PART 15

985 41 14
                                    

"Sapol, Sapo"

Tahimik naming binabaybay ang madilim na kalsada. Sa muli, nakayakap ako sa likuran ni Thirdy. Patuloy pa rin na nag-iinit ang pakiramdam dahil sa nangyaring halikan kanina. Parang ang sariwa pa ng kaganapan. Animoy nalalasahan ko pa ang malambot na labi at masarap na laway ng lalaki. Kaya't idinikit ko lalo ang may kailiitan kong katawan sa malapad niyang likod. Hindi na ako nakaramdam ng hiya. Bakit pa naglaplapan na nga?

Dala nang pagkalunod sa sitwasyon, namalayan ko nalang na huminto ang motor nito.  Napatingin ako sa paligid. Hindi ito pamilyar at mas lalong hindi ito ang bahay namin. Nasaan ba kami?

"Baba ka na.." malambing niyang sabi. Luh, anong meron pati pagsasalita nito biglang nagbago? Samantalang lagi naman itong naiinis at galit. 

"Nasaan pala tayo?" Madilim ang paligid. May naaaninag ako na kubo sa malapitan. Naririnig ko rin ang mahinang lagasgas ng tubig. Malapit pa ba kami sa may ilog?

"Sumunod ka sa akin." Hindi niya ako sinagot. Derecho lang itong naglakad patungo sa kubo. Napilitan akong sumunod kahit marami pa akong katanungan.

Pumasok ito sa loob.  Wala akong choice at pumasok din, mukhang sa kanila naman ito dahil sa hawak nitong susi. Agad siyang nagsindi ng ilaw na de gas. Nang lumiwanag, nakita ko ang malinis ang pagkakaayos ng iilang mga gamit. May mesa at dalawang silya.  Nakita ko ring may nakasabit na gitara sa dingding na sawali. 

"Dito ako nagtatambay pag gusto ko mapag-isa," pagkuway sabi nito.

Napatingin  ako sa kanya. Hindi ko mabasa ang kanyang nararamadam dahil ang kanyang mga mata ay puno ng halo-halong emosyon. Napatango nalang ako. Malamang parte pa rin ito ng kanilang malawak na lupain.

Kinuha niya ang gitara. Di ko mapigilang mamangha. Lalo akong napatitig sa kanyang mga galaw. May talent din pala ito sa pagtutog.

Shutta. Isa pa naman sa gustong-gusto ko sa lalaki ay marunong tumugtog ng instrument. At si Thirdy marunong maggitara. Nakakainlab.

Bumasag sa katahimikan ang nakakaakit na tugtugin na pamilyar sa akin. Lalo akong napatitig sa kanya habang  ang kanyang mga  daliri ay ekspertong nagtitipa at  naglalaro sa strings. Shit naman sa fingerboard.

Bakit lalo siyang gumagwapo sa paningin ko? At bakit may estrangherong  hatid sa akin habang pinagnamamasdan ang galaw ng kanyang mga daliri? Ang galing niya at ang galing niyang  puminger. KFC yern.

Patuloy lang siya sa pagtipa. At halos lumuwa ang mga mata ko at maihi sa kilig nang magsimula siyang kumanta. Pumaibabaw ang boses niyang kay sarap habang inaawit ang You and Me ng LifeHouse. Bakit ang perfect niya? Sa totoo lang hindi ko ineexpect na maganda ang boses niya.

Pakiramdam ko'y hinihigop ako ng kanyang boses. Nagtama naman ang aming mga mata. Nakatitigan. Nangungusap. Tila walang gustong bumitaw. Shit. Lalo siyang gumagwapo sa  aking paningin. At sadyang  apacca romantic naman nitong sandali. Siya at ako sa kubo habang tumutugtog ng gitara. Kinakantahan ako. Ganda ko naman masyado.

Bumaba ang titig ko sa kanyang bibig at mga labi. Ang labi niyang kay lambot at sarap. Nakaramdam ulit ako ng init at pagnanasang muling maramdam ang init nito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya. Oh bakit? nakakadik siyang halikan eh.

Parang naging mas agresibo na ako. Hanggang sa mas lumalim pa ang aming halikan. Pakiramdam ko sinisilaban na ako sa init. Nakakapanghina. Nanginginig na ako sa aking halo-halong emosyon. Kahit di ako sanay sa ganito, pilit akong lumalaban. Sumasabay sa kanya.

Naramdaman kong unting gumagalaw ang mga kamay ni Thirdy at humihimas sa katawan ko. Di ko mapigilang di makiliti. Inangat ni Thirdy ang suot kong t-shirt. Gusto ko sanang tumutol. Subalit marupok na ako. Napaungol nalang ako nang bumaba ang halik ni Thirdy sa leeg ko. Shiit ang sarap. Nakakakiliti lalot may maninipis siyang balbas.

"Thi....rd waaag." Animoy bumalik ako sa reyalidad ng sinubukan niyang hubuin ang suot kong shorts. Biglang nilukob ako ng kaba. Shutta. Kahit malandi akong mag-isip pero wala pa akong karanasan. At wala sa isip ko na ngayon araw mabibinyagan ako.

"Please..." Nagsusumamong daing nito. Napatingin ako sa mukha niya. At nakita ko ang kanyang mga matang puno ng pagnanasa at nakikiusap.  Lalong nadagdagan ang takot ko dahil di ko alam ang gagawin.

Pota. Titirahin  ba niya ako sa pwet? Naririnig ko lang sa mga bakla na ganun ang kantutan ng mga bakla. Sa pwet sila pinapasok. Pero wala pa akong karanasan. At alam kong masakit iyon. Nangilabot ako at umurong ang nararamdaman kong pagnanasa slash init slash libog. At wala pa akong balak magtiti reveal sa kanya. Di ko pa kaya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Agad ko siyang itinulak ng maramdaman ang init ng kanyang katawan. Pero niya lang ako ng mahigpit. Tangena. Hubad na pala siya. Di ko man lang maramdaman na naghubo siya. "Victory..." Padaing niyang tawag sa akin.

Mas lalong idinikit niya ang kanyang katawan sa akin. Dama ko lalo ang kanyang matigas na bukol sa ibaba. Bat parang ang laki naman noon. Mas umigting ang nararamdaman kong takot. Parang nag-auto reflex ang paa ko. Agad ko siyang nasipa, sapol ang kanyang bukol.

Napatayo ako at mabilis na tumakbo palabas ng kubo. Iniwan ko siyang dumadaing, nakalukot sa sahig,  sapo  ang kanyang bukol.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Parang naibsan ang kaba ko. At naalala ko muli ang nangyari kanina. Sa totoo lang, nakonsensya ako sa ginawa ko kay Thirdy. Alam kong masakit iyon. Pero masisi ba niya ako kung matakot ako at mag-aalala. Eh virgin pa ako. Hindi naman ako ganun ka inosente upang hindi malaman ang gusto niyang mangyari. Syempre, nanaig ang pag-aalala ko. Maliban sa sakit mas natatakot akong isipin paano kung matae ako. Eh mas lalong nakakahiya yun. Mamatay siguro ako sa  hiya pag nagkataon. Nangilabot ako habang iniisip yun. Dapack.

Biglang nahilo ako sa tila roller-coaster na emosyon. Ano ba yan from elya to biglang shookot. Plus ang antok. Kaloka.

Kahit nilalamok na ako sa labas. Ayoko pa ring pumasok sa loob ng kubo.  Dahil nahihiya akong harapin siya.  Handa akong magtiis. Kung di lang nakakatakot maglakad pauwi. Kanina pa sana ako umuwi. Pero di ko nga din alam kung saang lupalop ako dinala niya.

Makalipas ang ilang saglit.  Nakita kong lumabas ito mula sa kubo. Naaninag ko ang badtrip niyang mukha. Galit? Malamang, masipa ka ba naman sa churla at mabitin. Tiyak magagalit din.
Lumapit ito sa akin.

"Sorry." Narinig kong mahina niyang sambit. Napatingin ako sa kanya.

"Hatid na kita." Sasagot na sana ako nang marinig ko ang kaluskos sa dilim. Kasbay ang pagpilitaw ng maitim na nilalang na naging laman ng bangungot ko.

Napasigaw ako sa takot. ###

[ITUTULOY]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now