PART 3

1.5K 43 0
                                    

"Friend"

Matapos ang buhat-boteng eksena sa amin ni Thirdy, tila lalong tumindi ang nararamdaman kong paghanga sa kanya. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at lagi ko siyang naiisip at  pinagpapantasyahan. Ay malandi din.

Kaya't kung wala kaming pasok sa eskwela, ako na mismo ang nagbubulontaryong magbantay sa tindahan. Madalas na kasing bumili si Thirdy ng kung anu-ano. Nakakapagtaka lang, hindi naman siya ganito dati.

At sa tuwing bumili siya, sinasadya ko talagang magpacute. Ewan ko lang kung nahahalata niya ang mga ginagawa ko lalo kung kami lang dalawa ang nasa tindahan. Pero di pa rin nagbabago ang facial expression nitong parang laging may kinaiinisan.


Isa sa mga libangan naming magkakaibigan ang maglaro ng volleyball tuwing hapon doon sa bakanteng lupa na pagmamay-ari ng pamilya nila Thirdy.  Kasama ang matalik kong kaibigang bakla ding si Mel at ilang kababatang pinsan. Minsan dumadayo kami sa ibang purok at nakikipagpustahan ng laro. Lagi kaming nananalo.

Kasalukuyang kaming naglalaro. Nakita kong paparating si crush sakay pa rin kanyang motor. Kaya, binalak ko talagang mapunta ang bola malapit sa kalsada para malapitan ko siyang makita. Tamang pagpapansin lang sana. Kaso nung tinamaan ko ang bola, napasobra ang lakas dahil sa excitement ata. Muntik nang mahagip si Thirdy.

Bahagyang gumewang ang kanyang motor nang tangkaiin niyang iwasan ang paparating na bola. Patay!

Agad nitong inihinto ang motor. Galit na bumaba.

"Hoy! Kung maglalaro kayo siguraduhin niyong 'di kayo makakaperwisyo sa dumadaan!" Nakatingin siya sa akin dahil ako ang nakita niyang huling tumira ng bola.

Hindi ako nakasagot. Umurong ang dila ko sa kaba. Kahit gusto kong humingi ng sorry pero hindi ako makapagsalita. Parang napipi ako. Narinig kong nagsalita si Mel.

"Hindi naman sinasadya ni Victory yun. Kasalanan ng bola bakit napunta sa'yo." Isa din itong baklang to. Maiyak-iyak na nga ako't pinipigilan ko lang. Nagagawa pa niyang pilosopohin ang galit na lalaki.

Kinuha niya ang bola at sinipa dahil sa inis 'yun.

"Hoy, bola yan ng volleyball at hindi ng soccer," pamimilosopo ulit ni Mel.

Buti't umalis ito at hindi pinatulan si bakla.

Bigla rin ako nakaramdam ng guilt dahil sinadya ko talaga na mapunta sa kanya ang bola. Paano nga kung natumba ito? Parang di ko ata kakayanin na masasaktan siya dahil sa kalandian ko.

Kanina pang gusto kong umiyak dahil sa epic fail na pagpapansin. Pinigilan ko lang ang sarili. Nakakahiya naman kung sa harap ng mga pinsan at barkada ako. Baka magtaka ang mga ito sa reaksyon ko. Di ko pa kasi naikwi-kwento kay Mel na crush ko si Thirdy.

"Baks, ba't ganyan ang mukha mo? Parang naiiyak ka?" Usisa nito.

Nawalan na ako ng gana. Nagpaalam akong uuwi. Kahit kita ko sa mga mukha nila ang pagdududa, hindi ko nalang binigyan pansin. Ang mahalaga makaalis ako. Baka bumalik ulit ang lalaki. Ayaw ko muna itong makita.

Pagdating ko sa bahay, derecho ako sa kwarto. Doon tuluyang ibinuhos ang sakit at sama ng loob. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan sa susunod, kung magkita man kami.

Hindi pa nga nagsisimula feeling basted na agad ako. Wala pa nga, wala na agad akong chance kay Thirdy. Galit ito. Galit ito sa akin.  Iniisip ko palang, parang may pinong kurot sa puso ko.

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now