PART 9

922 41 2
                                    

"Snow bear"

Sa pangatlong pagkakataon, nakaangkas muli ako sa motor  ni Thirdy. Tahimik naming binabaybay ang madilim na kalsada. Kanina pa ito walang kibo. Hindi ko alam ang tinatakbo ng kanyang  utak.

Kampante lang akong nakayakap sa kanyang bewang. Animoy nasanay  na ako sa kanyang natural na amoy na nakaka-adik.

Mabagal niyang pinapatakbo ang kanyang motor. Walang pagmamadali  tila ninamnam ang mapayapang gabi.

Napatingala ako sa buwan na para bang nakasunod sa amin. Hindi pa man ito kabilugan, tama lang ang liwanag na binibigay.

"Thirdy,  salamat  pala sa inyo.  Dahil nanalo ako," pagbubukas ko ng topic. Ako na ang magsisimula.  Baka kasi mapanisan kami ng laway  kung hindi kami magkikibuan.

"Deserve mo namang manalo."  Napangiti ako.

Pero sa true lang  naman. Obvious  na Obvious  kaya. Parang  all the stars aligned ngayong gabi ang peg sa akin kaya nasungkit ko ang  korona.

"Ahmm, maganda  ba  ako kanina? Naseksihan ka ba sa akin?" Buong-tapang kong tanong. Di ko pa rin kasi makalimutan yung  mukha niya kanina.

Lumipas ang ilang saglit, wala akong narinig  na sagot.

Ay mukhang  hindi nga siya nagandahan. Echos lang yung  kanina. Di ko mapigilang  makaramdam ng lungkot.

"Oo. Ayoko lang sa mga pinagsusuot mo!" Seryoso nitong sagot.

Ayaw niya sa suot ko? Eh nakuha nga ang lahat ng major awards.

"Ay bakit? Ang ganda kaya ng mga gawa ni Ate Andrea. Cute nga, kita pwet ko." Napahagikhik ako nang maalala ang pinaggagawa ko sa pageant.

Infer, nabigyan ko ng justice  yung mga outfitan ni ate.

Walang anu-ano'y nauntog ang noo ko sa kanyang matigas na likuran nang bigla itong prumeno.

"Ouch! Bakit ka biglang tumigil?" napasapo ako sa noo ko.

"Nakita mo ba ulit yung malaking itim na aso?"  Taka kong tanong habang hinahapuhap ang noo kong bahagyang may kirot. Palibhasa puro muscle ata ang likod nitong singtigas ng bato.

Lumingon siya sa akin. Mula sa liwanag  ng buwan, kitang-kita ang singdilim ng gabi nitong mukha.

"Hoy anong  problema,  ba't  ganyan ang mukha mo?" Takang-taka pa rin ako bat bigla nalang itong nagmukhang galit.

"Wag na wag ka nang magsusuot na nagpapakita ng katawan!" may pagbabantang utos nito.

"Luh, bakit? Eh contest  naman yung sinalihan ko. Kaya  normal lang na magpakita ng balat at maging daring. Hello?" Besides bagay naman sa akin. Di ko mapigilang magtaray dahil litung-lito na ako sa ikinikilos niya.

Di ko siya maintindihan  bakit  bigla-bigla nalang itong nawawala sa mood gaya ngayon. Sino ba kasi kaaway nito?

Iniharap nito ang kanyang  katawan. Habang ang isang paa ay nakatungkod sa lupa. Magkaharap na ang mga mukha namin. Kita ko tila nagtatagis ang kanyang mga pangil, ay ngipin pala.  Napasimangot ako.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now