Day 40

12.5K 232 41
                                    

Nagpupuyos sa galit ang dibdib ni Sofia dahil sa mga nalaman nito mula sa ina. Hindi matanggap ng puso't isipan nito na ang mga bagay na inaakalang kanila ay pag-aari naman pala ng iba. Punung-puno ng katanungan ang isip nito, katulad na lamang ng: kung paano humantong ang lahat sa ganoong bagay nang hindi man lang nito nalalaman, at kung maaari bang may alam din ang magkapatid na Blevins tungkol sa bagay na iyon? O baka naman kagaya nito ay nabigla rin sila sa mga nalaman tungkol sa nakaraan ng kanilang mga magulang? At higit sa lahat, paano kung malaman ito ng mga kaibigan nito? Paano kung malaman ito ng lahat?

Ewan!

Hindi na nito alam kung ano pa ang dapat isipin at paniwalaan. Hindi na tinatanggap ng sistema nito ang mga nalaman na katotohanan. Kung nabuhay at lumaki ito sa kasinungalingan at puno ng lihim na nakaraan, bakit hindi na nga lang ba nito ipagpatuloy ang laban?

"Ah!" galit na sigaw ng dalaga saka itinumba ang swivel chair. Nag-aalab ang titig nito sa gulong na patuloy na umiikot na animo'y naghihintay ng pagliyab ng isang napakalaking apoy. "Hinding-hindi ako makapapayag na mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko. Kung nabuhay ako sa katotohanang alam ko, 'yon pa rin ang ipagpapatuloy ko!" mariin nitong banta.

Buo na ang desisyon nitong ipagpatuloy ang kung anong pinaniniwalaan noon pa man; iyon ay ang pag-aari nila ang eskuwelahan, at walang sino mang mula sa nakaraan ang makakaagaw niyon sa kanila.

Nagmartsa si Sofia palabas ng conference room patungo sa opisina ng ina. Pagkagulat ang agad na rumehistro sa mga mata ng ginang dahil sa kakaibang aurang nakikita sa anak.

"Sofia..." nag-aalalang sambit nito.

Sa halip na tumugon naman ay agad na umupo si Sofia sa bakanteng upuan sa harap ng mesa ni Mrs. Ward saka matamang tinitigan ito sa mga mata. "We need something to do, Mom, tutulungan kita. Magtulungan tayo..." diretsong sinabi nito.

"M-Magtulungan? Saan?"

"Mom, hindi pwedeng makuha lang ng kung sino ang eskwelahang pinaghirapan natin-pinaghirapan ninyo. Papayag ka ba na mauwi lang sa wala ang lahat ng 'yon? Kasi ako, hindi! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko oras na malaman nilang hindi naman pala sa atin 'to? Mommy, kailangang may gawin tayo. Hindi natin pwedeng hayaan na sumulpot na lang bigla ang bitch na sinasabi mo tapos ano... itatapon na lang nila tayo rito na parang basura? No way, mommy! Hindi ako papayag! Magkamatayan na-"

"Anak! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" pag-awat ni Mrs. Ward sa walang awat na litanya na iyon ni Sofia. "Hindi mangyayari 'yan. We are one of the major shareholder here kaya imposibleng mangyari ang sinasabi mo."

"No, mom! Don't you get it? Hindi pwedeng shareholder lang tayo rito. Dapat sa atin mismo ang eskwelahang ito dahil pinaghirapan at pinagpaguran ninyo 'to ni Daddy. Nasaan ba siya no'ng may mga problema ang university? Wala, 'di ba? Tapos bigla na lang silang susulpot para kunin 'to sa 'tin? No way! No fucking way, mom!"

Huminga nang malalim ang ginang saka marahang hinawakan ang kamay ni Sofia na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Anak, isa 'to sa rason kung bakit hindi namin sinasabi sa 'yo ang tungkol dito. You're too young for these kind of businesses," mahinahon nitong pahayag. "Hayaan mong kami na ang lumutas sa problemang ito. Wala kang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at nang sa gano'n, saka ka makakatulong sa amin ng daddy mo. Hindi mo kailangang gawin ang isang bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli, anak. Hindi 'yan ang itinuro ko sa 'yo-"

Biglang tumayo si Sofia; iiling-iling, hindi makapaniwala sa narinig. "What? Mom, did you hear yourself too? Sinasabi mo bang hayaan ko lang ang sitwasyong 'to, eh paano naman ang sasabihin ng ibang tao oras na malaman nila ang totoo, ha? Ang mga kaibigan ko, paano kung magtanong sila? My God, mom!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Without RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon