PART 13

679 30 4
                                    

"Sore eyes"

Kanina pa ako nandito sa kanto papasok sa bahay nila Thirdy.  Nagbabakasakaling dumaan siya. Di ko kasi maiwasang mag-alala sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ni Ate Kris. Animo pati ako nasaktan din.

Si ate kasi. Iniisip ko nalang na kaya niya nagawa yun dahil isa siyang ina na nag-aalala para sa anak. Mali lang na agad siyang  namaratang nang walang  matibay  na ebedinsya.

Halos isang oras na akong naghihintay pero wala pa rin. What if puntahan ko nalang siya? Siguro nasa bahay lang ito. Sana.

Namalayan ko nalang ang aking mga paa na dinadala sa pamamahay ng mga Claro.

Sa pangalawang pagkakataon,  nakarating ako dito.  Katahimikan ang bumungad sa akin. Nakakabinging katahimikan. 

Ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng kanilang bakal na gate.  Nagdadalawang isip kung kakatok. Pero nag-uumapaw ang kagustuhan kong makausap ang lalaki. Marahan kung hinampas ang bakal para makagawa ng ingay.

Paulit-ulit at palakas ng palakas ang paghampas. Ba't di nalang kaya ako sumigaw?  Pero mukhang bibigay ang boses ko dahil  sa kabang bumabalot sa akin. Sana, marinig ni Thirdy yung pangagalampag sa gate nila.

Lumipas ang ilang sandali, bigo pa rin ako sa ginagawa ko dahil tila walang bakas na may tao sa loob. Nasaan ba sila? Jusko. Magtatakip-silim na. Di ko maiwasang kabahan pero nananaig pa rin ang kagustuhang makita't makausap siya.

Muli, ang tunog ng bakal na hinahampas ang tanging pumapaibabaw sa payapang kabahayan. Ano ba? Seryoso ba, walang tao? Pero nasa loob ang saksakyan nila pati ang motor ni Thirdy. Kung tama ang hinuha ko, nasa loob lang sila ng bahay at hindi umalis. Di ba talaga ako nila naririnig?

Nagsisimula ng dumilim ang paligid at unti-unting nang humahalo ang huni ng mga kuliglig sa kapaligiran.

Dahil sa pag-aalala at tila panghihina napaupo ako sa damuhan. Determinado pa rin akong makausap siya.

Ang daming tumatakbo sa isip ko~galit siya sa akin at sa pamilya ko! Kaya ayaw na niya akong makita. Bumalot ang sakit sa puso ko, parang tinutusok-tusok ng pinong-pino.

"Anong kailangan mo?"

Bigla akong napatayo matapos marinig ang boses na may hatid kilabot. Tila tumayo ang balahibo ko sa takot.

Awtomatiko akong napatingin sa pinanggagalingan ng boses. Tumambad sa akin ang isang matandang lalaking maputi. Napatitig ako sa kanya. Alam kong hindi maganda ang tumitig sa kapwa, ika nga it is rude. Pero di ko maiwasang aralin ang hitsura niya.

Bagama't masasabing magandang lalaki ito sa kabila ng katandaan. Pero ang kanyang balat ay kakaiba ang pagkaputi, parang di na sisikatan ng araw. Ang kanyang mga mata. Teka lang, ba't parang ang pula at hindi makatingin sa akin ng derecho. Panahon ba ngayon ng sore eyes?

Ang kanyang awra ay kakaiba animo'y may hatid kilabot. O sadyang pakiramdam ko lang 'to. Pero sino nga ba siya? Omg! Natigilan ako ng mahinuha kong ang kaharap ko ay ang Lolo ni Thirdy,  si Tino o kilala sa tawag na 'Tinong Aswang.'

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nerbyos. Hindi ko mapigilang makaramdam ng takot. Sa totoo lang ngayon ko lang siya nakita kasi hindi naman ito lumalabas ng bahay.

"Ah- a-ako po si -si Victory... a-anak ni V-vic." Pinipilit kong ipakita na hindi ako natatakot ngunit ipinagkakanulo ako sa pautal-utal kong pagsasalita.

"Anong kailangan mo?"

Oo nga pala ito ang tanong niya hindi kung sino ako. Sadyang nakakatanga talaga ang takot.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now