa na naman ito ng malakas.

"No, dear. I'm telling the truth," may panunuyang tinig niya.

"Aaaah!" sigaw ko dahil sa inis.

Humagalpak muli ng tawa si Lia na animo'y tuwang-tuwa sa nangyayari sa akin. Sarap hambalusin ng tubo ang babaeng ito. Ugh!

Nakakahiya! As in, nakakahiya talaga! Ano na naman ba ang nangyari sa akin? Bakit nawala na naman ako sa sarili ko? God! Nakakahiya talaga! Ano'ng mukha pa ang ihaharap ko sa kaniya? Wala na! Wala na akong maihaharap. Damn!

Kung bakit ba naman kasi kinuwento pa sa akin ni Lia ang lahat ng nangyari kagabi, eh. Hindi tuloy ako makapaniwala na ginawa ko, 'yun. Although, kahit noon pa naman ay hindi ko na talaga sila pinaniniwalaan pagdating sa bagay na iyon. But this time, paano kung totoo nga? Paano ko pa haharapin ang lalaking 'yon? Paniguradong sandamakmak na panunuya na naman ang sasaluhin ko sa kaniya kapag nagkita kami. Makiki-pagkita pa ba ako? Huwag na lang kaya, ano?

"Alalahanin mo. Alam kong maaalala mo 'yun," sabi niyang muli.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko kaya tinanggal ko ang kumot sa aking mukha. Bumungad sa akin ang nakangiting si Kim, ngiting nakakaloko kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Sinabi mo na?" hindi niya pinansin ang masamang titig ko sa kaniya. Dumiretso ito sa puwesto ni Lia malapit sa tukador at sabay nila akong tinignan na animo'y naghihintay sa pag-amin ko.

Pag-amin saan? Sa mga ginawa ko kagabi? They think na aalalahanin ko pa talaga ang mga nakakahiyang pinaggagagawa ko? No way! No freaking way!

"Lia, 'di na tayo mag-aaway ulit, huh?" malambing kong sabi sa kapatid ko.

Tumango si Lia saka hinaplos ang buhok ko na para bang bata ang kausap nito.

"Hindi na. Hinding-hindi," aniya.

Ngumiti ako at muli siyang niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagtulo ng sipon ko sa balikat niya kaya mas lalo ko pang ibinaon ang mukha ko dito.

"Oo nga pala, alam mo bang bumubuga ng apoy ang mga dragon?" sabi ko nang bumitaw ako mula sa pagkakayakap ko sa kaniya.

Bigla naman kumunot ang kanyang noo. "Naka-ilang bote ka ba ng beer, ha?"

"Beer?" pagtataka ko. "Kailan ka pa nahilig sa beer? Hindi ba't ayaw mo sa mga beer dahil may allergy ka?" tanong ko, seryoso.

"Boba! Beer, hindi bear!"

Napangiwi ako sa sigaw niya. "'Wag mo naman akong sigawan. Bati na ba talaga tayo, ha?" aniko sabay sundot sa ilong niya.

Lumayo ito ng bahagya kaya sumubsob naman ang mukha ko sa lap niya. "Sino ba kasing may sabi sa'yong uminom ka? Alam mo naman na bawal kang uminom, 'di ba?" sermon niya sa akin.

Tumuwid ako ng upo at muli siyang hinarap. "Kasalanan ng mga dragon, Lia. 'Wag kang sumigaw, maririnig ka nila." Bulong ko.

"Oh my God," mahina niyang sambit sabay tutop sa kanyang noo. "Nasaan na ba si Kim? Mukhang malala ang tama ng isang 'to," iginala niya rin ang kanyang mga mata.

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon