PART 6

1.1K 38 4
                                    

"CD Burn"

Parang nakalutang pa rin ako sa tuwing naalala ko ang sweet dance namin ni Thirdy. Sadyang hindi ko lang akalain na makakasayaw ko siya. O mas tamang sabihin hindi ako makapaniwalang isinayaw niya ako. Kaya't hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka crush niya din ako.

Well, hindi naman sa pagmamayabang gwapo daw ako sabi ng nanay ko. Sabi-sabi nga sa barangay namin na magaganda kaming magkakapatid. Kung ang mga kaibigan ko ang maglalarawan sa akin, agad nilang sasabihing mukha akong babae. Hindi naman sa pagiging boastful no, may ipagmamayabang din ako. Kasi kahit probinsya ako lumaki, makinis ang maputi kong bilat este balat. Marami ngang nanghihinayang at naging bakla ako.

At ang banggit pa ng mga matatabil ang dila na mga kapitbahay, kung naging totoong babae nga daw ako, mas maganda pa ako sa mga kapatid ko. Well, well apat kaming magkakapatid. Ang aming panganay na si Ate Kris, nasa Manila, may asawa na. Samantalang ang pangalawa ay nasa kabilang bayan at graduating ng BS Education si Ate Daisy,  kasama si Ate Anne, ang sinundan ko na kasalukuyang  2nd year level at kumukuha ng kursong Business Ad. Tuwing weekend lang sila umuuwi o pag walang pasok.

Nasa halos anim na taon ang agwat namin ni Ate Anne. Dahil ang naririnig ko sa tuwing may inuman sa bahay at nalalasing si Tatay. Gustong-gustong magkaroon ito ng anak na lalaki. Kaya pilit na humabol kaya naging menopause baby ako. Sa sobrang tuwa pa nga ni Tatay nung nalaman niyang finally lalaki ang bunso, ginawa niya akong JUNIOR. At nagkatay ito ng isang kalabaw at dalawang baboy nung bininyagan ako sa sobrang pasasalamat. Buong barangay daw ang kanyang inimbita. Parang naging piyesta nga ang dating nung binyag ko sa dami ng handa at bisita.

Pero habang lumalaki ako, nakakakitaan nila ako ng pagiging malambot. Siguro, environmental factor ang isang dahilan bakit ako naging bakla dahil puro babae ang nakikita ko sa bahay. Kilos babae ang nagagaya ko.

Alam kong disappointed si Tatay dahil ang inaakala niyang tanging anak na lalaki ay di niya akalaing magiging babae rin. Pero pasalamat din ako dahil kahit kelan, hindi ako napalo o pinagbuhatan ng kamay ni Tatay dahil sa pagiging bakla ko. Tanggap at suportado nila kung ano at sino ako.

Pagkatapos ng klase agad akong nagtungo sa nag-iisang computer shop sa aming bayan ng Dolores para magpaburn ng kantang Hotel California. Kaso pipila pa dahil maraming customer. May gustong magpa-encode, paprint, magcomputer at gaya ko magpaburn ng mga kanta sa CD. Yun kasi ang uso noon—wala pa ang bluetooth at usb.

Pagtingin ko sa suot kong relo, malapit nang mag-alas sies ng gabi. Bigla akong kinabahan dahil hanggang six lang ang huling biyahe ng tricycle papunta sa barangay namin. Pero dahil sa kagustuhang maburn na ang bagong paboritong kanta, hinintay kong matapos. Pagsilip ko muli sa orasan, malapit nang mag-6:30. Pagkatapos,  lakad-takbo ako papunta sa paradahan ng tric nagbabakasakaling may biyahe pa. Nanlumo ako nang makarating, na wala akong naabutang sasakyan. Bigla akong nangamba. Potang kalandian to, mapapahamak ako. Paano ako nito uuwi? Kulang-kulang isang oras ang biyahe sa barangay namin. At kung maglalakad ako, delikado dahil mag-isa lang ako. Paburn pa more. 

Lihim nalang akong nanalangin na sana may kabarangay pa akong nasa bayan para maki-angkas. Kung maghahanap ako ng tric para sa espesyal na biyahe, sisingilin ako ng P50.00-100.00. Di kasya ang pera ko dahil nagbayad ako sa pagpapaburn ng CD. Pero naisip kong sa bahay nalang ako magbabayad. 

Ngunit kalahating oras na akong nag-aabang, wala pa rin akong makitang tricycle. Nagsimula na akong kabahan dahil mag-isa lang ako sa paradahan. Sa kaibuturan ko, nagbabakasakaling susunduin ako ni Tatay. Pero bigla kong naalala na hindi pala nila alam na hindi pa ako naka-uwi. Nagsabi sila kanina na pupunta sa kabilang barangay para sa pa-40 days ng isang naming kamag-anak. Tiyak may inuman dun at gagabihin sila sa pag-uwi. So wala talagang nakakaalam na hindi pa ako nakakauwi. Alas otso na ng gabi.

Naiiyak na akong nakaupo, nilalamig at nag-iisa sa paradahan. Niyakap ko ang aking sariling habang nakayuko ang ulong nakalapat sa tuhod dahil sa frustration. Tinitiis rin ang kagat ng mga lamok. Hindi ako pwedeng umalis dito dahil baka hanapin at sunduin ako bigla ni Tatay.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang paparating na motor. Napaangat ako ng tingin. Nasilaw sa ilaw na nanggagaling sa headlight. Sa una, di agad makita't makilala ang bagong dating dahil sa nakskasilaw na ilaw. Pero lahat ng kaba ko kanina'y lahat napawi nang marinig ko ang pamilyar na boses. "Bakit ka ginagabi?" May inis na sabi ni Thirdy na parang magulang na naninita ng anak na late umuwi.

Pinahid ko ang luha sa mukha ko. Di ko mapigilang mapangiti. Pero bakit siya nandito?

Klarong-klaro na ngayon ang kanyang  seryoso ngunit gwapo pa ring  mukha. Bakit parang nag-aalala ito? Paano niya nalamang nandito ako? Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang isang kong  kamay para alalayan akong tumayo. Napaigtad ako bigla nang maglapat ang aming mga balat dahil may kakaibang sensasyong bumalot. Agad akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Shit  na malagkit.

"Di ko kasi naabutan yung last trip, may ginawa pa kasi ako sa computer shop... eh maraming tao," mahina kong pagpapaliwanag. Sa kabila ng biglang pag-iinit ko lalo na sa mukha dahil sa tuwa't kilig. Parang nabunutan ako ng tinik dahil alam kong makaka-uwi na rin ako nang ligtas. Lihim akong nanalangin ng pasasalamat.

"Ano ba yang kantang pinaburn mo na hindi makapaghintay at pinilit mo talagang magpagabi?" Napaawang ang labi ko dahil sa gulat at pagtataka. Bakit niya alam na nagpaburn ako? Akala ko pauwi palang siya, ginabi din at sadyang nagkataon lang na nadaaanan niya ako.

Napatingin ako sa seryoso niya pa ring mukha. Nakasampa na siya sa kanyang motor. "Bakit mo alam?" Mukha lang akong timang, yung tinanong ka pero sinagot mo ng balik-tanong. Pag crush nga naman ang kaharap nakakalutang. Confirmed. Pero paano nga niya nalaman?

"Angkas na.." madiing utos niya lang. Sungit naman.  Agad akong lumapit sa kanyang motor at sumakay sa likuran.

Muli kong nalanghap ang pamilyar niyang pabango. Bango talaga nito. Ganito ba kabango kapag aswang. Char. Habang inaamoy-amoy ang kanyang likuran at batok, hindi ko maiwasang ma-consious sa amoy ko lalo't gabi na. May bisa pa rin kaya ang Bambini?

"Kumapit ka..." aniya. Lihim akong napangiti at ipinulupot sa kanyang beywang ang dalawa kong braso. Hindi ito ang una kong angkas sa kanya pero ito ang unang beses na nakapulupot sa kanya. Pero bakit wala nga pala siyang dalang bag? Hindi ba siya galing school? Pero naka-uniform naman siya ah. Agad ko namang iwinaksi ang mga katanungan ko dahil nag-uumapaw na kilig. Kung kanina labis akong nangangamba pero ngayon, masaya na ako. Parang savior lang ang peg ni Thirdy. Mas lalong tumindi ang paghanga ko sa kanya. Ayieeeee.

Habang nagbibiyahe, wala kaming imikan. Madilim ang kalsada. Tanging tunog ng mga kuliglig na humahalo sa tunog kanyang motor ang maririnig. May kaunting liwanag din ang buwan. At ang mga butuin ay nagsisikislapan. Mapayapa ang gabi. Parang ang sarap matulog lalo't nakahilig ako sa likuran ni Thirdy. Feel na feel ko ang pagkakayakap sa kanyang malapad na likod. Ang kanyang natural na init ay nakakatulong para labanan ang malamig na simoy ng hangin.

Walang anu-ano'y biglang napahinto ang motor. Dahil sa impact, muntik akong malaglag buti't nakakapit ako sa matigas niyang beywang.

Magtatanong na sana nang mapansin ko ang isang itim na bagay sa harapan namin. Nang maitutok ang ilaw ng sasakyan, bumulaga ang isang itim at napakalaking aso. Hindi pangkaraniwang ang laki nito. Nakaharang sa kalsada. Kaninong alaga ba 'to. Pota nakakatakot ang hitsura. Kitang-kita ang mga matang nitong tila nagliliyab na parang apoy dahil natatamaan ng ilaw. Pakiramdam ko'y pinagmamasdan kami nito.

"Third... yung aso baka.. baka.." nababahala kong sabi. Hindi ko rin masabing baka kagatin o lapain kami dahil hindi naman ito nagpapakita ng pagiging agresibo. Parang nakatingin lang ito sa amin, pinag-aaralan kami.

Hindi siya umimik at muling binuhay ang kanyang motor. Balak niya bang sasagasaan ang aso? Kahit nakakatakot ito pero nakakaawa din. Sa muling pagsulyap ko, nakita kong tumakbo na ito sa madilim na bahagi ng kalsada. Ang kanyang itim na kulay ay humalo sa dilim at tuluyang naglaho. Di ko na makita ngunit naririnig ko pa ang mga kaluskos nito.

"Huwag ka nang lumabas ngayong gabi sa bahay niyo!" Habilin niya sa akin matapos akong maihatid.  Buti nalang, wala pa sina nanay.

"Huwag na huwag kang lalabas!" may diing pag-uulit sa habilin nito. ###

[ITUTULOY]

LAHING ASWANGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora