PART 14

668 30 5
                                    

"BJ"

Matapos ang ilang araw kong pagkakasakit. Tuluyan nang  nanumbalik ang aking lakas. Bagamat sina ate Kris ay bumalik na sa Manila. Maging si Nathan na dumalaw pa sa akin nung nabalitaan nitong nilalagnat ako bago din sila bumalik sa syudad.

Ilang araw ko na ding hindi nakikita si Thirdy. Wala akong  balita sa kanya. Di ko nga alam kung nalaman  ba niyang nagkasakit ako bigla matapos ang pakikipagkita sa kanyang Lolo.

Napapikit ako. Muli kong naalala ang kakaibang pakiramdam ng sandaling yun. May kinalaman kaya ito sa naging bangungot ko? At kahit ni isa, wala akong pinagsabihan sa naging laman ng masamang panaginip ko. Pero bakit pakiramdam ko'y parang totoo ang lahat?

Kasalukuyan akong nasa tindahan at nagbabantay. Mamayang hapon pa sila Mel pupunta.   Napagkasunduan kasi naming mag-b-BJ trip mamaya. Yes, BJ like buko juice trip. Nagpipilit ang bakla kasi maganda raw na makainom ako ng bj dahil galing akong nagkasakit. Mas makakatulong daw ito para sa tuluyan kong paggaling. Nutritionist  yern.

"Victoryyyy!"

Tili ng isang pamilyar na boses.  Mula sa loob ng tindahan nakita ko si Ate Andrea nakangiti. Di ko pala naisasauli ang damit na sinuot ko nung parada dahil nangyari.

"Ateeee!" Ganti kong tili sabay yakap pagkalabas ko ng aming tindahan.

Akala ko, yung damit ang sadya niya yun pala sinabihan lang ako kung sasali daw ako ulit ng Miss Gay sa kabilang barangay. Hindi na kasi siya pwede dahil may age limit. Twenty years old below lang ang pwedeng makasali. Kaya siya nalang ang magiging handler ko. Bago ako makapagbigay ng sagot, kailangan ko muna magpaalam kina Nanay. Mahirap na.

Pagkaalis ni ate Andrea saka naman dumating sina Mel. As usual ang iingay. Agad naman kaming pumunta sa niyugan kasama ang iba ko pang pinsan.

Naging masaya ang BJ trip namin dahil puro kalokohan sina Mel. Kahit papaano nakalimutan ko ang lungkot dahil ilang araw ko na ring hindi nakikita si Thirdy. Galit pa rin ba siya dahil sa mga sinabi ni ate?

Gabi ng Miss Gay Pageant sa kabilang barangay.  Kasama ko sina ate Andrea at Mel sa likod ng stage. Same din ang flow ng contest, may production number, national costume, talent portion,  swimsuit at gown competition at panghuli ay ang Q&A.

Marami akong kasabayang matagal nang sumasali sa ganitong patimpalak. Bagama't kinabahan, pinilit kong lumaban.  At sa huli,  itinanghal akong first runner up. Not bad sa tulad kong pangalawang beses palang sumasali sa ganitong contest.  Ika nga marami pa akong kakaining bigas para ma-maintain ang pagiging title holder ko. Char.

"Hi Victory..." Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang maloko kong classmate na si Joshua. 

Kasalukuyan kaming naghahanda sa pag-uwi. Mag-ala una na rin.

"Ang ganda mo talaga. Para sa akin ikaw ang title holder," dagdag pa nito.

"Naku, tigil-tigilan mo nga ako sa pambobola mo Josh." Natatawa kong sagot sa kanya. Pero deep inside, nakakatuwa dahil kahit paano nasasatisfy ang validation kong hinahanap bilang isang hindi tunay na babae.

"Hatid na kita," alok ni Josh.

"Naku day! Sumabay ka na sa boylet mo dahil hindi tayo kasya sa motor ko." Matinis na sabat ni Ate Andrea.

Oo nga, mukhang hindi kami kasya sa motor niya dahil kasabay na namin si Mel at ang daming pang bitbit na mga gamit.

Lumapit ako sa nakangiting si Joshua. Masaya yern.

Cute naman talaga itong loko-loko kaso payatin lang kaya di ko masyadong bet. Mas bet ko kasi mga machohin kagaya ni cutie wang kasi feeling ko mas daks. Shit, naisip ko na naman siya.

LAHING ASWANGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz