PART 8

1K 39 4
                                    

"Miss Gay"

Mabuti nalang wala akong narinig na panunukso mula kina Mel dahil sa nangyari sa court. Parang himala ata at si bakla tahimik sa ganap. Samantala ako ilang gabi ding hindi nakatulog ng maayos dahil sa nangyari.

"Baks nga pala. May amatuer Ms. Gay sa barangay natin sa sunod na Sabado para sa piyesta," balita nito sa akin. "Ang pwede lang sumali ay yung mga hindi pa nakakasali sa miss gay. Kaya pasok ka dun."

"Baks, alam mo namang wala akong mga gamit pagdating diyan. Tsaka bakit ikaw, ayaw mo ba?"

"Ay naku baks, ang kontes ay pagandahan hindi katatakutan. Alam mo namang borta ako dahil banat ang katawan ko sa trabaho. Eh di, magiging katatawanan lang ako dun." sabi nito.

"Eh di at least, darling of the crowd ka.." patola kong sabi. Hindi pa kasi nauuso ang Miss Gay Pangkalawakan noon. Nasanay ang mga tao sa amin na ang Miss Gay, labanan ng mga diyosang bakla o nagfifeeling diyosa lang.

"Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin ni Ate Andrea. Tuturuan ka sa paglakad, at pagsagot. At ang gagamitin mo kami na ang bahala." Si ate Andrea ay ang baklang kabarangay namin na kamag-anak ni Mel. May parlor ito sa bayan at laman din ito ng mga miss gay contest. Dumadayo pa nga ito sa ibang bayan para sa gay pageants.

"Ang gagawin  mo nalang ay sumali, magmaganda at manalo," full of confidence  na sabi nito. Taas ng expectation ni baks sa akin, kaloka.

"Eh kailangan ko pang magpaalam kina nanay. Alam mo naman kahit suportado ako sa kabaklaan ko, iba pa rin yang miss gay. Baka mapahiya ako dun."

"Naku, hindi ka mapapahiya dun kasi maganda ka at matalino. Baka ilampaso mo pa nga ang iba dun dahil pareparehas kayong mga first timer sa contest." Kampanteng sabi nito. Iba din talaga si friend.

Nasa parlor kami ngayon ni Ate Andrea nag-aaral maglakad. Every lunch break pumupunta kami ni Mel dito. Malapit lang naman kasi sa school namin. Buti nalang pumayag si nanay na sumali ako. Wala rin siyang nagawa dahil sa pangungulit ni Mel at ipinangako nitong wala kaming gagastusin.

Sa simula nahihirapan akong maglakad. Nasa 5-inch kasi ang pinasuot sa aking sandals. Pero sa huli, sa paulit-ulit na subok,  nakuha ko na ang tiknik at nakakalakad na ako nang maayos. Sunod kung inaral ang Q&A na naka-timer. Mahigpit na bilin ni ate Andrea na mag-focus lang ako sa tanong at huwag kabahan. Pwede ba yun eh first time ko nga? Paano kung bigla akong magkaroon ng anxiety attack? Jusko wag naman sana mangyari.

Sa gay pageant sa aming barangay, tatanghalin ang Miss Gay Santa Clara 2005 at dalawang runners up. Ang title holder ay makakatanggap ng 2,000.00; ang 1st runner up ay 1,500.00; at ang 2nd runner up ay 1,000.00. Ang lahat ng major awards ay may tig-200.00 cash prize– Best in Swimsuit, Best in Talent, Best in Gown at Best in National Costume. Ang lahat naman ng mga contestants na di papalarin ay makakatanggap ni tig-300.00 consolation prizes. Sa panahong ito, malaki na ang ganitong papremyo for amatuer miss gay contest.

Naihanda na ni Ate Andrea ang lahat ng gagamitin ko. Although naging usapan namin na kung sakaling manalo, hati nalang kami sa mapapanalunang cash prize. Alam ko namang nag-invest siya dito kahit sabihin pang tinutulungan niya lang ako. Alam kong gumastos din ito.

"Baks, alam mo bang kinuha ang mga Claro na maging judge sa Miss Gay?" Napahinto ako bigla sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Mel.

"Kasi nga daw nung nagconduct ng solicitation sa atin sina secretary para sa pakontes. Malaki daw ang binigay nila. Kaya ayun, ininvite na mag-judge." Kinabahan ako sa nalaman. Paano kung siya ang kuning judge sa pamilya nila? Pero mukhang malabo ata.  Sana wag lang siya lihim kong dasal. Please.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now