PART 11

888 38 10
                                    

"Fiesta"

Rejection ang isa siguro sa nakakatakot na bagay sa buhay. Dahil lahat ng mga insecurities mo ay ma-magnify nito. Lalo na kung bakla ka.

Pagkatapos ng nangyari kagabi. Tahimik kong tinitiis ang sakit. Kahit fiesta, hindi ko maramdamang maging masaya. Kahit sa pagkain, parang nawalan ako ng gana.

So ganito pala ang pakiramdam kapag hindi ka gusto ng gusto mo.

Kaya ako nalang ang nagkusang magbantay kay baby Mat-mat para may dahilan akong magtambay sa loob ng kwarto. Kahit papaano nalilibang ako sa kakyutan nito at pagiging bibo.

Di ko kasi maintindihan ang sarili bakit bigla nalang ako napapahikbi dahil sa lungkot.

Nakahiga ako't nagpapatulog kay baby nang tawagin ako ni Ate Kris. May naghahanap sa akin. Hapon na kaya't wala na kaming halos bisita. Mga iilang nag-iinuman nalang na mga kamag-anak at kumpare nila Tatay ang naiwan sa labas.

"Sino ate Kris ang naghahanap?" takang tanong ko.

Wala naman akong inaasahang bisita dahil kanina pa sila nagsipunta. Kahit anong  pilit  nga nila Mel na sumama ako para makikain sa kanila at sa ibang kong pinsan at manood ng palaro sa plaza. Tumanggi ako dahil may iniiwasan akong tao. Siguro nagtatampo't nagtataka yun sa biglaang pagbabago ko.

Agad akong lumabas. Nakita ko ang malapad na ngiti ni  Nathan. Nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti din ako.  Gwapo ang hitsura nitong nakasuot ng casual.

"Oh, I just paid a visit to check if you're okay. You know, yesterday." Nag-alala pala ito. Buti pa siya.

"By the way, your much prettier without make up. I like it." Muli akong napangiti dahil sa tahasang papuri nito. Ganito ba talaga paglaking syudad. Direct sila magsalita.

Niyaya ko siyang kumain. Di naman ito tumanggi kahit sobrang busog na daw.

"Fiesta  celebration here is awesome. Did you know,  naka-five ako ng bahay na pinuntahan kanina?" Natatawa itong nagkwikwentong  namamangha.

Ay five lang. Kaunti pa nga yun.

"And this is my 6th house, saving the best for last," sabay kindat.

Ano daw? So sinadya niya palang huling pumunta dito sa amin. Daming pabanat nitong Englishero ah. Maloko din talaga.

"Lahat nang pinuntahan mong bahay, ganyan ka kumain?" tanong ko sa kanya.

Kasi kung nakalima na to. Bakit parang madami at magana pa rin tong kumain. Akala ko busog. Tumingin siya sa akin.

"Yeah.." sabay sumubo ng dessert.

"Takaw mo pala." natatawa kong sabi. Tuluyan na akong nahawa sa masaya niyang awra.

Marami pa itong naibahaging karanasan. Manghang-mangha daw ito dahil ito ang unang fiesta experience niya dito sa Santa Clara.

"Would you like to come with me?" Aniya pagkatapos kumain.

Namumungay ang mga mata nitong nagpapacute.

"Di tayo natuloy kahapon eh. We still have lechong baka. I asked uncle na tirahan ka coz I told him you are coming."

Natawa nalang ako sa pinapakita nitong kakyutan. Lihim akong nagpasalamat dahil kay Nathan, nabawasan ang sama ng loob na dinadala ko.

Nagbihis lang ako ng maikling shorts at maluwag na t-shirt. Maganda naman ang mga binti ko. Tsaka dito lang naman kami sa barangay namin pupunta. Napagpasyahan kung sumama. Total magagabi na, malabo na sigurong makasalubong ang taong kanina ko pa iniiwasan.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now