PART 7

1.1K 40 3
                                    

"Cutie Wang"

Hapon ng Sabado. Kasalukuyan nasa bakanteng lote kami kung saan naglalaro kami ng volleyball.

"Baks, anong oras ka pala naka-uwi kahapon?"  tanong ni Mel. "Kasi pumunta ako sa inyo para sana bumuli kaso sarado kayo. Nakita ko nga si Thirdy dun sa tindahan niyo." dagdag pa nito.

"Si Thirdy?" parang inulit ko lang ang sinabi ni Mel. "Oo siya. Nabanggit ko nga na baka hindi ka pa naka-uwi dahil pumunta ka pang computer shop para magpaburn ng kanta," pagpapatuloy nito.

Parang naputol ang dila ko sa narinig.  So, pinuntahan pala ako ni Thirdy dun, para sunduin. Hindi lang yun nagkataon. Omgeeee! Rumihestro sa mukha ko ang ngiti at kilig. Parang gusto kong maglupasay sa bermuda grass dahil sa nalaman. Like he cares. He really cares!

Nangingiti akong napatingin sa kausap ."Oh, ba't parang kilig-kilig ka diyan, ano ba ang nangyari sa'yo?" pagtatakang tanong nito.

Pinili ko nalang ilihim  ang nangyari. "Wala, nakakita ako ng kabarangay natin, sa kanya ako naki-angkas dahil di na ako umabot sa huling biyahe ng tricycle."  Mabuti naman hindi  na ito muling nagtanong, mukhang kumbinsido sa sagot ko. 

Tuloy naalala ko yung kakaibang asong nakita namin. Sino kaya may-ari nun? Parang wala naman akong nakikita o nababalitaang taga-rito sa amin na may ganung klaseng alagang aso. Ano kaya breed nun? Palahian ko kaya ang aso naming si bantay para hindi na  kami nananakawan sa tindahan.

Naagaw ang pag-iisip ko sa kakaibang hayop nang makita namin ang paparating ang motor ni Thirdy. Lihim akong napangiti't bahagyang kinabahan. Buti nalang sinundo niya ako. Thoughtful pala ang aswang.

"Baks, andiyan si 'cutie wang' mo?" bulong ni Mel. Cutie wang? Sino yun?

"Huh, sinong cutie wang?" nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Si Thirdy ba. Cutie wang for cute na aswang, duhh!" nakangising sagot nito. Muntik ko na siyang kurutin dahil sa sinabi. Ang lokaret talaga kung anu-anong pangalan ang naiisip. Pero infer cute ng cutie wang. My cute na aswang.

Ang gwapo niyang tingnan na nakasakay sa kanyang black Honda XRM. Parang commercial model ang kanyang dating. Bahagya siyang nakayuko't nakapatong ang kanyang dalawang siko sa handlebars ng motor. Nakatingin siya sa pwesto namin.

Ngumiti ako. Nagdadalawang-isip kong lalapitan o kakawayan siya. Mas pinili ko nalang na kawayan siya at sinenyasang lumapit. FC lang, na sundo lang si bakla feeling close na agad sa lalaki. 

Agad naman itong tumalima. Naglakad papalapit sa amin. Nakatutok lang ako sa kanya't pinapanood ang bawat galaw. Mula sa kanyang tuwid na katawan, at maangas na paghakbang na parang siya ang pinakagwapo sa lahat.

"Maglalaro kayo?" nang tuluyan na itong makalapit. Namumula na ang mukha dahil sa lihim na kilig sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Pero bago pa ako makasagot, naunahan na ako ni Mel.

"Kita mong nagkakabit na ng net at may dala kaming bola baka trip lang namin magswimming dito," sarcastic at pamimilosopo nito. Lihim ko namang siniko si bakla. Baka magalit ito at palayasin kami. Pagmamay-ari pa naman nila ang lupang ito.

Hindi ko naman nakakitaan ng kahit anong reaksyon si Thirdy kaya't lihim akong nagpasalamat. Hindi ito napahiya o naiinis sa pagtataray ng kaibigan ko. Pahamak si accla.

Buong ngiti akong bumaling sa kanya. "Oo maglalaro kami. Gusto mong sumali?" Lihim akong nanalangin na sana'y pumayag ito para makasama ko pa siya ng mas matagal. "Sige ba, wala naman akong ibang gagawin." At ngumiti ito lalo. Nginitian niya ako?

LAHING ASWANGWhere stories live. Discover now