PART 5

1.2K 42 3
                                    

"Sweet Dance"

"Kumapit ka sa kin baka malaglag ka pa. Lumabas pa yang itlog mo."

Parang paulit-ulit na naririnig ko ang sinabi nito.  Sa halip na kiligin habang nakaangkas sa kanya, nawalan ako ng gana. Inaano ba siya ng itlog ko at yun ang napagdiskitahan niya. Eh may itlog naman siya. Baka nga mas malaki pa ang itlog niya sa itlog ko. Grrrrrrrrr!

Pag dating  namin sa plaza, alam kong pinagtitinginan kami o mas tamang sabihin si Thirdy ng mga kababaryo ko. Ito ata ang unang beses niyang pumunta sa sayawan at kasama ko pa. Mukhang alam ko na ang tsimis na lalabas bukas sa aming tindahan.

"Ahhh Third, hanapin ko lang sina Mel sa loob." Nakapwesto kami sa gilid ng simbahan kaharap lang ang plazang puno ng sumasayaw sa awitin ng Sex Bomb. Get, get aw! Tumango lang ito.

Kaya pumasok na ako sa loob para hanapin si Mel. Mas nauna kasi silang nakarating dahil sa shortcut sila dumaan.

Madilim sa loob, tanging liwanag lang  mula sa disco lights ang nagbibigay tanglaw. Dikit-dikit dahil lahat ay nagpapamalas ng kani-kanilang galing sa pagsayaw.

Nakita ko na si bakla. Nagpapakitang gilas sa pagiling pababa at pataas dahil napapalibutan ng mga kabarangay naming lalaki. Bida yern.

Lalapit na sana ako sa grupo nila nang may biglang humila sa akin. Si Joshua pala, kaklase ko.

"Sayaw muna tayo Victory." Tatanggi sana ako pero naging mapilit ito. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya. In fairness dito, marunong at magaling itong sumayaw. Palibhasa parehas kaming kasali sa school dance troupe.

Nagpakitang gilas ito ng kanyang malambot na katawan habang nakadikit at gumigiling sa akin. Taray ng giling steps- left and right, up and down. Nadala na rin ako kaya sinabayan ko siya nang bongga. Gumiling din ako. Mas malambot ang slim kong katawan. Wag kayo.

Dahil na-enjoy na rin ako sa pagsasayaw, naging bigay todo kami. Nawala na rin ang inis ko kanina dahil sa itlog ko. Kaya naka-agaw pansin kami. Natuon bigla ang atensyon ng iba sa aming dalawa ni Joshua.

Naririnig ko pa ang sigaw nilang lower. Napangiti ako at lalong ginanahan. Lower daw. Eh di i-lower pa natin. Sayang naman ang pagdri-dress kung hindi natin ilo-lower.

Sa panahong yun usong-uso ang lower style sa pagsasayaw. Sex bomb moment. Wag kayong ano.

Si Joshua naman sumabay din sa paggiling pababa't pataas. Spaghetti yarn. Parang hindi na namin alintanang sobra lapit at lapat na ng aming mga katawan. Hataw na hataw lang.

Hanggang sa unti-unting humihinto ang music at lumiliwanag ang dance floor. Patapos na ang disco music. Unti-unti nang nag-aalisan ang iba sa gitna ng dance floor.  Hinila ako ni Joshua, palabas.

Habol ang hiningang naglalakad pabalik sa may simbahan nang mahagip ko ang matalim na tingin sa amin ni Thirdy. Parang galit. Bakit galit yarn?

Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko agad siya o hindi. Sa huli humakbang ako papalapit sa kanya. Kawawa naman wala siyang kasama at kausap.

Nakalapit na ako wala pa rin itong kibo. Napansin kong umiinom pala siya ng red horse.

"Mukhang enjoy na enjoy ka kanina sa paglolower dun sa kasayaw mo." tila may inis na bigla niyang nasabi. Nakita niya pala ang ginawa namin.

"Ahhh, kaklase ko yun si Joshua." hindi ko maiwasang magpaliwanag sa kanya. Kahit inis ako sa kanya. Ayokong isipin niya na kalandian ko si Joshua.

"Kaya ka pala nag-dress." may pang-uuyam na sabi nito.

Aba teka lang. Ba't parang badtrip ito? Dahil ba iniwan ko siya kanina at nakipagsayaw ako. "Galit ka ba?"

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now