PART 10

992 42 3
                                    

"Bawal"

Hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha sa tuwing maaalala ko ang gabing nakahalikan ko si Thirdy. Wala sa loob kong napahawak sa labi. Gosh. Hindi na ito virgin.

Aminado akong nasarapan pero bakit niya nga ba ako hinalikan?

Lihim na umasa ang puso kong may gusto din sa akin ang lalaki. Sana. Dahil mas tumitindi lalo ang nararamdaman sa kanya. Hindi nalang ito crush, mas malalim pa dun.

Sa kabila ng pangungulit ni Mel. Hindi ko magawang magkwento. Ayokong sabihin baka tuksuhin nila ako. Mamaya kumalat. Tsismosa din kasi si bakla.

Maski ako, hindi ko alam anong relasyon meron kami ni Thirdy. Naguguluhan ako. Mahirap mag-assume.

Bisperas ng kapiyestahan sa amin. Marami ang nagsi-uwian galing ibang lugar. Gaya nalang ni ate Kris na kasamang umuwi ang bayaw ko at pamangkin kong three-year old na si Mathew. Cute na cute si baby Mat-mat. Kapansin pansin ang sobrang kaputian nito at pagiging chubby.

Kasalukuyan akong inaayusan ni Ate Andrea dahil may parada mamaya para sa piyesta sa pangunguna ng elementary school band ng aming barangay. Isa ako sa maglalakad bilang nanalo sa Miss Gay kasama ang itinanghal ding Little Mr.&Ms. Santa Clara na isang money contest, at ang bagong Miss Santa Clara na si Ate Jade.

Sabi ni Mel, pamangkin daw ng hermano mayor na galing Maynila ang maging escort ko't kaedaran ko lang. Pinakiusapan daw ito nina secretary at pumayag naman. Mukhang kinikilig pa nga itong nagkwikwento dahil gwapo daw.

Sus. Walang pa ring tatalo sa kagwapuhan ni cutie wang ko.

Nung nalaman kong kasali ako sa parada, balak ko sanang yayain si Thirdy na maging escort ko. Pero di pa muling bumili sa tindahan. At di ko rin alam paano siya papakiharapan matapos ang nangyaring halikan.

Nasa labas na kami ng simbahan. Naghihintay sa pagsisimula ng parada. Malapit lang naman ang lalakarin dahil sa proper lang ng barangay.

Nakasuot ako ng isang hapit na kulay beige modern Filipiñana gown. Simple ang design nito. Ang kakaiba lang, bukas ang likod nito. Kaya nakalitaw ang likuran ko.

Siguro kung makikita ako ni Thirdy, hindi ata ito magagalit. Likod ko lang naman ang kita at hindi pwet. Ay, talagang naisip ko siya.

Katabi ko si Mel habang pinapaypayan ako. Nakakatuwa din si bakla kasi napakasupportive niya sa akin.

"Bakla, diyan na ang escort mo!" Nagpipigil itong tumili. Animo kilig na kilig.

Napatingin ako sa lalaking papalapit sa amin. Oo nga. Infer dito, gwapo. Matangkad. At malinis tingnan palibhasa maputi. Nakasuot ito ng off white barong.

"Hi. I am Nathan. Short for Nathaniel," nakangiting nakalahad ang isang kamay nito sa akin nang makalapit. At ang gwapo rin ng boses tunog nag-aral sa isang exclusive school.

Tinanggap ko at ngumiti. Parang nahiya ako kasi mukhang mas malambot pa ang kamay niya sa akin.

"You must be Ivory?" Aba Englishero. Mapapalaban ata ako.

"It's Victory actually." Nakangiti kong sabi. Nalito lang siguro dahil katunog naman ang Ivory sa Victory.

Nakita ko itong ngumiti. Cute niya lalo. "Oh my mistake. I was just confused. But you are really beautiful, Victory. "

Namula ang mukha ko dahil sa tahasang puri nito. Napatango nalang ako at nagpasalamat.

"No offense, I really thought you are a girl when I first saw you." Napatingin ako sa kanya kungnagbibiro ito. Pero mukhang seryoso naman.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now