PROLOGUE

4.6K 71 6
                                    

"ASWANG! ASWANG! ASWANG!"

Naririnig kong sigaw ng ilang kabataang lalaki sa isang batang babae. Umiiyak ito dahil sa pangbubully ng mga ito sa kanya.

"Hoy, bakit niyo siya inaaway?" Lumapit ako sa kanila at sinaway ang mga bata.

"Tigilan niyo na nga yan, di niyo ba nakikitang umiiyak na siya?" Galit kong sita sa mga bata.

"Eh paano kasi, pamilya sila ng mga aswang. Lola niya si Manding Wana na kilalang aswang dito sa barangay natin." Matapang na sagot ng isang bata.

Nainis ako dahil sa narinig. Hello, 2022 na may ganito pa ring paniniwala sa lugar namin?! Bakit kailangan nilang itanim sa utak ng mga bata ang ganyang kalokohan.

"Umuwi na kayo!" taboy ko sa kanila. "At sa susunod na makita ko kayong binubully siya, isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo." Hindi na sila sumagot at agad namang nagtakbuhan papalayo.

"Ate, salamat po..." ang may paghikbing sabi ng bata sa akin.

"Walang anuman, sige umuwi ka na at magagabi na lalo't nag-iisa ka lang baka bumalik ulit yung nang-aaway sa'yo." Tumango ito at napangiti sabay takbo pauwi sa kanila.

Mga bata talaga, kung anu-ano ang pinaniniwalaan. Aswang for real? Napabuntong hininga nalang ako dahil sa isang alala noon- sa isang aswang daw. ###






A/N: This story is a product of my imagination. Para sa akin, hindi totoo ang mga aswang. Anyway, kung totoo man sila, sila ang swerte sa panahon ngayon, dahil sa sobrang mahal ng presyo ng gasolina. Imagine that, di nila kailangan mamasahe, lilipad lang sila. Eh di tipid. Char.

[ITUTULOY]

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now